Owy's POV
Ang tagal na nung huli kaming nagusap sa phone. At last nagreply din sya sa DM ko, Okay lang daw sya, kalma lang. Natawa talaga ako, kala ko kung anu-ano na nagyayari sa kanya. Nag-alala kasi ako, may nakita kasi akong post na picture nung prom, nung nasa garden kami. Ayaw nya kasi ng sobrang atensyon, di ko na sya matawagan palaging "The number you dialed is not attended..." Tapos sasabay pa na may mga GT kami sa Visayas region, so baka mas lalong di ko na sya macontact...Kaya maaga pa lang pumunta na ko sa bahay nila PAM.
knock..knock..
Si Pao ang nagbukas ng pinto, kapatid ni PAM.
"Ma si Kuya Owy."
"Goodmorning. Hello po." I smiled. Nasa kitchen si tita, si Pao naman umupo na para mag net.
"Kuya DOTA tayo!" yaya nya sakin.
"Sige,. San pala ate mo?"
"Tulog pa ata e"
"Ah."
Lumakad ako papuntang kitchen, nagluluto si Tita. Nagmano ako sa kanya.
"Bakit ang aga mong pumunta?"
"Sorry po di ako nakapagpaalam. May sasabihin lang po ako kay PAM" sabi ko then grinned.
"O sige, umakyat ka na lang."
"Thanks Tita"
Nasalubong ko si Tito, nagbless ako sa kanya, kagagaling lang ata nya ng CR. Binati ko sya ng Good morning at nag nod sya.
UMAKYAT na ko sa hagdan, nasa bungad lang kasi ang kwarto ni PAM, bukas ang pintuan ng kwarto nya. Tulog pa si PAM. Nakatagilid sya, nakaharap sa bintana. Likod lang nya ang nakikita ko. Lumapit ako palapit sa kama nya.
I checked kung tulog talaga sya. Positive, tulog talaga. I bent and kissed her cheek silently para magising sya, napanuod namin to ni PAM nung pinalabas yung Suddenly Its Magic, pinanggising naman ni Marcus yung edge ng nose nya. Paulit ulit kong dinikit ang labi ko sa pisngi ni Pam pero di sya nagigising, ni walang reaction. Anong ginawa niya at parang puyat na puyat sya? I paused pero nakabent pa rin ako. "Babe, gising na" sabi ko nalang.
"Uhm..." sagot nya sakin. Then nag turn sya, (90 ̊ ). Nagulat ako, kasi nagdikit yung labi namin. Yaaay...pero tulog pa rinn sya, I pressed my lips to hers, napapikit ako. First time ko syang makiss sa labi, parang the long wait is over, pero hindi sya ang first kiss ko. Nakapikit lang ako, no movement parang nakapatong lang ang labi ko sa labi nya hanngang humiway ang lips nya.
Binuksan ko ang mga mata ko, nakatingin sya,
"Owy...?" mahinang tanong ni PAM.
Medyo pikit pa ang mga mata nya. Nakayuko pa rin ako at ngumiti.
"Owy?!" Malakas na pagkakasabi nya, nanlaki ang mata nya at biglang nanampal. Ang sumunod na nangyari masakit na ang panga ko. Napatayo akong diretso habang nakahawak sa pisngi ko.
"Labas" Utos nya sakin na medyo kalmado pa.
"Huh?" Di ko alam kung ano gagawin ko.
"Labas!" Pasigaw nya ng utos sakin.
"Bakittttt?"
"LABAS!" sinigaw na nya at bago pa nya ibato ang unan nakalabas na ko at nasara ko na ang pintuan.
"Anong nangyari dun?" Pagtataka ko.
"Pam, Owy alis na kami." sabi ni Tita at narinig kong nagsara na ang pintuan at nakalabas na sila.
Bumukas at lumabas ng pintuan ng kwarto si PAM, nakatakip ang isang kamay nya sa bibig nya, kalmado ang hitsura nya, parang walang nangyari at tinuro nya gamit ang thumb ang kwarto nya. I nod at pumasok sya sa CR.
![](https://img.wattpad.com/cover/5075085-288-k153129.jpg)
BINABASA MO ANG
OPTIONS: Love or Fame (On-hold)
FanfictionCommon story of a hidden girlfriend / A Story close to reality of couples who fights LOVE over the temptation of FAME, CAREER. / Story about the simple girl named PAM and her secret boyfriend OWY.