PAM'S POV
Paguwi ko ng bahay, naghilamos muna ako, nahiga at kinuha ko yung camera sa ibabaw ng study table ko.
"Ang konti lang pala ng pictures ko, puro si Jen nalang to e.."
Sya kasi ang may hawak ng camera ko since, wala ako sa mood nun. Pinatay ko ang camera at ilaw at natulog na ako.
***************************
"Puma, gising na, magsisimba pa tayo" sabi ni Mama habang nasa tapat ng pintuan ko.
"Opo."
Nag-unat na ako at tinupi ang kumot at inayos ang higaan. Ini-on ko muna ang laptop ko at in-upload ang pictures kagabi at nagpunta na ng CR para maligo.
Pagtapos ko maligo, nagbihis na ko. Uploaded na ang pictures sa FB. Post and Done. Nilog-out ko na ang account ko at shinut down na rin ang laptop.
Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa kama, may message. Galing pala kay Owy, Good Morning Babe, Love you, God Bless :* Napangiti ako, feeling ko buo na ang araw ko, joyful bumaba na ko sa hagdan at umalis na kami.
***************************
PAGKAUWI namin galing simba, nag log-in kagad ako sa FB account ko.
Ang daming notifications, mostly puro likes and comments from friends. Inedit ko yung picture na kasama ko si Cav, crinop ko yung pic namin na magkatabi kami ni Cav at crop out naman sina Owy at Jen. Nilagyan ko ng heart at ginawang Profile Picture.. madaming nag like at nag comment.
Sya ba yung nasa chicser?
WOW, swerte naman, si Cav pa..
Cute
Nice
Nag scroll ng konti at nag log out na.
Nagbasa muna ako ng novel since masyado na rin akong excited sa mangyayari kina Katniss Everdeen at Peeta Mellark.
Two days akong hindi nakapag-net nauubos kasi ang oras ko sa pagtapos ng school requirements ko at ng kapatid ko, paglilinis ng medyo malaking bahay, pagbabasa ng Hunger Games, at paglalaro ng Sudoku.
Tinext ko si OWY, Babe, musta? cleared ka na ba sa lahat ng requirements?
Isa nalang kulang ko babe, ikaw?
Tapos na ko yaay! haha, tapusin mo na yun.
Buti ka pa. I love you :*
I love you too. Ge mag net muna ako. Bye ;*
Nag log in na ko sa FB, ang daming notifications....sobrang dami.
"Weird" Bigla kong nasabi.
Ang daming friend requests, messages at notifications.
Inopen ko muna ang Friend Request. Hindi ko sila kilala, hindi rin pamilyar yung itsura nila, may taga Cebu pa. inopen ko yung account nung isang nagrerequest... 0 mutual friends "Pano nila ko nahanap?" tanong ko sa sarili ko.
Sunod kong inopen ang notifications.
Likes ng album..
Comments....
and Shares....
shares? bakit naman isshare to?
Parang wala pa sa tamang hulog yung isip ko. Ano ba nangyayari? sobrang clueless ko. Pinakamaraming comment ay yung picture na kasama ko yung chicser at nasa pagitan ako nila Cav at Owy..pare-pareho lang actually ang comments na nababasa ko..
Ate boyfriend mo ba si Owy?
Boyfriend mo ba sya?
Haba ng hair, boyfriend mo ata sya e
Swerte..
"OKAY, SOBANG WEIRD NA."
Lastly binuksan ko ang messages.
From Jen,
Bes! nakita mo na ba to?
From Wade,
PAM, musta ka na? wag mo nalang sila pansinin.
From Shirly,
PAM, ikaw ba to?
Inopen ko yung link na binigay ni Jen. May isang frame na divided into two parts.
First; yung photo na kasama ko ang Chicser, yung nasa pagitan ako nila Cav at Owy. Naka crop yung magkatabi kami ni Owy, sa Second naman; malabo yung kuha, taken sya nung JS Prom...parang aling sa terrace yung kumuha ng picture..aat yung nasa baba ay kami....kami ni Owy.....nung magkayakap kami. Tinitigan ko muna to make sure, pero ako talaga to.. naka white dress at naka black naman yung guy, kami nga to. Tinignan ko yung comments sa baba, since nasa hate page ako ng Chicser, mostly negative yung nababasa ko.
Landi naman
#MEDYOBASTOS
#MEDYOWALANGHIYA
PDA
Meron ding matitino..
Owy!
Edited.
Haters gonna hate.
JS Prom kaya to, tanga lang po admin? at may nagreplies. Sa garden JS Prom? isip isip din..
Sumikip ang dibdib ko habang binabasa ko ang mga comments ng mga tao. Parang iiyak ako pero wala akong malabas. Bigla kong pinindot yung X at nag close lahat ng tabs pati ang FB account ko.
“Isip...isip..isip..” Bulong ko habang nakaturo ang index finder ko sa center ng forehead nakapikit.
“Alam ko na.”
Binuksan ko ulit ang account ko, pumunta sa Setting at clinick ang “Permanently Delete my Account” sabi within 14 days bago madelete. On the 14th day dapat i-confirm ko kung idedelete ko talaga. Pinatay ko ang laptop ko at naglaro ng Sudoku para mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay.
Ayoko ng atensyon.. Ayoko ng fame..
Di ako lumalabas ng bahay pwera na lang pag inuutusan akong bumili ng pagkain sa palengke. Di rin ako nagnet ng ilang araw, katext ko lang si Owy, pero wala akong kinukwento tungkol dun sa bagong trend na picture. Napaguusapan namin kung bakit daw naka invisible yung account ko sa t'wing isesearch nya, palagi kong sagot, gusto ko munang magpahinga kaka-FB.
One week after nag open ako ng net, sa twitter. Biglang dami yung followers ko. 1000 plus ang nadagdag, may mga mentions din and DM's. Binasa ko yung kay Owy lang, sent in different dates.
"Pam, dinelete mo ba yung account mo?"
"Wag mo sila pansinin."
"Text mo ko"
"Skype tayo please"
Natatawa na lang ako, nagpapanic kasi sya, sabagay messages to before kami magkatext nung isang araw.
Nagreply ako. "Okay lang ako. Kalma lang. :P"
Then pinatay ko na ang laptop. Nahiga sa kama at nagbasa ng Hunger Games hanggang sa makatulog ako.
BINABASA MO ANG
OPTIONS: Love or Fame (On-hold)
Fiksi PenggemarCommon story of a hidden girlfriend / A Story close to reality of couples who fights LOVE over the temptation of FAME, CAREER. / Story about the simple girl named PAM and her secret boyfriend OWY.