Chapter NINE

19 1 0
                                    

Dear diary,

One month and two weeks na solid no personal communications, I miss him and my family does too. He missed the overnight swimming, sayang inabangan pa naman sya ng mga cousins kong babae.

I understand it naman. I know that they are also busy for the preparation of their debut album. Busy rin naman ako sa commitments ko in my studies. Nagkakatext naman kami pero di na ganun katagal, nakakatulugan na kasi naming ang isa’t- isa. Madalas, kinaumagahan nalang ang continuation kasi pagod na kami pareho. Kahit ganun, never akong mag sasawa.

Love Pam

“Kelangan ko na atang magtahi ng another leaves, paubos na ang page ng diary ko..” Sabi ko. Kakauwi ko palang galing school and I remembered him kaya i have chosen to write my thoughts of him today in my diary.

“I’m gonna make you love me noll saranghandagoo –.” Incoming call from Chelseah.

“Hello”

“PAAAAAMMM!” Sigaw nya kaya napalayo ako sa phone

“Seahhh~ Bakit?”

“May open party mamaya, gusto ko pumunta ka”

“Wait, ano bang meron?”

“Open party nga, for Chicser!”

“Bakit?”

“Andaming tanong, tapos di ka na naman pupunta. Celebration to para sa album nila”

“Ahh...oo nga pala” “Sige, pupunta ako, may dress code ba?”

“Uhmmm...semi formal. Later at six, dun sa dating tambayan”

“Copy, Thanks!”

“Okay, don’t be absent, bye!”

Di talaga ako umaattend ng Open party since the group chicser boomed. Ngayon lang. First, para Makita si Owy; Second, para ma witness ko kung anong meron sa open party.

Inantay kong makauwi sina Mama, badly 6:45pm na sila nakauwi sa bahay dahil nag grocery pa sila. Tumulong ako kay Mama sa pag-ayos ng pinamili. 7:30, had a light dinner at nagpaalam na ko about sa party. Syempre di sila pumayag, pero nagpumilit ako, pero nung sabihin ko na nandun naman si Owy, pumayag na rin sila. 8pm nagbihis na ko at nagtaxi papunta sa tambayan.

Dating bahay iyon ng grandparents ng friend namin, matagal na naming tambayan yun, years na rin at ngayon ko lang ulit mapupuntahan yung bahay.

Approx 9pm bumaba na ko sa harap ng malaking green gate sa loob ng subdivision, nasa dulong lote yun ng compound kaya wala na masyadong bahay sa paligid.

Nag door bell ako sa gate three times, at finally may sumagot din.

“Sino to?”

“Pam.”

“Pam! Pasok!” at nag unlock ang gate at pumasok na ko.

Simple lang ang suot ko. Naka Pink Floral Dress ako, knee length, sleeveless, V-neck pero walang cleavage. Naka braid yung buhok ko ‘One side’ (same as Katniss Everdeen) at naka peach na hills.

I started walking. May garden na full grown na ang mga flowers, breezy na sa labas. Kumatok ako sa tapat ng pinto. I knock at pinagbuksan ako ng isang babae at my age na naka shorts at naka spaghetti shirt. She greeted me with a smile kaya ngumiti rin ako sa kanya.

 Excited na kong makita si Owy dahil sa tagal naming di nagkita kaya sigurado ako ganun din nararamdaman nya. 

Pagpasok ko, hinanap ko kagad si Owy

Maraming tao, late na kasi ako ng 2 hours

Nakakbingi sa lakas yung tugtog

Lahat ata ng mga babaeng nadadaanan ko, mga nakadangkal shorts or shorter, mini skirts, tsaka naka tube or spaghetti straps na pangtaas..

Meron din naman akong nakitang mga naka dress, pero may cleavage at parang mini skirt sa ikli na kulay itim, okay lang naman sa kanya, since tight din yung design kaya parang sexy.

Nasan kaya si Owy?

Lumingon ako sa kaliwa ko at  nakita si Kuya Ully na may kausap. Sa kanan at nandun naman sa isang table si Kuya Bibs at kakwentuhan yung close friend nila na schoolmate ko kasama si Kuya Ver na as usual kumakain ng chips. Di na nila ko napansin kaya dumiretso na ko..

Parang pamilyar yung likod na yun a

Nakatalikod sya, nasa tabi ng stairs, naka skyblue ata, malabo paningin ko malayo kasi..

Lumakad ako palapit....

Naka color sky blue na tops at brown na pants..

Nakatalikod sya at parang naka lateral flex ang ulo nya....at may kamay sa leeg nya...

Nakatalikod sya at parang naka lateral flex ang ulo nya....at may kamay sa leeg nya...na may black cuticle....

Anlapit ko na, ang bilis ng tibok ng puso ko, parang kinakabahan ako... Sana ibang tao to at hindi sya..

Nakatalikod sya at parang naka lateral flex ang ulo nya....at may kamay sa leeg nya...na may black cuticle....at nakaakap naman yung lalaki sa bewang ng babae na nakashorts at naka pink tube bra at blazer pink..

Tumayo ako sa gilid nila. Si Owy nga. Napalunok ako..Magkadikit ang labi nila..Nakapikit sila pareho...ang difference parang vacuum ang bunganga ni Ate, higop na higop nya si Owy at mukhang gusto naman ng boyfriend ko yun

I pursed my lips. Gusto kong hablutin tong babeng to pero ayoko, parang di ko kaya, gusto kong umiyak..eto na siguro yung pinaka worse na scenario na mawiwitness mo ng harapan

....Ang makita ang boyfriend mo na may kahalikang iba T.T

..to be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OPTIONS: Love or Fame (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon