Chapter SEVEN

25 1 0
                                    

OWY’S POV

Two weeks na kaming di nagkikita ni Pam, palagi kaming nagkakatext pero namimiss ko na sya, namimiss ko na yung boses nya, yung init ng kamay nya. Ano kayang pwede kong gawin?

 Kinausap ko si Mama sa gagawin kong plano, pumayag naman sya, tinext ko si Tita at pumayag din naman sya.. Yaaay

Saturday, 6pm na. Nagpahatid ako kay Kuya papunta kina Pam.

“Tao po...” habang kumakatok ako sa pintuan nila. Si Pao ang nagbukas ng pintuan. “Kuya..?.” sabi nya.

“Hi Pao” pinapasok na ko ni Pao, nakita ko si Pam na nanunuod ng TV.

“Hi Tita” at lumapit ako sa kanya at nag bless ganun din kay Tito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Pam, parang sya lang ang hindi natutuwa.

“Overnight”

“Bakit?” tanong nya.

“Kasi –" 

“Ma si Owy daw matutulog dito”

“Sige, pinayagan ko na sya.”

Tumingin sakin si Pam, magkasalubong ang kilay nya...parang di sya natuwa sa surprise visit ko.

“...Kumain ka na?” tanong nya habang nakapamewang.

“Hindi pa.”

“O sige kain muna tayo.”

Tumayo na ko, at iniwan ko sa sofa yung bag ko. Pumunta sa dining room at umupo. Dalawang plato na may tig isang set ng kubyertos at dalawag baso ang nakahain.

“Sila tito?”

“Tapos na sila. Kagigising ko lang.”

“Uhmm.” Limitado ang sagot ni Pam, I know this, wala pa sya sa mood.

Isang bowl ng Sinigang na baboy ang ulam nila Pam. Napakain ako ng marami kasi si Tita ang nagluto at the best talaga ang sinigang nya.

Habang kumakain kami.

“Bakit ka nga ulit matutulog dito?”

“Gusto ko kasing sumabay sa inyo sa misa bukas”

“Ahhh. Akala ko dahil miss mo na ko e.” Sabi nya sakin pero di sya tumitingin

“Di a, namimiss ko sila Tita..”

“Sus.......ikaw maghugas a.”

“Opo!”

After kumain, ako na naghugas ng pinagkainan namin. Habang si Pam naman ang naglinis ng lamesa at nagwalis ng kalat. Nasa kwarto na sila tito.

Tapos na ko maghugas at inilock na ni Pam ang pinto at pinatay ang mga ilaw.

“Ganto nalang..” sabi ni Pam, habang nakahawak sa noo. “Dun ka na matulog sa kwarto nila mama tapos dito na ko sa kwarto ko.”

“Ba’t di ka nalang tayo sa kwarto lahat?’’

“Magbabasa pa ko e, saka kagigising ko lang, baka late na rin ako makatulog.” Sabi nya “Saka naka aircon sila dun. Matulog ka ng maaga kasi maaga tayo bukas magsisimba.“

8 pm.

Nakalatag na yung foam na hihigaan ko. Nasa gilid ako ng kama nila Tita sa sahig, nasa paahan naman ang foam ni Pao at nakaulo sya sa may pintuan.

9 pm.

 Naghihilik na si Tito at pumipito na si Tita. Gising pa si Pao at nanunuod pa ng TV.

OPTIONS: Love or Fame (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon