Chapter FIVE : Fated

22 1 0
                                    

PAM'S POV

Matagal kaming di nagkita, natagalan sila sa Visayas. Pagbalik naman nila sa Manila, no time kasi tight ang schedule nila. So ako, bilang ordinary girl, I used to watch television, read novels and challenge myself with Sudoku games. I already finished Halo, Hades, Heaven, Perks of being a Wallflower, Fragments, Payment in Kind, Percy Jackson: Sea of Monsters and The Hunger Games.

“Puma” Si mama at papa lang talaga ang tumatawag ng puma sakin. “May jogging daw kayo bukas ni Owy” Sigaw ni Mama. Pagkarinig ko ng Owy bumaba kagad ako.

“Ano po?”

“Kako..nag text si Owy sa kin kung pwede ka raw bang sumama sa kanya sa pag jogging bukas.”

“Ba’t di sya nagtext sakin?”

“Nagtext na sya.”

Umakyat kagad ako sa kwarto at kinuha ang cellphone ko.

1 message

Owy: PAM, babe, pumayag na si tita, pwede ba tayong mag jogging bukas?

Pam: Sige.

Owy: Okay :) Dala ka ng extra shirt, Skyblue ;) Goodnight I love you :*

Pam: I love you too ;*

NAGISING AKO SA ALARM ng cellphone ko. 4:30 am na. Bumangon na ko at nagligpit ng higaan. Bumaba sa kusina at nagluto ng breakfast ko at nila Mama. Kumain ako ng konti, nag pack ako ng sandwiches, 2 shirts at 2 towels, 1.5 thermos H2O, biscuits at nilagay ko sa Purple Jansport bag ko. Nag toothbrush na ko at nagbihis. Naka plain yellow T-shirt ako at naka 1 inch above the knee gray shorts na may naka burda na maliliit na letters na BJMP at naka pink Rubbershoes. Nag blow dry na ko ng buhok at nag braid ( tinirintas). Exact 5am, nakaayos na ko at saktong nagtext si Owy na nasa labas na sila.

Paglabas ko, nakita ko ang kotse nila. Sumakay ako sa likod, katabi ko si Owy at si Kuya Ver ang driver.

“Good morning”

“Good morning din”

“Kuya Ver, sasama ka ba sa’min?”

“Gusto ko sana, kaso ayaw ni Owy..”

Ngumisi ako kay Owy, nakatingin sya sa’kin na parang wala syang alam sa sinasabi ni Kuya Ver, parang sobrang inosente.

“..date nyo raw kasi to.” Dugtong ni Kuya Ver at tumingin sa rear mirror.

Binaba nya kami sa harap ng Luneta Park. Kinuha ni Owy ang bag nya sa trunk ng kotse. Jansport blue naman ang color ng bag nya. Naka white V-neck shirt sya at naka black shorts na hanggang knee level at naka rubbershoes na gray.

Di nya ko kinakausap.

“Text nalang kita Kuya pag magpapasundo na kami, bye”

“Sige” sagot ni Kuya Ver “Pakasaya kayo” at umandar na ang kotse paalis

Lumakad na si Owy, nauuna sya sakin. Di ko alam kung anong drama nya, at di rin sya lumilingon sakin. Tumakbo ako para pumantay ng lakad sa kanya. Nag jog kami shortly, then naglakad na, mukhang mabigat yung bag ni Owy. Nag rest kami at nag rent ng Badminton at naglaro at naglakad ulit. Nang mapagod kami umupo muna kami sa isang shade at uminom ng tubig. After the short rest, naglakad ulit kami. Tumingin ako sa wristwatch ko at 9am na. Nag aya na kong umuwi pero di pumayag si Owy.

Surprisinngly, naglakad kami from Luneta to Star City.

Sya ang nagbayad ng entrance and since may dala kami pareho na school ID, discounted yung bayad namin.

OPTIONS: Love or Fame (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon