Chapter 42

811 70 35
                                        


42 : Red String of Fate


Being in a new group was quite overwhelming, but fortunately, they were easy to talk to. Hindi rin sila gano'n ka-invasive sa personal life kaya hindi naman ako naging uncomfortable.

"Sila nga ang nasa dulong cabin pero bakit naman tayo natabi sa Team Apollo," reklamo ni Sunny. "Ang iingay pa naman ng mga dati n'yong ka-group."

We snickered at her remark. Na-realize kasi namin na former teammates namin ang naging members ng group nila ngayon. Kami ni Roi, tapos nasa red team before sina Robert at Wannie, habang magka-group naman sa black team sina Erika at Charlotte. Idagdag pa na close sina Roi at Ben kaya lahat kami ay may connections talaga sa kanila maliban kay Sunny.

"I mean, true naman na bihirang tumigil ang bibig ng mga 'yon," natatawang dagdag ni Erika. "Mas magulat ka pa kung biglang tumahimik ang isa sa kanila."

"Naaawa na ako kay Pia ngayon pa lang," sabi ni Sunny. "Sana kayanin niya ang ingay at energy ng mga 'yon."

As if on cue, we heard collective yells and laughter from their cabin. Agad kaming napadungaw sa magkabilang bintana para makita kung ano ang nangyayari at natawa kami nang ma-realize namin na nasa porch na rin ng cabin nila ang team Artemis dahil sila naman ang katapat ng team Apollo.

Since twelve cabins lang ang gamit ngayon, walang laman ang last two cabins sa side namin, at isa naman sa side nina Arin. Kung ano ang pagkakasunud-sunod sa pagtawag ng groups ay 'yon din ang arrangement ng cabins namin kaya nasa unahan ang team Zeus hanggang team Apollo sa left side, habang team Artemis hanggang team Dionysus ang nasa right.

"Roi, rinig na rinig 'yung boses mo, hoy!" sigaw ni Arin mula sa porch nila, at sakto namang lumabas ang members ng team Apollo.

"Luh, akala mo naman ang hina ng boses mo?" retorted Roi.

"Ano na, Char, mukhang mas 'di ka tatahimik sa bago mong group, ah?" komento ni Erika nang makita si Charlotte.

"Ang sakit na nga agad ng lalamunan ko, te," sagot naman ni Charlotte. "Mas madadaldal 'to kaysa sa inyo."

Nagsimula nang magsagutan ang ilan sa kanila kaya napalayo na lang ako. Paano ay nag-uusap sila habang nasa kani-kanilang porch ng cabins kaya ang lalakas ng boses. I mean, sanay naman na ako kina Roi at Arin pero nakaka-overwhelm pa rin kasi ang dami nilang nagsasalita.

Saglit naman akong napatingin kay Robert dahil tulad ko ay sa may kabilang side din siya ng porch tumayo. Nasanay ako na ako ang pinakatahimik sa grupo dati pero dito, mukhang may tatalo sa akin. He'd never talk unless it was needed, and it was kind of awkward to be in the same space as him.

"Grabe ka naman makalayo sa akin, Rob!" biglang sigaw ni Wannie mula sa Apollo cabin kaya napatingin ang mga ka-grupo namin kung nasaan kami nakatayo.

Natawa naman si Ben at saka lumapit sa amin. He placed his arm around Robert's shoulders, much to the latter's dismay. "Ano bang ginawa ng red team at parang 'di na niya gustong bumalik?"

"Hoy, ang bait kaya namin! 'Di ba, Rob? Sumagot ka!"

I wanted to get away as the attention has shifted to him, but Roi shouted my name before I could even step back.

"Ano, Elix, miss mo na ba kami? Baka 'di ka na nagsasalita d'yan ha!"

"'Di ka niya mami-miss kasi ka-grupo na niya ako," Ben chimed in while patting my head. "Baka nga mas kausapin niya pa ako kaysa sa 'yo."

"Hoy, tight kami n'yan ni Elix!" he returned before gazing at me. "H'wag mong pagtaksilan ang dati nating group, Elix!"

I almost rolled my eyes at their remarks. Worse, nakita ko si Robert na unti-unting lumalayo sa akin. Nakakainis kasi gano'n dapat ang gagawin ko, pero ako pa ang napunta bigla sa radar ng dalawang 'to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ChallengersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon