Deceit # 7

96.2K 2.7K 335
                                    

"You told his family that he was in Barbados having the time of his life while in fact he's in coma and his life was in danger. Tapos noong gabi ng aksidente, dinala ninyo si Mari Olivia sa kanila without even telling them the truth of even half of it?! My god! Azul's father deserve to know the truth! I can't believe Leira agreed to this!"

I almost rolled my eyes as I listened to my sister's rage. Kaharap niya sina Axel John at Ido na abala naman sa pagte-text. Mukhang hindi naman siya nakikinig sa sinasabi ni Ate. Si Axel John lang ang mahusay na nakatingin ng tuwid sa kapatid ko.

"We don't need more people into this Arruba. Mas maigi na iyong wala silang alam kaysa naman madamay pa sila. Remember rule number two - keep the others in the dark, it's safer."

Arruba rolled her eyes. Kahapon siya dumating. Hindi siya nagpasabi. At iyon ang isang bagay na hindi ko ikinatuwa. I don't know if she's being followed o kung may naiwan sa New York kasama ng asawa niya. She's not safe around me and she's not safe without me. Either way I want her away. Mas maigi kung nasa malayo siya, mas mahirap siyang patayin. I know that she is Jesusa's last resort.

"Puntahan na lang natin si Azul para matapos na ito." Sabi a ni Axel John. Nauna nang lumabas si Arruba, ako naman ay agad na sumunod. Palinga-linga pa ako habang naglalakad kami hanggang sa makapasok kaming dalawa sa kotse.

Tahimik lang kaming dalawa. Arruba is still stressing about the fact that we lied to Azul's father. Tinawagan niya pa si Richard para kamustahin ito. Ako naman ay nakatingin sa daan habang iniisip si Samuelle.

Ilang araw na siyang hindi mawala sa isipan ko. Paulit-ulit sa akin ang mga ginagawa niya tuwing magkasama kami. She was obsessing over her tattoo. Kung naiba lang ang pagkakataon, ang tattoo na iyon ang magiging mitsa ng kamatayan niya. Lason ang dapat ilalagay ko sa tintang ginamit ko sa kanya pero hindi ko naituloy. I was determined to end her life there, but when she smiled at me, things become different. Something inside of me broke and that was the reason why I changed my mind.

Naisip ko na baka hindi pa ako handa sa ngayon - siguro sa ibang pagkakataon. One time, I took her to the top of Mt. Pulag. She was excited upon this trip at nang makarating kami, itinulak ko siya, pero kasabay noon ay ang hindi ko pagbitiw sa kanya. I was actually nervous. Tinanong ko kung anong nangyayari sa akin. It should be easy. Wala naman akong attachment sa kanya.

Sinasabi ko lang na mahal ko siya at umiibig ako sa kanya dahil kailangan ko siyang papaniwalain dahil kailangan kong makalapit sa kanya.

But then, damn her lips and her innocence.

"What is Sampalok?"

I overheard my sister. Wala sa loob na bumaling ako sa kanya. She was holding Samuells's pashmina habang nakatitig sa akin. Kinuha ko iyon ay ibinalik sa back seat.

"Just the girl I am dating."

"You're dating, Judas? In this time of year? You are actually dating?!" Galit na wika niya. "Nasa krisis ang mga kaibigan mo! Tapos nakikipaglandian ka? Hindi mo ba naisip ang sinasabi ni Axel John kanina? We don't need more people in this?!"

"Shut up, Arruba! It's not like I'm dating her because I love her or I am into her! I'm dating her because she's my mission?!"

Napuno ng katahimikan ang sasakyan ko. Arruba's eyes widened with disbelief. Napanganga siya tapos ay sisinghap- singhap. Tila ba hindi siya makapaniwala.

"You're gonna kill the girl?" She asked me. Halos anas nang lumabas iyon sa bibig niya. "You're preying on her, Judas?"

"Yes..." Inihinto ko ang sasakyan sa loob ng parking lot ng Varres Med. Binalingan ko siya.

Judas: The Deceiving Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon