Deceit # 5

77.7K 3.1K 370
                                    

There's that adrenaline rush again. I couldn't contain I while I was waiting for Judas. Dinala niya ako sa bahay niya at doon daw niya ako ita-tattoo. I was kind of excited because my vision will come true. Hindi ko na nga muna iniisip si Mommy o si Daddy, basta ang alam ko, gusto kong magka-tattoo.

Judas' house screams black and white. Iyon lang ang kulay na makikita sa paligid. Naisip ko na baka monochrome talaga ang trip niya sa buhay. I was just sitting on his sofa while looking around. Napansin ko ang malaking portrait ng isang babaeng tila nasa 1960's ang peg. Maganda ang babae, naisip ko na baka mama niya iyon. Magkahawig sila ng mga mata. Tatayo sana ako nang marinig ko ang yabag niya.

I looked around and I saw him. Nagpalit lang pala siya ng damit. Nakasuot na lang siya ng putting v-neck shirt at khaki pants. Mukhang bagong ligo rin siya.

"Doon tayo." Sabi niya sa akin. Lumabas kami ng garden tapos ay lumiko kami sa kung saan. Garahe yata ang pinasok naming dalawa tapos pumasok pa kami ulit sa isang maliit na pinto kung saan nakita ko ang mga gamit niya na pan-tattoo nga. Akala ko ay nagbibiro siya pero mukhang totoo.

"Does it hurt?" Biglang nawala ang adrenaline rush ko. Napalitan iyon ng kaba. Hindi ko maintindihan kung bakit ako natatakot ngayon.

"Yes, it does." Makatotohanan namang sagot niya. "But you'll see the beauty of it after it stopped swelling." Napangiti siya. Tinititigan niya ako na para bang inuurirat niya ang isipan ko. He sighed. Nanlaki ang mga mga mata ko nang hubarin niya ang t-shirt niya. I wanted to look away but his tattoo caught my attention.

Iyong tattoo niya sa leeg papunta sa likuran, it's an Aztec symbol. Malaki iyon. Humantong iyon hanggang sa likuran niya. I bit my lower lip. Ngayon ko lang nalaman na possible palang maging sexy ang likod ng isang lalaki.

Bigla siyang humarap sa akin. Tumingin naman ako sa ibang direksyon. Dama ko ang kabog ng dibdib ko. Sinasaway ko ito pero makulit ang puso ko. Tibok siya nang tibok.

"Anong gusto mong tattoo?" He asked me.

"Mermaid!" I said happily. Nakita kong nalukot ang mukha niya. Umupo siya sa silya sa harapan ko tapos ay ngumisi.

"Saan ba nanggaling iyong paniniwala mong sirena ka dati?"

I sighed. "Basta alam ko sirena ako. Every time I am at sea, it's as if it's calling me. I sing very well too, some indication that I am a mermaid. Plus, I can stay under water for a very long time and---"

"Nakakahinga ka ba sa ilalim ng tubig?"

"Hindi..."

"So? Hindi ka sirena. Imagination mo lang iyon."

"Mermaid ako! Wala kang pakialam kung gusto ko na mermaid ako! Ikaw sa tingin mo ano ka dati?"

"Apostle ni Jesus. Sinabi ko na sa'yo diba? I sold him out."

Sa inis ko ay hindi ko napigilan na batukan siya. Nakakainis kasi. Hindi ako sanay na sinasalungat ang opinyon ko. Noong sinabi ko kasi kay Mommy noon na ako ay isang sirena, she told me that it's just right. Kasi daw dati, sirena din siya at si Daddy ang prince charming niya - para silang si Arielle at iyong prince charming na iyon.

Ako, naniniwala ako na makakahanap ako ng prince charming ko na maniniwala na sirena ako noong unang panahon. At hindi si Judas iyon kasi binabara niya ako. Basta, sirena ako.

"Ibang tattoo, ayoko ng sirena."

"Paano ba malalaman kung anong bagay na tattoo?" I asked out of curiosity. Wala naman kasi siyang book ng design kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"A tattoo should always mean something..." Wika niya pa. "But not all the time. Parang ako, wala namang ibig sabihin ang tattoo ko sa likod. Nandyan lang iyan kasi gusto ko. Unlike my brothers, their tattoo means something. Minsan naisip ko, ako ang pinakamababaw sa aming lima."

Judas: The Deceiving Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon