When there's trouble you know who to call...
I shook my head. Paulit-ulit kong naririnig ang kantang iyon sa isipan ko na para bang nangyayari talaga upang hindi ko makalimutan si Samuelle. Hindi ko alam kung bakit palagi akong pinaglalaruan ng tadhana. Kung bakit ganito? Kung bakit sa dami ng tao sa mundo si Samuelle pa ang kailangan mawala para makakawala ako sa mundong ginagalawan ko ngayon.
Hindi ko maintindihan at kahit siguro tanungin ko si Jessie ay hindi niya rin ako sasagutin. Sinasabi niya sa akin na test of faith - but faith in what? I sighed. I stood up again and went downstairs to get something to drink. Hindi talaga ako makatulog. I tried calling Ido but he's in the hospital with Leira and Azul, he's on duty. Hindi pa namin alam kung kailan lalabas si Azul sa ospital. He has to undergo some tests. Nakakausap naman na siya kaya lang ay mahina pa rin.
Habang nasa kusina ay may narinig akong katok sa pintuan. I looked at the wall clock. It's two in the morning and I am thinking if I should answer the door for its two in the morning and I just don't think it will be good for me to see whoever is at the other side - but it bugs me so I answered the door and I found a gun pointed in my face.
"Hello, Judas."
Jesusa Paraiso greeted me. Walang kurap na nakatitig siya sa akin. Pumasok siya sa bahay ko habang nakatutok sa akin ang baril na iyon.
"Akala ko ba gusto mo nang makalaya mula sa amin? Bakit pinatatagal mo pa?" Tanong niya sa akin na para bang inip na inip na siya. "Are you losing your touch, Judas? Hindi ba't madali lang naman ang pumatay tulad ng ginawa mo sa daddy ko?"
"Jessie, I didn't kill your father. He committed suicide. He jumped off the plane. He killed himself because he wanted to be free of everything."
"Hindi totoo iyan! Dad killed himself because of you! Dahil gusto mong umalis sa grupo! You're one of his trusted men, tapos iniwan mo siya sa ere! He trusted you!"
"If he killed himself, then it's his choice! Hindi ko naman sinabi sa kanya na magpakamatay siya."
Nagulat ako nang bigla niyang pinutok ang baril niya sa portrait ng Mama ko. Napasinghap ako. What the hell is happening to her? Ano bang problema.
"Hindi nga ikaw ang pumatay sa Daddy ko, but you were with Angelika the night she died! You killed her!"
"Hindi ko ibinangga ang kotseng sinasakyan ng kapatid mo! Akala mo ba gusto kong maaksidente siya? I loved Angelika!"
"Putang inang pagmamahal iyan! Hindi pagmamahal iyon, Judas! Libog lang ang meron ka sa kanya at noong sawa ka na, pinatay mo siya! Putang ina mo! Kapag hindi mo pinatay si Samuelle Santos, I will kill you, your friends, their families - lahat pati bata damay! You took away my family and I am taking away yours!"
Matapos iyon ay umalis siya. Naiwan ako. Napapailing. Sa dami ng pinagdaanan naming lima, isang Jesusa nga lang ba ang magpapabagsak sa amin? Hindi ako papayag. Hindi dapat madamay ang mga kaibigan ko sa problemang ito. Hindi dapat masaktan ang pamilya nila o mga bata, they are kids for crying out loud!
The only way I can be out of this is if and only if I kill Samuelle and that should be easy. But how can I do if she's an innocent man? She is very innocent. Wala siyang alam sa mga bagay tungkol sa akin o sa mga kaibigan ko o sa kung anong trabaho ang meron ako pero kailangan talagang madamay siya. Kailangan mamatay siya.
She is indeed my salvation.
Hindi na ako nakatulog nang gabing iyon. Dinadalaw ako ng kakaunting alaala ni Samuelle na mayroon ako sa isipan ko. Her smiling face, her haunting voice, the way she talked and even the way she looked at me - it is all in my head now and I am feeling confused.
BINABASA MO ANG
Judas: The Deceiving Man Challenge
Ficción GeneralGames. Risks. Last Chances. Tatlong salita na naglalarawan sa buhay na mayroon si Judas Alonso Escalona. Lahat sa kanya ay laro, lahat ay kaya niyang isugal. He can take the risks in life that other people are afraid of taking... but he doesn't beli...