"What are we doing?"
Pupungas-pungas pa ako habang papasok sa hq namin nila Azul. Nasa ilalim iyon nang mansyon a tinutuluyan namin. Mino-monitor ni Azul at ni Axel John ang activity sa labas. May tao silang inilagay sa loob ng kampo ni Jesusa. Alam namin kung nasaan siya pero narito kami at naghihintay, iniisip kung mahahanap niya kami. Sa tingin ko ay hindi, tago ang lugar ni Ido pero hindi pa rin namin masabi. Tuso si Jesusa - at ang taong layon ay paghihiganti, nakagagawa ng paraan.
"We're actually looking inside their warehouse." Sabi ni Azul sa akin. "Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam na nakikinig tayo sa kanya. She's looking for Samuelle - mabuti at wala na rin ang pamilya nila Samuelle sa bahay nila sa ngayon. Mrs. Santos got your note and immediately they went to Ibiza. Safe sila doon. All we have to do is to keep Samuelle safe and alive."
"Madali lang iyon." Sabi pa ni Axel John. "Mas mahirap pa nga iyong pinagdadaanan ng kaibigan kong si---"
"Jestoni?" Magkapanabay na wika namin ni Azul.
"Hindi! Si Jake! Tang ina, nagtext sa akin, bumalik na daw ang babaeng mahal niya. Nagugulo na daw ang mundo niya. I asked him why, he said that he doesn't know. Tang ina, mahal niya eh pero nasaktan kasi siya. Naiintindihan ko siya. Pakshet."
"Minsan, Axel, hindi sapat na mahal mo lang, siguro kung nasasaktan siya, hindi na ina dapat muna sila magsama." Wika pa ni Azul. Napailing ako. Hindi ko sila maintindihan.
"Since when are you a love guru, Kuya?" Biro ko pa.
"Since I married the love of my life, thank you very much. Nga pala, gisingin mo na ang bata, kailangan ko siya ngayon, may ipapagawa ako." Sumunod na lang ako kay Azul. Umakyat ulit ako sa itaas para hanapin si KD na nasa kusina lang pala at nanginginain na kasama si Monmon.
"Hoy, supot, tawag ka ni Azul." Wika ko habang kumakain sila ni Monmon nang cereals. Nag-wave sa akin si Taba. Lumapit naman ako para halikan siya sa noo at batiin ng good morning.
"Wag ninyo nga akong tawaging supot! Nasa harapan tayo ng anak ko!" Wika niya sa akin. Natawa naman ako. Sinabihan ko na lang siya na puntahan si Azul sa ibaba dahil hinihintay siya. Balak ko sanang bumalik pa sa pagtulog dahil umaga na halos ako dinalaw ng antok. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi magpunta sa silid ni Samuelle, I was worried that the nightmares will come to her again so I sneak in and sang to her again.
Old habits die hard. Nang mismong gabing iyon rin ay nakatanggap ao ng text mula kay Mrs. Santos na nagsasabi na alagaan ko si Samuelle. Hindi naman niya kailangan sabihin iyon sa akin. Gagawin ko ang lahat para kang maging safe siya at hindi ko talaga siya pababayaan.
Naudlot ang pagbalik ko sa kama nang marinig ko ang boses ni Samuelle. Napatingin tuloy ako sa labas. Nakita kong kasama niya si Baby Blue at si Reese sa may kiddie pool. Nakababad ang mga paa niya habang nakikipagkwentuhan sa mga bata. Napangiti agad ako.
Sisimulan ko na ulit ang baby steps.
Mabilis pa sa alas kwatro na pinuntahan ko sila. Narinig ko si Sam na kumakanta. She was singing the song I sang last night. Naisip ko tuloy kung alam niya na naroon ako.
"Ay! Uy, Hey Jude!" Ngumiti siya sa akin. Nanatili naman akong nakangiti sa kanya. Binalingan ko ang mga bata.
"Are you having fun girls?" I asked them. Tumingin sa akin si Blue.
"Sabi ni Mama siya daw ang girlfriend mo, Daddy Jude pero sabi naman niya friends lang daw kayo, sino pong sinungaling, si Mama po o si Ate Sam?"
"Oh my god! Hindi kami mag-boyfriend." Kana ni Sam. "We're just friends. Alam mo iyon, ako iyong girl na friend. Kaya girlfriend." Paliwanag naman niya. Napailing ako. I wanted to tell the girls that she is my ex - girlfriend pero naisip ko kung counted ba iyong naging relasyon namin habang nagpapanggap pa ako sa kanya. Naupo na rin ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
Judas: The Deceiving Man Challenge
Narrativa generaleGames. Risks. Last Chances. Tatlong salita na naglalarawan sa buhay na mayroon si Judas Alonso Escalona. Lahat sa kanya ay laro, lahat ay kaya niyang isugal. He can take the risks in life that other people are afraid of taking... but he doesn't beli...