Deceit # 4

88.7K 2.9K 359
                                    

"Make it happen."

Iyon ang tatlong salitang binitiwan sa akin ni Jessie pagkatapos naming maghiwalay tatlong araw na ang nakakalipas. Galing kami sa meeting kasama ang malalaking drug lords sa Europa, we closed the deal, I also gave her the gold resource she wanted and now, I only have to kill that woman.

Wala namang problema kung sa pagpatay, pero may problema talaga. Paano ko gagawin iyon? Wala namang masamang ginawa ang batang iyon. Napasama lang siya sa akin. Tinanong ko si Jesusa ukol dito, ang sabi niya lang ay isang test of faith ito. Samuelle is my salvation. She will redeem my soul from Jesusa's group. Gusto ko iyon - matagal ko nang nais makaalis sa grupo nila. Nakamatayan na ng Daddy ni Jessie ang kahilingan kong iyon at bago siya mamatay ay pinalaya niya ako. He gave me what I wanted and I thought that it's that easy, but Jesusa being here, it's a big problem.

"Jude?"

Lumingon ako nang marinig ko si Ido. Puno ng pagtataka ang mukha niya habang isinasara niya ang pintuan. Nasa silid ako ni King David. Hanggang ngayon ay tulog ang hari. Nag-aalala na si Yella sa kanya. Maayos naman ang kalagayan ni Monmon, mabuti at daplis lang sa tagiliran ang natamo ng pamangkin ko. Pero si David, tinamaan ang kaliwang parte ng baga niya. Naalis naman na ang bala, he is in his recovery but he hasn't woken up.

Azul on the other hand is in a coma too. Gising na si Leira. Ligtas naman si Baby Red pero nasa loob ito ng incubator. Si Azul na lang talaga ang problema, nasa ICU siya. Mas malala ang nangyari kay Azul kaysa kay KD. Binaril si Azul ng apat na beses sa likod at sa tuwing naalala koi yon, gusto kong patayin si Jesusa... but then, I can't. Not until I know that Arruba is safe.

"Saan ka nanggaling? Akala ko may nangyari na sa'yo! Putang ina, Judas! Ikaw na lang at ako ang nakatayo! 'Wag ka naman nang umalis!"

"Nasaan si Axel?" Tanong ko. Hindi ko pa nakikita si Axel John mula nang bumalik ako. I understand this, maybe he was still with Bernice and Bernard. Alam kong nagluluksa ang dalawa dahil sa pagkawala ng kapatid nila.

"How's Bernice coping?" I asked.

"Bernice is fine... so is Berna..."

Agad na lumipad ang tingin ko. Nakangisi si Ido.

"False alarm. Palpak ang umatake kay Berna. Maling unit ang pinasukan, maling tao ang pinatay. Berna is in Israel. And she's alive..."

Agad akong kinabahan. Kung buhay si Berna, hindi ba ito alam ni Jesusa? O baka naman alam niya pero hindi na lang niya sinabi ssa akin. Wala namang kinalaman sa akin ang magkapatid na Bulabog. Si Axel ang dapat niyang ipuntirya - na hindi naman talaga nya dapat gawin dahil inosente rin si Axel.

"So, it's just the kid and Azul." Wika pa ni Ido. Bumaling ako kay David.

"Nasaan si Yella?"


"Wag kang mag-alala. She's safe. May nakapalibot na mga ka-liga ko sa kanya. And Roma's sister is with her. Malupit iyon. Things are fine. We just have to know who's behind this..."

Alam ko...

Gusto kong sabihin kay Ido ang totoo pero hindi ko magawa. Ayokong pati siya ay mapahamak. Unti-unti niya pa lang binubuo ang buhay niya. Hindi pwedeng madamay si Ido. He had suffered enough for the past years and if I could spare him the pain and the stress - I'll do it. I'll do it for him, I will never hesitate.

"Pupuntahan ko si Azul." Wika ko sa kanya. Tumayo ako at lumabas ng silid na iyon. Habang naglalakad ay nadaanan ko ang silid kung nasaan si Solomon. Hindi ko napigilan at sumilip na rin ako. Naroon si Yella at kasalukuyan niyang kinakausap ang nurse. Pinalilipat na yata niya ng silid si Monmon para magkasama na lang ang mag-ama. Hindi ko na sila inistorbo.

Judas: The Deceiving Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon