Prologo: Paano?

159K 3.4K 172
                                    

Madalas kong makita si Simoun Paul sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano bangkailangan niya sa kapatid ko at palagi siyang dumadaan sa bahay namin. Minsan ay nakita ko pa siyang binibigyan ng bulaklak si Ate at kung minsan ay inuumaga na rin siya sa bahay namin. Madalas ay nahuhuli ko siyang bumababa mula sa bintana ni Ate sa kabilang silid. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa nila ni Ate at inuumaga sila.

Karamay ko sa inis na nararamdaman ko si King David. Siya iyong batang trese anyos sa kabilang street na namatayan ng nanay na hindi pa natutuli. Noon ay kaaway ko siya pero lumipas ang panahon ay nakasanayan na namin ang isa't isa. Noong mamatay ang nanay niya ay si Ate ang palaging dumadalaw sa kanya hanggang sa panay na siyang nagba-bike papunta sa amin. Natatawa nga ako sa kanya. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya pero minsan sinabi niya na mahilig na daw siya mag-Maryang Palad. Turo daw iyon ng Kuya Ernesto niya.

"Boyfriend mo ba si Simoun Paul, Ate?"

Minsang hindi ko natiis ay tinanong ko na kay Ate ang matagal ko nang gustong itanong. Kumakain kami nang gabing iyon. Wala si Mama, kasama niya si Papa at kumain sila sa labas. Kami lang ni Ate sa bahay noon at si Simoun Paul daw ay papunta na.

"Oo, Jude. Wala namang masama diba? Dalaga naman ako at binata siya." Ngumuso lang ako. Hindi na ako nagtanong pagkatapos noon. Nang gabing iyon ay pinuntahan ko si King David sa bahay nila. Nasa sala kami at kumakain ng jelly beans. Paborito daw niya iyon.

"Ha? May syota na si Arruba? Hindi pwede ito!" Sigaw niya sa akin.

"Ayos lang iyan, Totoy, walang forever eh." Kumento naman ni Axel John sa kanya. Nanlalaki ang mga mata ni King David. Alam ko naman na gusto niya ang ate ko  at natutuwa ako sa kanya dahil parang sa murang edad namin ay mahal na mahal na niya ang kapatid ko. Alam ko naman na natutuwa lang din si David sa mga nangyayari sa kanya, may nag-aasikaso pa rin kasi sa kanya. Sabi ni Ernesto ay naguguluhan pa rin si David sa nararamdaman niya pero ayos lang sa akin, mabait naman siya sa ate ko.

Mag-a-alas nuebe nang gabi nang maisipan naming maglalakad sa loob ng subdivision. Nagkukwentuhan pa kami habang nagkakatuwaan. Napadaan kami sa bahay ko at nakita ko naman si Azul na palabas na ng gate namin. Ngumisi siya sa amin. Kilala na niya kami.

"Oh,saan kayo pupunta?" Tanong niya pa.

"Putangina mo!" Sigaw ni David! "Mang-aagaw ka! Akin si Arruba!"

"Totoy!Kumalma ka! Hindi ka pa nga tuli eh!" Sabi ni Ernesto sa kanya. Napahagalpak naman ako ng tawa. Nasa college na si Simoun at Axel John. Ako naman ay Grade ten na samantalang si David ay nasa grade eight pa lang.

"Ha!Hindi pa tuli! Gago ka! Putang ina mo rin!"

Bang! Bang!

Sa kabila ng mga ito ay nakarinig kami ng putok ng baril. Nagkatinginan si Axel John at Simoun Paul. Nanggaling iyon sa loob mismo ng bahay namin.

Tumakbo kami papasok sa loob. Si Azul ay hindi mapakali. Si Axel John ay hawak ang kamay ni David, ako naman ay kinakabahan. Bakit may putok ng baril sa loob ng bahay namin? Anong nangyari? Si Arruba? Si Mama? Nasaan si Papa?

Naratingnamin ang front door. Nang makapasok kami ay nakita ko si Arruba na nakaupo sa may hagdan na duguan ang braso.

"Arru!"Sabay-sabay naming sigaw.

Bang!

Isana namang putok ng baril ang narinig ko mula sa sala.

"Judas!Dito ka lang!" Tinatawag ako ng ate ko pero hindi ako nakinig. Pumunta ako sa sala at doon, nakita ko ang Mama ko na duguan sa sahig, wala buhay at muli na naman siyang binaril ng lalaking nakatayo sa gitna ng living room - walang iba kundi si Papa.

"P-pa..."Umiiyak na tinawag ko siya. Tinutok niya sa akin ang baril.

"Demonyo ka!" Sigaw niya sa akin. Ipinutok niya ang baril. Pero naramdaman kong napahiga na lang ako. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko si Azul na yakap-yakap ako.

"Ayos ka lang?" Tanong niya. Nang tingnan ko si Papa ay nakita kong binaril siya ni Axel sa braso. Dapat ay magalit ako kay Axel pero hindi. Relief pa ang naramdaman ko. Nakita ko naman si David na tumatawag ng ambulansya. May kausap na siya sa phone.

"W-wala na ang mama ko...." Wika ko kay Azul. Ngumiti siya.

"Wala na rin ang mama ko..." He said. "Pareho tayo, kaya mula ngayon, kapatid na kita..." He pat my head. I was able to give him a weak smile.

I never thought that night would change everything in my life...



Judas: The Deceiving Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon