Chapter 11.
=RAIN's POV=
KRIIIIING KRIIIIIING!
Aish! Bakit kasi ang aga ng first class ko! Nakakatamad tuloy! Pinatay ko na ang alarm clock ko at saka tumayo. Pero afterwards, napahiga ulit ako. 5 minutes...
Pero bigla kong naaninag ang pagmumukha ni Kent Dela Rosa sa utak ko kaya agad akong nabangon at nagising. Hooh! Nakakagising kapag may aswang na pumunta sa isip mo. Hays.
Nagpunta na ako sa banyo at ginawa ang dapat kong gawin. Pagkatapos bumaba na ako.
Naabutan ko si Julie na nagluluto.
Ano bang oras na? 8 AM na. Bakit nasa bahay pa si Julie? Wednesday ngayon, dapat nasa school siya.
"Julie, wala ka bang pasok?" Tanong ko sabay kuha ng mga pinggan.
"Wala ate eh. May PTA meeting kaya wala daw pasok. Kanina ko lang nalaman. Kain na tayo. Sarap netong niluto ko oh. Haha." Sabi niya at saka inihanda ang niluto niya. Grabe, buti pa si Julie marunong magluto, samantalang ako. Eto taga kain lang. Hahaha.
Pagkatapos kumain, naligo na ako. Paalis na ako ng bahay nang biglang nagtext si mama.
From: Mama Stelly
Before you go to school, come to my office.
Oh bakit kaya? Ay oo nga pala yung parusa ko. Hayyy.
Tinext ko si Patty na hindi muna kami sabay.
Pagkatext ko, inilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at lumabas na ng bahay. Naglakad hanggang sa may makita akong taxi. Sumakay na ako at nagpunta sa office ni mama.
=COMPANY=
After 500 years nakadating din ako. Woooooh! Haggard? Hindi, may malaking aircon sa company namin. HAHAHA. Dalwang beses pa lang ata akong nakakapunta dito. Eto ang pinundar ni lolo na pinamana kay papa. Pero ngayon, hindi ko alam kung sakin 'to mapapapunta. Ang alam ko, kila Ate Iriz at Julie e.

BINABASA MO ANG
Searching You
HumorFORMERLY TRUE LOVE. NOTE: ON HIATUS. ON HOLD. Meet Rain Alonzo. Sabi nila, nese kenye ne eng lehet. Maganda, matalino, mabait, mayaman. Pero may kulang pa, wala siyang natatawag na 'pamilya'. She's always alone. Yes, meron siyang mga kaibigan pero...