Chapter 17.
=RAIN'S POV=
"Walang DelaRoca dito miss." Para kaming nanlumo ni Paty sa narinig namin. Lalo ako. Pamong walang DelaRoca sa school na 'to?! Eh diba diba sabi ni mama dito din daw siya pumapasok?! Nakakaloka naman ang aking half brother. Charot.
"Pakitingin nga po ulit, please." Napatingin ako kay Patty na determinadong matulungan ako.
"Wala talaga miss eh."
"Ah, sige po. Salamat na lang po." Umalis na kami ni Patty sa registrars office. Wala kaming napala. Hay, saklap ng buhay.
"Pano na yan gurl?" Tanong ni Patty sakin habang naglalakad kami papunta sa next class namin. Naisingit lang namin sa vacant namin ang pagpunta doon sa registrars office.
"Ewan." Siguro sasabihin ko na lang kay mama ang totoo, na hindi siya nagaaral dito. Pero...
"Baka naman nagkamali ng sabi si manang? Diba sabi niya inaalala niya lang?" Napatigil ako sa npaglakad. Pwede pwede. Pero....
"Hay, ewan Patty." Nasabi ko na lang. Ano ba Rain, ang bilis mo naman sumuko! Grabe ka! Kaya yan!
Pumasok na kami ni Patty sa next class namin. Medyo iika ika pa din ako sa paglalakad pero hindi naman ganun na kasakit. Hindi ko na din nakita yung mga babaeng nagbuhos ng juice sa sarili nila. Bigla naman akong naawa. Ginawa talaga yun ni Kent para sakin? Malapit na... malapit na akong maniwala na totoo ang lahat.
"Rain, ay Geca pala. Uuwi muna ako ha, naiwan ko kasi photocopy ko sa isa nating subject. Nandun asignment ko, lagot ako pag wala akong maiisagot mamaya. Terror pa naman prof natin dun."
"Oh sige. Ingat ka. Two hours pa naman vacant natin. Paikot ikot lang ako dito sa campus. Text ka mamaya."
"Sige." At saka siya umalis. Ako naman, heto naiwan magisa sa room na 'to. Umalis na din ang iba naming classmate sa subject na 'to. Wala na atang gagamit neto kasi walang pumapasok na students. Dito muna ako ng mga 30 minutes. Nakakatamad eh. San naman ako tatambay. Sina Zoe hindi ko alam kung nasan. Dalwang subjects lang naman kami magkakaklase eh.
"Haaaay." Hanggang ngayon namomoroblema pa din ako sa paghahanap sa kanya. Napapaisip din. Bakit sakin pinapahanap ni mama? At bakit hindi niya sabihin kila ate Iriz at Julie? Nakakapagtaka eh. Nacucurious tuloy ako.
Kung kapatid siya ni Ate Iriz, bakit hindi sa kanya pinapahanap ni mama? Napaisip ako, kapatid ko kaya yun?
Ah hindi! Ano ka ba Rain! Wala silang anak. Ako lang ang anak ni papa.
Baka naman....
Hindi. Hindi din pwedeng kakambal ko.
Pero ano yung nakita kong damit ng batang lalaki sa damitan ko nung isang bwan? may nakalagay na picture ng batang lalaki. Sanggol. Ipapakitako sana kay mama pero naisip kong wag na lang muna. Parang nafeel ko na hayaan ko na lang na nakatago yun dun.
Ah! Ang sakit sa ulo! Ang daming tanong sa utak ko ngayon! >_<
Dahil sumasakit ang ulo ko kaiisip dun, at wala din naman akong ginagawa dito sa room, hahanapin ko na lang sina Maddy. Para naman di boring atleast may ginagawa ako. Si Patty kasi masyadong makakalimutin =_=
"Wala akong pake." Nagulat ako sa taong biglang sumulpot sa harap ko.
"K-Kent?" Gulat na gulat siya nung nakita ako at sa tingin ko, kalalabas niya lang galing sa isang room.
"G-Geca.." Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko, "N-narinig mo? Narinig mo?"
"Narinig? Ang alin?" Tanong ko. Alin ba ang narinig? Nakakaloka ah. Kadadaan ko lang dito kaya.
![](https://img.wattpad.com/cover/1287069-288-k652338.jpg)
BINABASA MO ANG
Searching You
HumorFORMERLY TRUE LOVE. NOTE: ON HIATUS. ON HOLD. Meet Rain Alonzo. Sabi nila, nese kenye ne eng lehet. Maganda, matalino, mabait, mayaman. Pero may kulang pa, wala siyang natatawag na 'pamilya'. She's always alone. Yes, meron siyang mga kaibigan pero...