Chapter 14.

1K 22 3
                                    

CHAPTER 14.

=RAIN's POV=

"Oh Kent, bakit ang tahimik mo ata?" Tanong ni Patty kay Kent. Oo nga, nakakapagtaka at ang tahimik niya. Hindi siya makulit ngayon.

Teka lang, namimiss mo ba ang kakulitan ni Kent, Rain?! Bading ka ba ha?! Bading ka ba?! =_=

"Ah wala." Sagot niya. Medyo matamlay siya ngayon. Nakakapagtaka. Minsan nahuhuli ko din siyang nakatingin sakin. Problema neto? Kulang na lang kainin ako ng buhay sa mga titig.

Hanganng ngayon di pa din ako makaget over. Bakit nandito si Prince sa pilipinas? BAKIT?! Bakit pa siya umuwi?! Bakit?! Nakakainis naman oh!

"Hoy. Bakit parang kanina ka pang di mapakali dyan?" Tanong ko dito kay Patty namkanina pang ang likot likot. Hindi siya mapakali. Ano bang nangyayari dito?

"A-ANO?!" Napatigil naman sa kani-kanilang ginagawa sina Maddy, Zoe, Jhonel, Topher at Kent at napatingin kay Patty. Anong problema neto? "S-sorry."

"Anyayare sayo?"

"W-wala." Weird.

"Aalis lang ako." At tunog ng silya ang bumasag sa katahimikan.

"San pupunta yun?" Tanong ni Topher nang makaalis si Kent. Problema ng isang yun? Si Patty di mapakali, si Kent matamlay. Anong nangyayare?

"Sandali lang ha." Paalam ni Patty. And tge next thing I knew, ako naman ang di mapakali.

"Akala ko ba... Kent is into...." Napatingin ako sa nagsalita. si Zoe. "Ah hehe. Nevermind."

10 minutes na ang nakalipas mula nung umalis ang dalawa. Ako lang ba o talagang di ako mapakali? Akala ko ba nanliligaw na si Kent sakin?! Akala ko ba siya na si True Love?! Bakit.. bakit?! Aish!!!

Hahanapin ko sila!

"San ka pupunta Geca!?" Hindi ko na pinansin si Maddy kasi nagderederetso na ako.

Ngayon Rain, san ka pupunta? Ni hindi mo nga alam kung san sila nagpunta! Nagaadik ka ba?! Aish! Stress!

"RAIN!" Agad akong napalingon sa taong tumawag sakin.

"Patty, san ka galing?" Pagaalalang tanong ko. Nasan si Kent?

"Pwede bang pumunta ka sa rooftop? Nandun si kent. Gusto ka niya makausap." Ano? Si Kent? Gusto akong makausap? "Please Rain? And sorry." At saka siya tumungo.

Itinunghay ko naman ang mukha niya at.... naiyak... si Patty...

"Bakit ka naiyak Patty?"

"Sorry rain. Sorry, Puntahan mo na si Kent. Iniintay ka niya." Sabi niya at saka umalis.

"Patty!" Pero hindi siya lumingon. Tumakbo siya habang nakayuko at pinapahidan ang luha. Anong nangyayari?! Aish!

"Kent!!"

--

"Kent! Kent!" Sigaw ko mula dito sa hagdan. At nakarating ako sa rooftop. Pero walang Kent! Wala! Bwiset! Ano bang ginawa niya sa besfriend ko?! >_<

"Kent ano ba! Magpakita ka sakin!" Para akong kumakausap ng multo dito. Bwiset!

"Geca..."

"Ay kabayo!" Napahawak ako sa dbdib dahil sa sobrang gulat. Eto kasing si Kent eh! "Ano ba, bakit ka nanggugulat!?"

Naku naku!! Ang sarap manapak ngayon din! Anong sinabi niya sa bestfriend ko?! Bakit umiiyak---

"Akala ko wala na 'kong pagasa." Hindi ako makaibo. Hindi ako makakilos.

Searching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon