Chapter 19.

213 8 4
                                    

Chapter 19.

"H-ha?! S-sa papa mo?!" Tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala! Nasa harap kami ng bahay nila! I just can't!

"Oo. Tara na?" Sabi niya. Lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako. Si ako, hindi nababa. Ewan, ayaw gumalaw ng katawan ko eh. T_T prends, help!

"Oy, tara na," Hinawakan niya ang kamay ko pero ako iling nang iling. Ayaw!

"Bakit ayaw mo?" Medyo lumuhod siya para magkalevel kami.

"Eeh Kent. Hindi... Hindi naman tayo eh. Bakit mo ako ipapakilala?" Tanong ko. Tama naman diba? Hindi pa naman kami. Kahit ano pang kaweirduhan dun sa panliligaw niya, still hindi ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit niya ako ipapakilala sa papa niya >_<

"Hindi nangangain ng tao si papa. At saka, hindi ba pwedeng future girlfriend?" Hindi na ako nakaimik pa kasi hinila na niya ako at kasalukuyan na kaming naglalakad. Nasa harap na kami ng pinto ng mansyon nila. Oo, mansyon. Ang laki eh Nahiya naman ang bahay namin >_<

"Kent," Napatigil siya. Hawak niya ang kamay ko kaya ramdam kong pinisil niya iyon. At may kung anong naglilibot sa tiyan ko. Parang nagkakagulo sila dun. Ano 'yun? "Seryoso ka ba diyan sa panliligaw mo sakin? O baka naman tinitrip mo 'ko." Sabi ko sa kanya. mahirap na baka.. baka...

Humarap siya sakin at hinawakan ang baba ko at saka nagsalita, "Gusto kita Geca."

Yung tibok ng puso ko three times na sa sobrang bilis! Dahil sa pagsabi niya ng... ng... aish!! seryoso talaga ang mokong!

"Tara na?" Hindi ako nakapagsalita at nagpatianod na lang sa kanya. Buti na lang at medyo madilim na, kung hindi kitang kita ang pamumula ng mukha ko.

Seryoso talaga siya.. Sana..

"Nasan si papa?" Tanong niya sa isa sa mga maid dito.

"Nasa office niya po sir." Sagot naman nito.

"Salamat." At saka kami nalakad pataas ng hagdan. Kung sa unang pasok mahuhulog talaga ang panga mo, lalo pa kung naglalakad ka na sa loob. Sobrang garbo ng bahay nila. Hindi ko alam na ganto pala 'to kayaman. Hindi naman kasi halata sa itsura eh, =_=

"Ah Kent." Bulong ko, para kasng nakakatakot magsalita >_< Medyo mabagal ang lakad namin kaya magtatanong muna ako.

"Bahay mo 'to? Ang ganda." Sabi ko. Napangiti naman siya.

"Hindi. Sa papa ko 'to. Pero soon to be mine. To be ours.." >///< Naman eh! Ano daw ibig sabihin nun?

"Wag ka nga Kent =_= Teka, nasan mama mo? Andun din ba?" Tanong ko.

"Oo. Ipapakilala kita sa step father ko." Sabi niya. Na ikinagulat ko naman. Step father?

"Nasan ang totoo mong ama?"

"H-he's dead," Tapos yumuko siya.

"I-im sorry.."

"Okay lang yun." At saka niya ginulo ang buhok ko gamit ang isa niyang kamay, Kasi yung isa, nakahawak sa kamay ko.

"Sinong kasama niyo pa dito?"

Ang dami na naming napagusapan, ang layo naman ng office ng papa niya.

"Kapatid ko.." Madami pa sana akong gustong itanong pero tumigil na kami. Nandito na siguro kami sa office ng papa niya. Yung bilis ng tibok ng puso ko, times four na! >_< Kinakabahan talaga ako >_<

"N-nandito na tayo?" Tanong ko kahit aware naman akong dito nga kasi obviously tumigil kami sa isang magarbong pinto.

Hindi siya sumagot, hinawakan niya lang ang kamay ko ng mas mahigpit at binuksan ang pinto.

Searching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon