Chapter 4. - Friends
=RAIN's POV=
"Focus. Focus. Focus!" Urgh. Di ako makapag focus dito sa nilalaro ko! Lagi akong natataya! Eeeehhhh! Inalis ko muna ang salamin ko at umupo ng ayos.
Syete! Natatawa ako pag naaalala ko ang mga corny na pick up lines ni Kent. Ano daw? Ako natatawa? Oh noes! Hindi ito makatarungan! Kailangan ko ata magising sa kahibangang ito TT__TT
"RAAAAIN!" Sigaw ng isang babae. Si Ate Iriz. Dali dali akong tumayo at pumunta sa kwarto niya. Naabutan kong nagkekwentuhan sila ni Julie.
Walang alam si ate Iriz sa identity ko sa school nila. Pati si Julie. Si Patty lang talaga ang natatanging nakakaalam.
"Bakit Ate?" Tanong ko.
"Gawin mo 'tong ipinapagawa sakin ni prof." Sabi niya.
"Eh teka. Bakit ako? Eh diba sayo pinapagawa?" Sabi ko. Tama naman diba. Kailangan ko ata makahingi ng hustisya.
Tumayo siya at sinamaan ako ng tingin, tinaasan pa ng kilay. "Madaming reklamo?!" Sabi niya sabay kuha ng gamit niya at binigay sakin bago pa ako makapag salita. At saka itinulak papalabas sa kwarto niya.
Ano ba yan. Tsk.
Pumasok na ulit ako sa kwarto ko at tiningnan ang ipinapagawa sa kanya. WHAT? Math? Waaah. Mejo mahina pa naman ako sa math >.< De bale, kakayanin!
After 82753243 years natapos din. Time check 11:00 pm. Waaaaaah! Tapos ang aga pa ng klase ko bukas. T_T. Pinatong ko na sa side table 'tong gamit ni Ate Iriz at saka humiga at natulog.
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.
KINABUKASAN.
Good morning sunshine! *Yawning & Stretching*
Kinuha ko ang salamin ko. Di na ako nagsusuot ng contact lens, nakakaduling pag may suot na salamin kaya pinalagyan ko na ng grado 'tong salamin ko. Haha.
Tumingin ako sa side table. Wala na ang gamit ni Ate Iriz, baka kinuha na. Teka bakit parang ang taas na ng sikat ng araw?
HALA! Nakalimutan kong mag alarm kagabi!! Tapos nakataob pa yung alarm clock ko.
OMG!
"LATE NA AKOOOOOO!!!"
=KENT's POV=
"LATE NA AKOOOOOO!!!" Sigaw ko! Maaga klase namin ngayon. 7:00 tapos anong oras na 6:59! 1 minute left! Bumangon na ako at nagtatakbo papuntang banyo.
Aray naman! Sumabit pa talaga paa ko sa kumot. Nahulog tuloy ako. Tssk. Sakit sa tuhod.
Takbo sa CR. Ligo, bihis, pa pogi ay di na kailangan pogi na pala ako. *winks*
Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Next year na ako kakain. Nagpaalam na ako kay mama.
"Ma. Alis na ako ha. Bye!" Sabay kiss sa cheeks at nagtatakbo.
"Di ka man lang kakain 'nak?!" Sigaw ni mama.
"Hindi na po." Sigaw ko pabalik. Pinabukas ko na ang gate kay yaya at inilabas ang sasakyan ko. Yes, may sarili akong sasakyan. Regalo ni mama at papa(my stepfather) nung 15th birthday ko. May student license naman ako kaya pwedeng ako muna mag drive, absent ata driver ko e.
Nagdrive na ako papuntang school. Hindi mabilis ah. Baka mahulog ako pati makabangga pa. Speaking of makabangga.
*Beeeeep beeeeeeeep*
Tsk. Nakasagasa pa ata ako. Di naman kasi natingin sa dinadaanan! Bumaba ako ng kotse at tiningnan yung babae na natawid baka kung napano. Pero sana di nasaktan.

BINABASA MO ANG
Searching You
HumorFORMERLY TRUE LOVE. NOTE: ON HIATUS. ON HOLD. Meet Rain Alonzo. Sabi nila, nese kenye ne eng lehet. Maganda, matalino, mabait, mayaman. Pero may kulang pa, wala siyang natatawag na 'pamilya'. She's always alone. Yes, meron siyang mga kaibigan pero...