Chapter 18.

202 3 0
                                        

A/N: sorry medyo late. medyo daw eh noh? haha :D

Chapter 18.

"P-patay na si Julian Dela Roca."

"P-patay na si Julian Dela Roca."

"P-patay na si Julian Dela Roca."

"Geca.. Ayos ka lang?" Bumalik ako sa wisyo nang magsalita ang taong nasa harap ko at hanggang ngayon ay nakaluhod pa din. At hawak pa din ang kamay ko,

Hindi.. Hindi pwede.. Hindi talaga pwede..

"K-Kent, Nabibiro ka lang diba?" Tanong ko sa kanya. Pero yumuko siya at umiling. Paanong? Pero sabi ni mama.. Hindi..

Paano na ang pinapangarap kong pamilya? Paano na? Kung ang solusyon lang para matanggap ako sa bahay ay ang hanapin yung batang yun!.. pero ngayong wala na siya.. Paano na..

Hindi ko namamalayang lumuluha na pala ako.

"B-bakit ka umiiyak, Geca?" Pinahidan ko gamit ang daliri ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko at saka umiling.

"W-wala 'to.."

"Bakit mo ba siya naitanong at bakit ka umiiyak? Kaano ano mo ba si Julian?" Tanong niya. Oo nga, kaano ano ko yun at iniiyakan ko? Kahit ako gusto ko ring tanungin ang sarili ko.

"Haha! Wala ang drama kasi. Parang telenobela. Parang nasa TV tayo ngayon. Hehe. Tara na? Baka malate na tayo sa class natin?" Taliwas sa iniisip ko ang sinabi ko. Di ko din alam kahit sa saili ko kung bakit ko siya iniyakan.. Kung bakit ko iniyakan ang Julian na yun..

Half brother ko lang siya pero ang lakas ng impact niya sakin. Hay..

-------

" WHAT?! WHAT?! TELL ME YOU'RE LYING!"

Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Patty.

"Totoo yun Patty, sabi ni Kent. Kilala niya si Julian. Siya lang ang nagiisang Dela Roca sa school na 'to." Sabi ko.

"Aish! Rain! Pinakita mo ba sa kanya yung picture? Pano kung iba pala yung sinasabi niya? Malay mo ibang tao ang iniisip niyo? Wala ka namang proof na yung 'hinahanap' mo ay yung sinasabi niya!" Napatingin agad ako sa kanya, oo nga. Bakit nga ba basta ko na lang tinanong kung may kilala siyang Dela Roca. Hindi ko din pinakita sa kanya yung picture.

"Pero Patty, hindi pa ba sapat na kilala niya lahat ng students dito?"

"Hindi naman lahat Rain eh.." Nasampal naman ako sa noo ko. May possibility na ganun nga pero para namang.. aish ewan! Magtatanong tanong pa ko ng info kay mama.

"Tara na nga. Nakakstress ka eh." Sabi niya. Tumayo na kami at lumabas sa classroom. Tapos na ang klase namin. Nagpaiwan kami dito ni Patty kasi sinabi ko nga sa kanya napagusapan namin ni Kent kanina.

"Rain...." Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Nakayuko kas ako kanina eh. Iniisip kung paano ko sasabuhin kay mama lahat ng 'to.

"Bakit Patty?"

"Rain..." Nanginginig ang boses niya. anyare dito? "Anong nangyari sayo? Tara na?"

"Rain.. Sinarhan ko ang pinto. Alam ko. Nilock ko pa nga eh. pero.." Umalis siya sa pagkakaharang dun sa pinto at laking gulat ko ng nakabukas ito. "Nakabukas siya Rain.."

"Sht." Yun na lang nasabi ko. Sinong nagbukas nun?! At sinong nakarinig ng lahat ng pinagusapan namin?!

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Rain nang may dalang malaking question mark. Baka naman.. baka naman aish!! Kung sino man siya, sana hindi niya nagets pinagusapan namin!

Searching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon