Chapter 8.
=RAIN's POV=
Lunch namin ngayon. Magkasama kami ni Patty. Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang canteen ng biglang may kumulbit sakin mula sa likod.
Si Ate Iriz.
Shet! Nagpunta nga pala si Kent kahapon sa bahay. Baka naabutan niya? Omg! Sasabunutan niya na ako! Omg! Sayang wig ko pag nagkataon! Huhu.
"Rain.. Pwede ba akong sumabay sa inyo mag lunch?" Tanong niya. O______O
Totoo 'to?! Omg! Tunay?! Si Ate Iriz--ang napaka suplada kong kapatid eh sasabay samin maglunch? Huwaw! Achievement ata 'to!
Bigla siyang yumuko. "Iniwan kasi ako ng friends ko eh. Lalo na ni Bianca." Sabi niya. Aww. Kaya pala. Hay nako, nakakainis naman yun! Nangiiwan ng kaibigan.
"Oo naman ate. tara." Sabi ko at saka kami naghanap ng mauupuan. Halata sa kanya ang kalungkutan. First time kong nakitang ganito si Ate. Pero baka eto na pinakiintay kong moment na magkabati kami.
Huwaaa! Magpapaparty na talaga ako! At titigilan ko na pangtitrip sa mga bago kong kaklase! hehe.
Kanina kasi nung dumating ako sa classroom, ang gulo nila. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang ingay nila. Nung dumating ako, nilapitan ko agad si Patty at kinausap kaso di ko siya marinig sa ingay ng classmate ko -_- may dala pang speaker at nagpasound trip. Ayon, sumigaw ako ng 'SUNOG! SUNOG!' takbuhan sila sa labas. Hehehe.
Okay, back to reality, umorder kami at umupo at kumain.
"Ate.. Anong nangyari?" Tanong ko. Magkatabi kami ni MPatty tapos siya nasa harapan namin.
"Ewan ko sa kanila. Iniwan nila ako. Bahala na sila." Sabi niya, nagkatinginan kami ni Patty. Pero yung tingin niya sakin parang malaking 'WEH'
"Okay lang ate. Open ang barkada para sayo." Pagkasabi ko nun, muntikan na maluugan si Patty. -_-
"Patricia, Okay ka lang ba?!" Tanong ni Ate sabay abot ng tissue.
"Oo okay lang. hehe." Sabi ni Patty sabay pahid ng tissue at tumingin sakin. Binigyan ko siya ng Baka-naman-sincere look. Nagkibit balikat na lang siya.

BINABASA MO ANG
Searching You
HumorFORMERLY TRUE LOVE. NOTE: ON HIATUS. ON HOLD. Meet Rain Alonzo. Sabi nila, nese kenye ne eng lehet. Maganda, matalino, mabait, mayaman. Pero may kulang pa, wala siyang natatawag na 'pamilya'. She's always alone. Yes, meron siyang mga kaibigan pero...