Pinagiisipan ko ung gagawin ko na lang siyang isang POV. Kay Rain na lang. Nalilito ako. Hahaha. Pinagsabay sabay ko pageedit/pagrerevise nung tatlo kong story den may sinusulat pa ako ngayon :3 jusmiii haha. :)
Chapter 5.
=PATTY's POV=
"Akalain mo yun Rain, friends na kayo nung Kent. Tiba tiba ka ha, infairness." Sabi ko kay Rain.
She just gave me her oh-so-famous death glare. Napairap na lang ako. Grabeness, nakakakot siya. -_-
"Yung pake ko pakihanap." Sabi niya at saka inilagay ang gamit niya sa locker niya. Yep, kumuha na din siya ng sarili niyang locker. Nainggit ng loka.
"Asuuuus! Baka siya na hinahanap mo gurl ha?" At saka ko sinarhan ang locker ko.
"No. Way." Sabi niya at saka padabog na sinarhan ang locker niya. In denial talaga 'to kahit kelan. Hays. Pero infairness, may itsura din yung friend ni Kent. Yung... yung... Top? Trop? Topy? Ah basta yon. hindi ko matandaan.
Aalis na sana kami ng may maapakan akong papel. Sobre siyang kulay pink. Naku po, lagot ako. Kanino kaya 'to? Bakit kasi pakalat kalat?! -_- Ipinatong ko na lang yun s aisang table malapit sa locker ko at saka kami umalis.
=RAIN's POV=
After 82667523 years nakadating din ako sa bahay. Grabe lang yung banggaan malapit dito sa bahay namin. Kaya tumrafic eh. Dami pang chismoso. Dead on arrival daw yung lalake. Di kasi nagiingat. Bakit kasi di niya alam na biglang may tatawid na tandang? To think na nakascooter lang siya. (Hindi yung motor. Yung scooter talaga na pambata XD) Hay. Iniwasan daw yung manok kaya sa puno nabangga. Ayun una mukha. Tsk. Tsk. Awa ko dun sa manok, sobra daw nagulat eh. Ayun inatake, patay daw. Tsk.
Pagdating ko sa bahay. Wala pa si mama, nasa trabaho pa siguro yun. Siya kasi nagpapatakbo ng company namin.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Haaaay nakakapagod. Inalis ko na ang salamin ko at akmang hihiga ng biglang...
*TOK TOK*
Ano ba yan! Hihiga na nga lang may humadlang pa. Parang pagibig lang yan eh, yung unti unti ka nang nahuhulog dun sa tao pero KJ lang talaga siya kaya ayun sinabing 'wag kang maiinlove sakin. Di kita kayang saluhin.' kaya ikaw no choice kundi bumangon muli. Tsk. Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/1287069-288-k652338.jpg)
BINABASA MO ANG
Searching You
HumorFORMERLY TRUE LOVE. NOTE: ON HIATUS. ON HOLD. Meet Rain Alonzo. Sabi nila, nese kenye ne eng lehet. Maganda, matalino, mabait, mayaman. Pero may kulang pa, wala siyang natatawag na 'pamilya'. She's always alone. Yes, meron siyang mga kaibigan pero...