Nathaniel's POV
"Doc, sabi po nila mamamatay na po ako?" tanong ng bata
"Well not now, you still have one year to live" sabi ko dito at tsaka tumalikod
Nagsimula naman umiyak ang bata at narinig ko naman ang pag sumpa sakin ng nanay niya. Yan ang hirap sa kanila eh paaasahin nila yung tao na mabubuhay pa ito kahit sa totoo lang mukha na itong bangkay.
Pumasok ako sa opisina ko at nagtanggal ng coat at niluwagan ang aking necktie. At tsaka umupo sa aking upuan.
"Ano nanaman nabalitaan kong pina iyak mo si J.c?" pasugod na tanong ni Kerbin saakin
"Hindi ka ba marunong kumatok? At isa pa sinong J.c?" tanong ko dito
"Yung batang sinabihan mo na isang taon na lang siyang mabubuhay" inis na sabi nito
"Oh that, nagtanong siya sinagot ko, mali ba yun?" tanong ko
"Mali! Tayo dapat ang nogmomotivate sa kanila para tumatag at lumaban sila" sabi nito saakin
"Pero mali rin na paasahin sila sa maling akala" sabi ko dito at tsaka tumayo para kunin ang coat ko
"Can you atleast apologize?" tanong nito saakin
"I can't may lakad ako" at tsaka ako lumabas ng opisina
Tama lang ang ginawa ko, ayokong paasahin ang isang taong alam ko naman kung talagang mamatay na. Bakit kailangan sabihin sa kanilang mabubuhay pa sila kung ang totoo ay dalawang araw na lang ang itatagal niya? Gaya ng doctor ni Michael, sinabi nito na may pag asa pang maayos ang kambal ko pero wala rin naman nangyari. Kaya ayoko sa lahat ay yung mga paasa, lalo na ang mga sinungaling at mambobola.
"Dude, parang badtrip ka nanaman ah" natatawang tanong sakin ng bartender
"Hard nga" order ko dito at tsaka naupo
Dito ako nagpapalipas ng sama ng loob at dito ko rin pinapatay ang pagod, puyat at stress. Alak, kahit kinabukasan naman sakit ng ulo ang dulot nito.
"Isa pa" sabi ko ng maubos ko ang isang basong puno
"May balak ka atang malunod sa alak ah" biro ng bartender habang ibinibigay sakin ang isa pang punong baso
"Oo" naka ngiti kong sagot dito "Kakalimutan ko ang lahat, lalo na ang pesteng buhay na to" sabi ko at tsaka ininom muli isang baso ng alak
~Boom~
-Kinabukasan-
"Ouch" reklamo ko habang hawak hawak ang ulo ko
Agad akong tumayo at nagdere deretso sa banyo para maligo, napalakas nanaman ang inom ko kagabi at ni pag uwi nakalimutan ko kung paano ako nakarating ng bahay.
Matapos kong maligo agad kong kinuha ang tuwalya at nagtapi. Lumabas ako ng banyo at dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape.
"Ano nanaman kaya ang nangyari?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta ng living room
"What the!!" sigaw ko
O_O
Laking gulat ko kasi ng makita ko ang babaeng naka handusay sa sahig ng living room, wala itong malay at hindi man lang gumagalaw.
Tinapik tapik ko ang ulo nito pero hindi naman siya nagigising, sino naman kaya ang isang to? Kasama ko ba siya kagabi? Tsk! Wala akong maalala.
"Gising" sabi ko dito habang sinisipa ang paa
Tsk! Di ko naman puwedeng tawagan ang security at baka nga kasama ko to kagabi. Binuhat ko naman ito para ilipat sa kuwarto ng biglang.....
"Pampkin!"
O_O
Myka's POV
Maaga akong umalis para bisitahin ang pampkin ko dahil bilin ni kuya Gaboy na dalhan ko daw si Natnat ng paborito nitong adobo ^_^
O_O Bakit hindi naka lock? Dati naman laging naka lock to pag bumibisita ako... Ahhh.... Baka natanggap niya ang text ko na pupunta ako at tinatamad siyang pag buksan ako kaya naman ayan.
"Pampkin!" sigaw ko ng buksan ko ang pinto ^_^
O_O
"Sino yan?!!" sigaw ko ng makita ko ang buhat buhat ni pampkin na babae at take note naka tapi lang ng towel ang aking bebe boy Natnat
"Tita let me explain first!" sigaw nito
Pero bigla naman dumilat ang sleeping beauty at...
"Sino ka!!" sigaw nito kay Nathaniel habang nagpipiglas
"Hey! Ouch! Wag!" sigaw ni Natnat
"AHHHHHH!!!" sabay naming sigaw ni sleeping beauty
Agad akong tumalikod dahil sa di ka nais nais na nangyari >.< nalaglag ang tapi ni baby boy ko dahil sa pambubugbog ni sleeping beauty.
"Bastos!" dinig kong sigaw ni sleeping beauty at
*BLAG!!!*
Yan ang huli kong narinig mula sa kanila at pagkatapos tumahimik ng bigla.
NOTE: Anong nangyari kay Nathaniel? Good luck sa unang pagtatagpo hahaha
BINABASA MO ANG
My Only.... Angel?
FantasyAngel? Totoo ba sila? Parang.... Hindi naman. Hey guys! Bago ito basahin niyo muna ang: My Only Angel & My Only Angel 2