Nathaniel's POV
"Aray tita! Masakit ah!" reklamo ko
"Eh ikaw naman kasi ang likot mo, wag kang magalaw para di ka masaktan!" sigaw nito sakin habang nilalagyan ng betadine ang noo ko
"Buwisit na babae yan! Pahamak kahit kailan!" inis na sabi ko kay tita
"Aba! Kasalanan mo yan at pumili ka ng amasonang girlfriend" natatawang sabi ni tita
"Ilang beses ko bang sasabihing hindi ko girlfriend yung babaeng kulto na yun?" inis kong tanong kay tita
"Dun na rin papunta yun Natnat, teka nga, ano ba talagang nangyari sa inyong dalawa?" tanong ni tita
*Flashback*
"Hey!" tapik ko sa balikat ni Roxanne na ang himbing himbing ng tulog
Pero tulog mantika kaya naman tinapik ko pa ito pero wala talagang ka effect effect, grabe! Sabi ko na nga ba eh ako nanaman ang mapapahamak sa pag payag na dito tumira tong babaeng to eh. Pero cute siyang matulog ah... Tsk! Ano ba yan! Antok lang yan Natnat gisingin mo na nga yang babaeng kung saan saan natutulog.
"Hoy! Roxanne gumising ka nga!" sigaw ko dito
"Tsk! Ang ingay" sabi nito at tsaka ako biglang hinablot sa leeg
"MPPP! >.<" ang lakas ng babaeng to, sa sobrang lakas napa higa ako sa kama nung bigla niya kong hinila at akapin
Pinipilit kong tanggalin ang pagkaka akap niya pero ang higpit ng pagkaka akap niya at ang hirap pang huminga, hinawakan ko naman ang dalawang kamay niya para iangat ito pero wala parin epekto... Ang.... Lapit ng mukha niya sa mukha ko... Ramdam ko pa ang pag hinga niya at kitang kita ko pa ang mapupula niyang labi....
O.O
Ano ba tong mga pinagsasabi ko... Para na kong tanga dito na naka tulala sa mga labi ni Roxanne at hinahayaan na akapin niya ako... Ano ba to Natnat, ano nanaman ba tong pinasukan mo?
"Roxanne" tawag ko dito
Bahagya itong dumilat at ngumiti, naalimpungatan ata pero...
BOOGSH!!!
"ARAY KO" >.<
Bigla ba naman akong itulak at tsaka tumalikod at nag patuloy sa pag tulog niya, ako naman eto tumama ang ulo sa may side table at nahulog sa kama.. Buwsit na babae to.
*End of Flashback*
"Nalaglag lang sa kama" sagot ko sa kanina pang tanong ni tita
"Naku Natnat dapat mag iingat ka ngayon pa at may katabi ka na" natatawang sabi sakin ni tita
"Tsk! Buwisit" reklamo ko at tsaka nilagay ang yelo sa may leeg ko
"Good morning Roxy ^_^" bati ni tita kay Roxanne na humihikab pa
"Oh? Anong nangyari diyan?" tanong sakin ni Roxanne na parang takang taka pa
"Ano sa tingin mo? Ikaw! Bakit ka ba sa kuwarto ko natulog?" naiinis na tanong ko dito
"Eh dun masarap matulog eh! Kung may reklamo ka edi ikaw ang maghanap ng ibang matutulugan!" sigaw nito sakin
"Kung umalis ka kaya dito?!" inis kong tanong dito "ARAY!" sigaw ko ng batukan ako ni tita
"Ewan ko sa inyo! Hoy Natnat sa guest room ka muna matulog para walang problema at ikaw Roxanne! Ikaw ang gumamot dito, aalis na ko" utos ni tita ka y Roxanne at tsaka ito umalis
Padabog naman naupo si Roxanne sa tabi ko at tsaka nilagyan ng gamot ang pasa ko.
"Aray!" sigaw ko ng diinan niya ang paglalagay kaya naman inawat ko ang kamay niya
"Ano? Ayos na ba?" tanong nito sakin
"Una, ikaw magilinis ng bahay at magluluto, pangalawa, ikaw ang magiging assistant ko sa ospital dahil ang daming buwisit na tao dun, klaro ba? Dahil kung hindi kunin mo na mga damit mo at lumayas ka na dito!" sigaw ko dito at tsaka pumasok ng banyo para maligo, siguro naman pagkatapos ko wala na rin yang pesteng babaeng yan
Agad akong naligo at nag ayos para makarating agad sa ospital at matapos ang check up, nilagyan ko muna ng gamot ang sugat ko at tsaka lumabas ng kuwarto....
"Yan, hindi ko alam kung gusto mo yang pagkain na yan pero sabi mo lang naman ako ang taga luto, mag aayos lang ako para makasama na sayo" diretsong sabi nito at tsaka pumasok ng banyo
Naupo naman ako sa lamesa para tignan ang mga niluto niya, sunog na hotdog, sunog na tinapay, hilaw na itlog, kape... Bakit ko ba kasi sinabing siya ang taga luto?
"Ayos na ko" sabi nito
"Hindi ba matatakot sayo mga pasyente ko?" tanong ko
"Wala akong paki kung matakot sila, kung mamatay sila ng dahil sakin edi tadhana na nila yun" sabi nito at tsaka nagsimulang maglakad palabas
Kakaibang babae, kinuha ko naman ang mga gamit ko at sumunod naman sa kanya sa labas. Pumasok kami ng elevator at gaya ng hula ko kumapit nanaman siya sakin.
"Bakit ka ba takot sa elevator?" tanong ko dito
"H-Hindi ako takot! Hindi lang ako sanay" paliwanag nito
Pagkasabi niya nun sakto naman biglang tumunog ang elevator at pumasok naman yung ibang tao kaya mas lalong kumapit sakin tong babaeng to.
"Tsk" reklamo ko dahil naiipit na ko sa dulo kaya naman iniangat ko yung kamay ko at ipinatong ko sa balikat niya
TING
"Tara" aya ko dito at tsaka lumabas ng elevator
"Ano bang gagawin ko? Titignan ko din mga pasyente mo?" tanong niya
"Kailan ka pa naman naging doctor?" tanong ko dito
"Eh bakit mo pa ko sinama?" tanong ulit nito
"Basta...." sabi ko dito at tsaka binuksan ang pinto "Kailangan kita kaya dapat nasan ako nandun ka" sabi ko dito at tsaka pumasok sa kotse
Ano ba pinag sasabi ko? Kailangan ko siya? Bakit? Tss.. Ang dami dami kong assistant dun pero hindi ko naman siya kailangan.. Pero sinabi ko parin na kailangan ko siya..
"Hindi pa ba tayo aalis?" bigla naman nitong tanong
"Ito na ito na" sabi ko at tsaka pinaandar ang sasakyan
Note: Ayan nakapag ud na ko ulit dito hahaha ang sabi ko naman gusto ko ng tapusin ang mga naka on hold para maumpisahan ko na ang mga bagong stories ko hahaha Vote & Comment Guys!!
BINABASA MO ANG
My Only.... Angel?
FantasyAngel? Totoo ba sila? Parang.... Hindi naman. Hey guys! Bago ito basahin niyo muna ang: My Only Angel & My Only Angel 2