Nathaniel's POV
"Oh andito na pala ang love birds eh" sabi ni tita ng maka pasok kami ng bahay
Nakita naman namin agad sila tita at si lola Miki. Nandun din si Kerbin kasama si tito Charles at tita Issa.
"Lola" bati ko kay lola Miki at tsaka ito inakap
"Hindi pa ko matanda maka lola ka" naiinis naman na sabi nito at inakap din ako ng mahigpit
"Si Roxanne po" pakilala ko sa kanya
"Naku mana ka talaga kay Gaboyboy, magaling pumili ng girlfriend" naka ngiting biro ni lola
"Totoo pala" rinig ko naman na sabi ni papa ng makita niya kami ni Roxanne
"Pa... Si Roxanne nga po pala kaibigan ko" pakilala ko kay Roxanne
Nakita ko naman na parang nagulat si papa pero agad din naman itong ngumiti at kinamayan si Roxanne.
"Hi, nagkita na tayo" naka ngiting bati ni Kerbin kay Roxanne "Mama ko nga pala at papa" pakilala niya sa parents niya
"N-N-Nat" nagulat naman ako sa narinig ko at agad ko itong nilingon
"Kaya kita tinawagan dahil diyan" naka ngiting sabi ni papa "Bigla na lang niyang binanggit ang pangalan mo" sabi nito habang naka tingin kay Michael
Agad naman akong lumapit sa kanya at hinawakan sa kamay. Sa wakas after so many years, nagkaroon kahit papaano ng improvement.
"Himala" dinig kong sabi nila
"Hindi himala to" sabi ko naman "Good doctors, therapy at medicine" hinarap ko sila "Yun ang gamot"
"Oh bakit ngayon ka lang?" puna ni lola kay lolo
"May mga inayos lang ako" sabi naman ni lolo
"Lo" bati ko dito at tsaka nag mano "Si Roxanne nga po pala, kaibigan ko" pakilala ko kay lolo
Nawala naman ang ngiti ni lolo ng makita niya si Roxanne, paro agad din naman nitong kinamayan si Roxanne.
Nakita ko naman na nag kanya kanyang kuwentuhan na sila kaya naman agad kong nilapitan si Michael at hinawakan muli ang kamay nito.
Himala? Naniniwala parin sila dun kahit ang totoo naman nagkaka improvement si Michael dahil sa gamot, doctor at therapist ang may gawa ng lahat.
***********
Kerbin's POV
Kitang kita ko ang saya mula sa mga mata ni Nat ng marinig niyang magsalita ang kambal niya. Its been years bago ko ulit nakita ang saya niyang yun.
"Dun tayo sa garden" sabi ni Nat Kay Michael at tsaka nito tinulak ang wheelchair ng kapatid
"Roxanne?" tawag ko dito at agad siyang nilapitan
"May problema ba?" tanong ko sa kanya
"Ang dami kasing tao, mas gusto ko dito tahimik" paliwanag niya
"Nandun naman si Nat ah?" tanong ko sa kanya at tsaka tumabi sa kanya
"Masaya siya kasama ang kapatid niya at pamilya niya" sabi naman nito
"Ngayon ko nga lang ulit nakita yung ngiti niya eh, salamat sayo" sabi ko dito at tsaka siya hinarap
"Bakit ako?" tanong niya naman
"Kasi dahil sayo, nagiging masaya siya at kitang kita na gusto ka niya" sabi ko dito na para naman ikinabigla niya
"Ako? gusto niya?" tanong naman niya
"Oo, gusto ka niya" sabi ko naman sa kanya
"Tapos na ba kayo?" Tanong ni Nat na parang umuusok na ang ilong sa galit
"Wala, nag uusap lang kami pare" paliwanag ko dito
"Tara na" sabi naman ni Nat na naka tingin kay Roxanne
"Bye Roxanne, totoo yung sinabi ko" sabi ko dito at tsaka siya kinawayan
Kinuha naman ni Nat at kamay niya at tsaka sila naglakad palabas. Salamat Roxanne at sana makalimot at mapatawad na ni Nat ang sarili niya balang araw.
Note: seloso naman kasi si Nat kaya mag iingat kayo hahahaha Vote and comment guys
BINABASA MO ANG
My Only.... Angel?
FantasyAngel? Totoo ba sila? Parang.... Hindi naman. Hey guys! Bago ito basahin niyo muna ang: My Only Angel & My Only Angel 2