Let's Begin

79 3 1
                                    

Nathaniel's POV

"Lasi ka na?" tanong ko kay tita na nakatulog na sa sofa

"Lasing na nga!" natatawa kong sabi

Ewan ko kung anong problema ni tita pero ang lakas naman niyang uminom at agad din nalasing.

*Flashback*

"Tita bakit ka ba nagpabili nito?" tanong ko kay tita habang tinuturo yung alak

"Basta" sagot lang nito at tsaka nagsimulang uminom

"Nag away kayo ni lola nuh?" tanong ko dito

Pero tinignan lang ako nito ng masama kaya naman iniwasan ko na lang ito ng tingin at sinamahan siya sa pag inom.

*End of Flashback*

"Di ko maintindihan kung bakit kailangan mong magpaka lasing eh ang dali dali lang naman makipag bati" uminom ako at tsaka sumandal sa upuan "Buti ka pa nga may nanay..."

"Ikaw wala" bigla naman singit ni Roxanne na naka inom na rin

"Oo, wala... Dahil sakin... Dahil sakin wala... Pati lola ko nawala... Pero hindi parin ako naka rinig ng kahit ano mula kay papa... May kapatid din ako at nadisgrasya rin ito dahil sakin... Pero wala parin akong natanggap na kahit anong parusa sa kanila... Binusog nila ko ng pagmamahal pero.. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko... " inubos ko ang bote ng beer na hawak ko

"......."

"Matutulog na ko" paalam ko sa kanila na parehas ng tulog kaya naman dahan dahan akong pumasok sa kuwarto at humiga sa kama

*Kinabukasan*

O_O

Totoo ba to? Lasing parin ba ko?

Di ako makagalaw dahil sa sakit ng ulo ko at hindi naman ako maka kurap dahil nakikita ko siyang kaharap ko?.... Naka titig din sakin

na parang kakagising lang din.

"Mga love birds, uwi muna ako ah? Tinawagan ako ni nanay" sabi naman ni tita at tsaka umalis

"Aray!" sabay namin sigaw ng parehas kaming gumalaw para tumayo kaya lang nagka untugan kami

Nakaka ilang >_< naka akap pa ko sa kanya.

"Ano... Uh... Mag... Magluluto ako" paalam nito at tsaka tumakbo palabas

>_< Ano ba to... Bakit bigla kaming tabi? Ang pagkaka alala ko... Iniwan ko sila sa labas?

"Ay ewan" lumabas naman agad ako at tsaka siya sinundan

"Oh" sabi nito at tsaka hinain yung paborito niyang niluluto

"Mukhang masarap ah" sabi ko at tsaka umupo at kumain naman dahil sa totoo lang... Paborito ko tong kinakain

"Masarap ba talaga?" tanong nito

"Oo" sagot ko at nagpatuloy sa pag kain

"Oo nga pala... Kagabi..." hindi ko na ito pinatapos magsalita

"Naalala mo?" tanong ko dito

"Yun na nga eh... Wala akong... Maalala" nahihiyang sabi nito

Napangiti ako at tsaka siya sinubuan "Kumain ka na nga" natatawa kong sabi dito

"Magkukuwento kasi lasing pa ko" reklamo nito at tsaka kumain

"Masarap diba?" naka ngiti kong tanong dito

"Sinungaling ka nga" sabi niya naman kaya natawa ako

"Mag ayos ka, alis tayo" aya ko dito at tsaka pumasok sa kuwarto para maligo

After.... After 10? years... Ngayon lang ulit ako natawa... And it felt good...

-Mall-

"Bakit tayo andito?" tanong niya sakin

"Gusto ko kasing mamasyal" sabi ko dito

"Kailangan ganito suot?" naiilang na tanong niya

Nginitian ko naman siya "Para sikat" sabi ko dito

Pina suot ko kasi sa kanya yung couple shirt na binili niya dati nung natapunan ako ng toyo

Pinagtitinginan naman kami nung iba kaya naman hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi napapangiti na lang ako.

"Magkuwento ka na" sabi nito sakin

"Kumain muna tayo" aya ko dito at nagpunta naman kami sa food court

"Ikaw na lang" sabi nito habang naka tingin sa siomai na binili ko

"Tikman mo muna kaya" sabi ko naman dito

"Pero" tumingin naman ito sa toyo kaya naman naalala ko yung sinabi niya noon

"Alam mo, pano mo malalaman kung masarap o hindi ito? Parang pagkatao mo" sabi ko dito

"Ha?" nagtatakang tanong nito

"Sabi mo noon... Madilim... Parang pagkatao mo... Pero... Sa nakikita ko naman sayo hindi madilim... Yung dilim na nakikita mo sa pagkatao mo may pintuan kung saan nandoon ang liwanag at pag nahanap mo yun... Wala ng dilim... Parang pagkatakot mo sa elevator..." hindi pa ko natatapos binara niya naman ako

"Ayan kumain na" sabi nito at tsaka ngumuya

"Bakit ka nga ba takot sa elevator?" tanong ko dito

"Kasi nga ayoko ng pakiramdam na naghuhulog" naiiritang sagot nito

"Eh bakit ako nahuhulog?" wala sa sariling sagot ko sa kanya

Natigilan rin naman siya at tsaka tumingin sakin. Ano nga ba sinabi ko? Tama ba sinabi ko? Nahuhulog ako sa kanya?

Ring Ring

Agad naman akong nabigla at agad na kinuha ang cellphone ko.

"Hello?"

Natigilan naman ako sa nagsalita pero hindi ko na ito pinatapos magsalita ay sinagot ko na siya.

"Pupunta ako" sagot ko dito at tsaka pinatay ang phone ko

"Sino yun?" tanong niya sakin

"Bukas... Ipapakilala ko sayo ang pamilya ko" sabi ko dito

Ipapakita ko sayo ang pamilyang sinira ko....

Note:

Vote & COMMENT GUYS!

My Only.... Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon