Work

81 5 0
                                    

Nathaniel's POV

"Taga san ka ba talaga?" tanong ko dito

"Taga unit 3" sagot nito sakin

"Hey not that, yung lugar mo talaga" sabi ko dito at tsaka siya tinignan

"Hindi... Ayoko ng maalala ang lugar na yun" sabi nito at tsaka tumingin sa may bintana

"Hindi naman puwedeng kalimutan ang isang bagay kung saan ka nanggaling" sabi ko dito "Naglayas ka ba?" tanong ko dito

"Oo, at hindi na ko babalik sa lugar kung saan para kang hayop..." sabi nito at tsaka tumingin sakin "Wag mo ng ipaalala sakin ang lugar na yun" sabi nito

Tinignan ko ang mga mata nito, para naman siyang iiyak. Ganun ba kalala ang pinagdaanan niya sa lugar nila? Para silang hayop? Tortured ba siya?

"Nandito na tayo" sabi ko dito at tsaka siya tinignan "Kung gusto mong umuwi makaka uwi ka na" bumaba ako at tsaka dumeretso sa may elevator

Hindi ko alam kung bakit ako naaawa sa kanya. Kahit wala naman siyang kinukuwento sakin na nakaka awa siya...

TING

"Good morning sir" bati sakin ng nurse ng maka labas ako ng elevator

"Gising na ba si Herrera?" tanong ko sa nurse

"Ah kaka gising lang po pero hindi pa po umiinom ng gamot" sabi naman nito

Agad naman akong tumingin sa mga records ng mga bibisitahin kong pasyente ngayon.

TING

"Uy"

Napa lingon naman ako sa tumawag sakin at laking gulat ko ng makita ko siya.

"Wow, naka survive ka sa elevator" sabi ko dito at tsaka lumapit sa kanya

"Kumapit ako..." sabi nito at tsaka lumapit sakin at kumapit

"Sir, ayaw po talagang uminom ng gamot ni Mr. Hererra" sabi ng nurse

"Oh? Sa office na lang muna kita?" tanong ko dito

"Sabi mo kailangan mo ko?" tanong nito at tsaka ako tinignan "Ang sabi mo kung saan ka nandun dun din dapat ako" sabi nito at tsaka tumabi sakin

"Oh sige" nginitian ko ito at tsaka kami sabay na nag lakad papunta kay Hererra

Yung mga nurse naman parang mga tanga kung maka tingin samin. Wala naman akong paki sa kanila dahil tauhan ko lang naman sila at kaya ko naman silang tanggalin kung kailan ko gusto.

"Hererra" sabi ko ng maka pasok ng kuwarto niya

Nakita ko naman si Roxanne na nagulat pero agad din naman lumapit sakin.

"Sabi mo pagkatapos ng isang linggo gagaling na ko" reklamo nito

"Oo, kung iniinom mo ang gamot mo" sabi ko dito "At ngayon, sa malamang lumala na ang sakit mo" habol ko pa dito

"Anong ibig mong sabihin?" tanong nito sakin

"Mamamatay ka na"

Napa tingin naman ako kay Roxanne na naka tingin lang kay Hererra.

"Ano? Doc sino na tong babaeng to? Pakialamera" reklamo ni Hererra

"Totoo naman diba?" tanong sakin ni Roxanne at tsaka muling tumingin kay Hererra "Malapit ka ng mamatay... Nakita kitang naka pila" sabi nito

"Naka pila?! Puwede ba umalis ka dito?!" naiinis na sigaw ni Hererra

"Actually tama naman siya. Kung hindi ka kasi iinom talaga ng gamot lalala ang sakit mo at totoo mamamatay ka" sabi ko at tsaka tumayo "Kung ako sayo uminom ka ng gamot mo baka sakaling humaba pa ang buhay mo" sabi ko dito at tsaka lumabas

Kasunod ko naman si Roxanne na lumabas. Lahat naman ng mga nurse naka tingin samin at yung ibang naka rinig samin napapa iling na lang.

"Paano mo nalaman na mamamatay siya?" tanong ko dito

***********

Roxanne's POV

Wala na kasi ang taga bantay niya kaya nasakop na siya ng kampon. Nakita ko ang kampon na unti unti nakukuha na siya at hindi magtatagal mamamatay na siya.

"Alam ko lang. Lahat naman ng tao mamamatay pero una unahan lang yan" sabi ko dito at tsaka sumunod ulit sa pupuntahan niya

Isang batang babae, mukha siyang mabait. Hindi ko ito nakikita kaya sa malamang hindi pa siya mamamatay.

"Bagong pasyente" sabi ni Nathaniel "Ako si Doctor Nathaniel" pakilala nito sa sarili niya

"Ako po si Angelli" matamlay na ngumiti ito at tsaka humarap sakin "Ikaw ate? Anong pangalan mo?" tanong nito sakin

"Ako nga pala si Roxanne" pakilala ko dito

"Ako ang magiging doctor mo, pag aaralan ko ang kaso mo ano ang request mo?" tanong ni Nathaniel sa bata

"Alam ko po... Mamamatay na ko.. Pero hindi naman po masamang maniwala sa himala diba?" tanong ng bata dahilan para mapatingin si Nathaniel sa kanya "Kilala po kayo dito na masungit at mayabang pero alam ko na magaling po kayong doctor, may sakit po ako sa puso at alam ko kapag naka hanap ako ng donor matutulungan mo ko" sabi ng bata at tsaka umupo "Buhayin niyo po ako, buhayin niyo po ako alam ko kaya mo... Yun lang po ang request ko" sabi nito at tsaka ngumiti at muling humiga

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, parang sumisikip ang dibdib ko... Hindi ko ito maintindihan, agad akong lumabas at tumakbo kung saan walang ibang taong makaka kita sakin.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sumasakit ang dibdib ko at umiiyak ako? Bakit?

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Nathaniel na naka sunod pala sakin

"H-Hindi ko maintindihan ang sarili ko... Parang... P-Para akong nasasaktan" sabi ko at tsaka tuluyang tumulo ang luha ko

"Naaawa ka... Pareho lang tayo..." sabi nito at tsaka siya tumalikod sakin "Ako din.. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam din ako ng awa" sabi nito

"Tulungan mo siya" sabi ko dito "Kaya mo..." sabi ko dito at tsaka siya hinarap "Patunayan mo na kaya mo" sabi ko dito at tsaka naglakad

"San ka pupunta?" tanong nito sakin

"Uuwi na" sabi ko dito

Naglakad naman siya palapit sakin at tsaka ako hinarap

"Diba? Sabi ko kailangan kita? May pasyente pa ko ah? Iiwan mo na agad ako?" tanong nito at tsaka ngumiti "Tara na" aya nito

Hindi ko alam kung bakit ganito ang puso ko kapag nakikita ko siyang ngumingiti. Hindi ko rin alam kung bakit parang kilalang kilala ko siya... Kialala ko nga ba talaga siya?

NOTE:  Vote & Comment guys!

My Only.... Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon