Nathaniel Meets Roxanne

128 7 0
                                    

Nathaniel's POV

"Mama I want ice cream!"

"Pero pauwi na tayo para sa check up ni Michael"

"Ah basta! I want ice cream!"

"Oh sige na nga bibili lang si mama kaya wait for me okay?"

"Yehey!"

"Mama!!!!"

**

"Mama!" sigaw ko ng magising ako sa isang bangungot

Isang bangungot na ayaw ko ng balikan kahit na kailan. Napaka sakit ng pangyayaring yun.... Kung hindi lang sana matigas ang ulo ko sana kasama ko pa ang mama ko ngayon.

Humiga muli ako para subukan matulog ng maramdaman kong may gumalaw mula sa tabi ko...

"AHHHHHH!!!!! MULTO!!!" sigaw ko habang tumatakbo papunta ng pinto

"Tsk! Ang ingay"

Teka...

"What the heck?" tanong ko ng buksan ko ang ilaw at makita ang babaeng nambugbog sakin kanina

"Tsk, talaga bang ganyan ka kaingay?" tanong niya

"Why are you still here? Asan si tita? And.... Pano ako nagka damit?" sunod sunod na tanong ko dito

"Bumili ng gamot yung babae, tinawag niya yung mga lalaki para bihisan ka" sagot nito

"Ha?" tanong ko

"OH! Pampkin gising ka na" excited na sabi ni tita habang pumapasok ng kuwarto ko

"Tita why did you leave her? Pano kung nag nakaw yan dito? Or patayin ako?" naiinis kong tanong kay tita

"Grabe ka naman Natnat hindi naman ganun si Roxanne" sabi nito habang nilalapag ang mga pinamili niya sa desk ko

"Roxanne? Eh halos papatayin nga ako niyan kanina eh" reklamo ko

"Eh kasi naman ipinakita mo agad ang bench body mo ayan tuloy knock out ka" natatawang sabi nito habang tinitignan ako "Ayan namumula ka hahahaha!" pang aasar ni tita

"H-Hindi ah.... B-Bakit naman ako mamumula" pagde deny ko dito

"Mana ka talaga Natnat kay kuya Gaboyboy" sabi ni tita habang pinapat ang balikat ko at tsaka lumabas ng kuwarto

Tinignan ko naman yung Roxanne at sumunod naman ito kay tita sa pag labas ng kuwarto. Tumakbo naman agad ako sa banyo para tignan ang sarili ko sa salamin.

"Hindi naman namumula ah?" tanong ko sa sarli ko at tsaka lumabas ng banyo "Ay ulikba!!" sigaw ko ng makita ko ang mukha ni Roxanne sa labas ng banyo

"HIndi ulikba ang pangalan ko at pinapatawag ka nung babae" sabi nito at tsaka muling lumabas

"Bakit tita?" tanong ko kay tita ng maka labas ako ng kuwarto

"Samahan mo si Roxy sa mall at mamili kayo ng damit niya, dito muna siya titira okay?" ngiting ngiti pang sabi ni tita

"Ha?! Teka pumayag na ba ko? Bakit ko patitirahin yan dito eh hindi ko nga kilala yan!" reklamo ko

"Dahil ako ang nagsabi at kapag hindi ka pumayag sasabihin ko kay kuya Gaboy na tanggalin na ang condo na ito para sa bahay ka na umuwi" pananakot nito

"Fine! One month lang and then ampunin mo siya kung gusto mo" sabi ko dito at tsaka dumeretso sa kusina

"Hep, hep, hep ang sabi ko diba samahan mo siya sa mall? Galaw galaw na Natnat" pananakot ulit ni tita

My Only.... Angel?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon