Nathaniel's POV
"DATE?"
"Magdedate tayo"
"Hoy, magbihis ka magdedate tayo"
"Roxanne, let's date"
Hay... Mag iisang oras na ko sa harap ng salamin pero hindi ko parin alam kung paano siya yayayain na lumabas at makipag date sakin. Pano nga ba?
"Kakain na" katok ni Roxanne mula sa labas
"Kaya mo to nat" bulong ko sa sarili ko at tsaka lumabas ng banyo
"Bakit ba ang tagal mo?" Parang inip na inip na tanong nito
"Wow, mukhang masarap ah?" bati ko dito ng makita ko ang hinain niya
"Oo naman, sabi kasi nung kaibigan mo hinaan ko ang apoy para hindi umitim yung niluluto ko" sabi niya naman
"Kaibigan?" tanong ko sa kanya
"Oo, dumaan siya kaya lang ang tagal mo kaya tinulungan niya kong magluto tapos nagpaalam na" pagkukuwento nito
"Si Kerbin nandito kanina?!" tanong ko sa kanya
"Aray naman! Wag ka nga sumigaw!" reklamo niyo habang takip takip ang tenga niya
"Gusto mo ba yung ugok na yun?" tanong ko sa kanya
"Kahit kailan wala naman akong gusto" sabi nito
"Eh... Ako? Ako? Gusto mo ba?" tanong ko sa kanya
Tumingin siya sakin at tsaka huminga ng malalim tapos parang ang lalim lalim ng iniisip niya.
"Hindi ko rin alam. Siguro" sabi naman niya at tsaka muling tumingin sakin
"Bakit hindi ka sigurado?" tanong ko sa kanya
"Malay ko? Hindi nga ako sigurado" sabi naman nito na naguguluhan
"Then let's date" sabi ko dito
"Date?" tanong niya sakin
"Para sigurado ka na, para hindi ka na maguluhan" sabi ko dito at tsaka kinuha ang kamay niya "tara?" tanong ko sa kanya
"Oo" sagot nito kaya naman agad kaming nag ayos na dalawa
Akala ko hindi ko na masasabi sa kanya ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya pero ito ako ngayon, kasama siya at magdedate kami.
"San mo gusto?" tanong ko sa kanya
"Ewan ko, di ko naman alam mga sinasabi mo eh" sabi naman nito kaya natawa na lang ako
"Fine, manood tayo ng sine tapos mag dinner na lang tayo sa labas tapos uwi na" sabi ko naman sa kanya
"Sige" pagsang ayon niya naman
Seriously? siya? Hindi niya alam ang date? tao ka ba talaga?
"Anong gusto mong palabas? Horror, comedy, drama?" tanong ko sa kanya
"Bakit... Bakit siya umiiyak?" tanong ni Roxanne sa poster nung isang pelikula
"Nahiwalay siya dun sa mga magulang niya.. Kaya siya umiiyak" sabi ko dito habang naka tingin sa poster
"Ganyan din ba ang naramdaman mo ng mawala ang nanay mo?" tanong niya sakin "Umiyak ka rin ba? Nasaktan?" tanong ulit nito
Tinignan ko naman siya pero nagulat ako ng tumulo ang luha sa mga mata niya. Kitang kita ko ang pait at sakit sa mga mata niya.
"R-Roxanne... Nahiwalay ka rin ba sa pamilya mo?" tanong ko sa kanya at tsaka pinunasan ang luha sa mga pisngi niya
Ngumiti lang ito pero hindi niya ako sinagot at tsaka ako hinila sa bilihan ng ticket. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko, nasasaktan siya.
BINABASA MO ANG
My Only.... Angel?
FantasyAngel? Totoo ba sila? Parang.... Hindi naman. Hey guys! Bago ito basahin niyo muna ang: My Only Angel & My Only Angel 2