Napahikab ako habang bumababa sa hagdan namin, at napatingin sa orasan
"Yes tamang tama lang ang gising ko para makapag handa sa simbang gabi! "
Agad akong pumunta sa kusina at nag luto na ng makakain ko. Simpleng piniritong itlog, hotdog at ham nalamang ang niluto ko kasi baka kung yung mahirap pa ma late ako sa simba, maliligo pa naman ako.
Nag lagay na din ako ng pinggan at kubyertos sa mesa at nag lagay ng sticky note na nag sasabi kina mama na handa na ang mga pagkain at di na niya kailangang mag luto
Agad na akong naligo at nag handa na para umalis.
"Uy Dygelyn!" Agad akong napalingon sa katabi naming bahay at nakita ko si Keann, ang kapit bahay namin
Well hindi lang naman kapitbahay kasi simula palang nung bata kami ay gusto ko na siya.
No hindi lang gusto, kundi mahal ko na siya. Gustong gusto ko na ngang umamin sakanya kaso ayoko kasi baka masira ang pagkakaibigan namin
At siya din ang rason kung bakit gusto kong matapos ang siyam na simbang gabi...
"Uy keann!" Sabi ko at lumapit sakanya
"Mag sisimba ka din ba?" Tanong niya
"Oo eh, ikaw, bakit ang aga mo?" Tanong ko at pasimple siyang tiningnan
Ang gwapo talaga niya, ang layo niyang abutin, hindi na ako mag tataka na hindi siya nag kaka gusto sakin, sabagay ang gwapong katulad niya ay para sa isang magandang babae
Sikat kasi si Keann sa school namin, ang dami daming nag kaka crush sakanya, bukod sa gwapo na nga magaling pa sa basketball
"Mag sisimbang gabi din ako! Sabay na tayo" agad akong namula ng dahil sa sinabi niya
Hindi pa nga ako nakakapag simba pero bakit feeling ko natupad na ang hiling ko?
At sabay nga kaming pumunta ng simbahan, tamang tama lang ang dating namin kasi hindi tumagal ay nag simula na ang misa
Pinili ni Keann ang umupo sa may pinaka gilid kung saan hindi masyadong kita ang Pari. Nag tataka man ako pero hindi na ako umalma. At least kasama ko siya.
Dear God, sign na po ba ito? Kasi ayoko pong mag assume pero unang gabi pa lang po feeling ko natupad na ang hiling ko, Sana po siya na, sana po si keann na, ang lalaking mag mamahal sakin at mag papa saya
At dun natapos ang unang simbang gabi ko. Kasama ang lalaking rason ng pag simba ko.
~Simbang Gabi~
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘
![](https://img.wattpad.com/cover/48191069-288-k775222.jpg)
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi ✔
RandomSabi nila kapag nakumpleto mo ang sampung simbang gabi ay matutupad ang panalangin mo. Matutupad ngaba ang panalangin ko?