Pangatlong Gabi

1.7K 48 3
                                    

"Okay class dismissed" agad kong inayos ang gamit ko para agad na akong makauwi

"Dygelyn" nagulat ako ng maabutan si Keann na nasa labas ng room ko

"Oh Keann, bakit?" Pasimple kong inayos ang buhok ko at pinunasan ang mukha kong alam kong sobrang oily na

"Free ka ba?" Natigilan ako ng dahil sa tanong niya

"Bakit?"

"Samahan mo naman ako sa mall, may bibilhin lang ako, libre kita ng dinner tapos! Sige naaa please!" Sabi ni Keann at nag puppy eyes pa sa harap ko

Tss kahit naman hindi ka mag please sasamahan kita kahit pagod ako

"Tch tara na nga!" Sabi ko at agad na hinila si Keann paalis.

Hindi nag tagal ay dumating kami sa mall at dumeretso kami sa isang jewelry shop

"Anong ginagawa natin dito Keann?" Tanong ko at nag tingin tingin sa mga jewelries

"May bibilhin ako, para sa babaeng sobrang espesyal sakin" napalingon ako kay Keann at nakita siyang naka ngiting naka tingin sakin

"Ah, uhm, eh bakit ako nandito?" Nag taka takahan ako kahit medyo may kumirot sa dibdib ko ng dahil sinabi niya

"Pumili ka" nagulat ako sa sinabi niya "sige na" sulsol pa niya kaya nag lakad lakad ako para pumili

Naagaw ng tingin ko ang isang necklace na sobrang ganda, simple lang ito. Isang necklace na may silver heart pendant

"Ito oh" sabi ko sabay turo sa necklace

"Miss patingin nga neto" sabi ni Keann dun sa sales lady

Inabot naman nun ng sales lady kay Keann, agad na pumunta si Keann sa likod ko at biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng biglang isuot sakin ni Keann ang Necklace

"Ang ganda, bagay na bagay sayo. Kung bagay sayo siguradong sigurado ako na bagay din sakanya yan" hindi mapuknat ang tingin na binibigay sakin ni Keann at para bang ang ganda ganda ko sa tingin niya.

Agad na binayaran ni Keann ang necklace at umalis na kami para kumain ng dinner

Kahit wala naman siyang sinabi pero feeling ko talaga date ang ginawa namin, sobrang gentleman niya kasi

Hinatid niya din ako sa bahay at bago pa man ako maka pasok ay pinigilan niya ako

"Dyg alam kong mag sisimbang gabi ka ulit mamaya kaya sabay na tayo, mag kasama nating tatapusin ang simbang gabi ha?" Naka ngiting sabi niya

Tumango nalamang ako at ngumiti dahil sa sobrang tuwa ay di ko alam kung ano na ang sasabihin ko.

Dear God, Hindi naman po ako mabait na tao pero bakit ganun? Feeling ko sobrang blessed ko kasi kasama ko siya ngayon? Kahit po nag tataka ako kung para kanino yung binila niyang necklace ay di ko na po tatanungin, nahihiya po ako. Pero may nag iba po sa galaw niya! Unti unti na po bang natutupad ang hiling ko?  Thank you po sa lahat God, sana siya na talaga.

▧   ▧

~ Simbang Gabi~

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Simbang Gabi ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon