Pang Pitong Gabi

1.4K 36 4
                                    

Kumakain ako ngayon sa canteen namin ng maka rinig ako ng tilian ng mga babae at alam ko na agad ang ibig sabihin nun

Either pumasok na si Keann o si Dylan ng canteen

Yep tama ang basa niyo, isa din si Dylan sa tinitilian ng mga babae dito sa school well mas tinitilian nga siya kesa kay Keann.

Nagulat ako ng biglang may umupo sa tabi ko

"Hi " nakangiting bati sakin ni Keann

"Hi din kumain ka na?" Tanong ko sakanya

"Hindi pa eh!" Agad kong inusog ang sobrang pagkain ko sakanya

"Oh sayo na, pati na din tong sandwich di ko na kaya, dont worry walang lason yan!" Sabi ko

Ginulo naman ni Keann ang buhok ko " ang sweet mo talaga Dygelyn!" At kumain na

Naka tingin lang ako sakanya habang kumakain siya ng bigla siyang mag salita

"Alam mo na ba ang balita?" Tanong niya sakin habang inuubos ang spaghetti na binigay ko

"Ang alin?" Kunot noong tanong ko parang wala naman kasing bago eh

"Si Dylan, wala na, na expel na" nagulat ako sa sinabi ni Keann

"WHAT?! BAKIT?!" nanlalaki ang matang tanong ko

"May binugbog na dalawang lalaki, na hospital kaya na expel"

Yun ba yung dahilan na nakita ko siya kahapon na naka sunod sa principal namin?

"Ano naman ang rason niya sa pag bugbog sa dalawa?" Takang tanong ko

"Walang nakaka alam, ayaw niya mag salita kaya mas lalong nagalit ang principal kaya in expel na"

Nagtataka man ay hindi ko nalamang pinansin yun, natural lang naman yun sakanya.

"Tara?" Tanong ko kay Keann na naghahantay ngayon sa labas ng bahay namin.

"Tara" sabi niya at inakay na ako papuntang simbahan.

Medyo napaaga ulit ang pag dating namin sa simbahan kaya tahimik ulit kaming umupo sa upuan kung saan kami umuupo mula unang simbang gabi.

Napayakap ako sa sarili ng biglang humangin ng malakas

"Nilalamig ka ba?" tumango nalamang ako sa tanong ni Keann

maya maya ay naramdaman kong may nilagay si Keann sa likod ko at nakitang jacket na suot niya kanina iyon .

Napangiti nalamang ako at maya maya ay nag simula na ang misa

Dear God, hindi ko po ma express ang sarili ko kung gano po ako ka swerte sa lalaking kasama ko ngayon, kung ganito lang po ang lalaking makakasama ko sa buong buhay ko ay hindi ako mag sisisi, sana siya na po talaga God

▥   ▥

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Simbang Gabi ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon