Pang Limang Gabi

1.4K 40 1
                                    

Napaaga ang pag dating namin ni Keann sa simbahan ngayon kaya heto kami ngayon tahimik na hinihintay ang pag simula ng misa

"Ano ang rason mo sa pag simba Dygelyn?" Nagulat ako sa tanong ni Keann

"Uhm, pwede pass?" Medyo nahihiyang sabi ko sakanya

"Haha okay lang naiintindihan ko" sabi niya at ngumiti sakin

"Ikaw, bakit gusto mong tapusin ang siyam na simbang gabi?" Ngumiti naman siya at tumingin sa harap

" Nung una wala talaga akong plano, pero ng makita ko siya, bigla akong nagkaroon ng rason para tapusin ang simbang gabi." Naka ngiting sabi niya at hindi pa din inaalis ang tingin sa harap

Kumakabog naman ng mabilis ang dibdib ko ng dahil sa sinasabi ni Keann

"Gusto mo siya?" Kinakabahang tanong ko

Ngumiti ng mas malapad si Keann at tiningnan ako " oo gustong gusto ko siya" sabi niya at tumingin ulit sa harap

Feeling ko lahat ng dugo ko ay napunta sa mukha

Maya maya ay nag simula na ang misa

Dear God, assuming po ba ako kung sasabihin ko na parang ako ang tinutukoy ni Keann? Ayoko naman pong mag assume pero wala naman pong babaeng umaaligid sakanya. God sana ako po ang babaeng tinutukoy niya, Sana po si Keann na po talaga ang makaka tuluyan ko

▧  ▥

~Simbang Gabi~

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Simbang Gabi ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon