Pangalawang Gabi

2.2K 58 1
                                    

Naglalakad ako ngayon ng mag isa sa hallway ng school namin, tapos na kasi ang class at papauwi na ako

"Psst" nilingon ko ang pinang galingan ng sitsit na iyon pero wala naman akong nakitang tao kaya pinag patuloy ko na lamang ang pag lalakad

"Pssst" kinabahan na ako ng maramdamang mas malapit na ngayon ang pinanggalingan ng pag sit sit

W-wala naman sigurong aswang dito sa school noh?

"Boo" agad akong napa sigaw pero may tumakip sa bibig ko

"Tss ang over mo" malakas kong tinulak ang lalaking may gawa ng muntik ko ng pagka matay

"Ikaw?!" Sigaw ko at dinuro pa siya

"Oh bakit?" Bored na sabi ng kaharap ko ngayon

Siya si Dylan Connor, ang lalaking walang kwenta!

Di joke lang! ^_^

"Oh himala yatang nandito ka ngayon sa school"  sarcastic kong sabi

Pano ba naman kasi laging absent tong lalaking to at once in a blue moon lang sumulpot PERO wag kayo tumataginting na uno ang grade niyan!

"Trip ko" ang tanging sagot lang niya sakin -_-

"Tss diyan ka na nga" sabi ko at nauna nang naglakad sakanya

Pero maya maya ay naramdaman kong may sumusunod sakin

Hindi ko pinahalatang lumingon ako at nakita ko si Dylan na naka sunod sakin

Pinabayaan ko nalamang siya at pinag patuloy ang paglalakad

Pero palapit na ako ng palapit ng bahay ay naka sunod pa din siya saakin kaya hindi ko na natiis at nilingon ko siya ng umabot kami sa kanto ng bahay ko

"Bakit ka ba sunod ng sunod sakin ha?!" Tumigil naman siya sa pag lalakad at tiningnan ako

" Sobrang gwapo ko naman para sundan ka, wag kang ilusyonada dito ang daan papunta sa pupuntahan ko"  sabi niya at nauna nang naglakad

Napa buntong hininga nalamang ako ng makita ang tingin sakanya ng mga babaeng dinadaanan niya.

Kung tutuusin mas gwapo si Dylan kesa kay Keann, pero ewan ko ba si Keann talaga gusto ko, ayoko kasi sa hambog

"Dygelyn!" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Ken bago pa man ako pumasok sa gate namin

" oh Keann bakit?" Hindi ko pinahalatang kinikilig ako habang lumalapit siya

" mag sisimbang gabi ka ba ulit mamaya?"

Syempre naman, hindi pa natutupad hiling ko eh

"Oo naman, kelangan kong matapos yun" sagot ko at ngumiti

Ngumiti naman ng malapad si Keann " kung ganun sabay na tayo ah? Kita nalang tayo dito same time bye!" Sabi niya at dali daling umalis 

At yun sabay nga ulit kaming nag simbang gabi ulit. Dun din kami umupo ulit kung saan kami umupo, at halos himatayin ako sa kilig ng bigla nalamang akong halikan ni Keann sa pisngi nang nag Peace be With you

Dear God, Thank you po sa pag bigay ulit saakin ng isang chance makasama ang lalaking katabi ko ngayon, as usual hihilingin ko po. Sana siya na po talaga.

At dun natapos ang pangalawang simbang gabi ko kasama ulit ang lalaking rason ng pag simba ko

~ Simbang Gabi~

R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Simbang Gabi ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon