Tiniklop ko na ang huling pahina ng librong binabasa ko at napatingin sa wrist watch ko 6 na
Inayos ko ang gamit ko at lumabas na ng library
Naka ilang hakbang palamang ako ng makita ko ang principal ng school namin na kunot na kunot ang noo ang halatang galit na galit. Kasunod naman nito si Dylan naka tingin ngayon sakin.
Anong kalokohan nanaman ang ginawa ng lalaking to?
Pinag kibit ko nalamang iyon ng balikat at dumeretso na sa pag lalakad
"Dygelyn!" Napalingon ako at nakita si Keann na tumatakbong sumusunod sakin
"Uy" sabi ko at ngumiti
"Tara kain tayo libre ko!" Tuwang tuwa na sabi niya
Tumawa naman ako bago sumagot "date ba yan?!" Natigilan naman ako ng ma realize ang sinabi ko
"Hahaha pwede tara na!" Sabi ni Keann at hinila na ako paalis.
- -
"May dumi" sabi niya habang tinuturo ang gilid ng labi ko
Pinunasan ko naman ito
"Okay na?" Tanong ko kay Keann
"Hindi teka" sabi niya at may pinahid sa mukha ko
"Ayan okay na!" Tumatawang sabi niya
Grr pinahiran niya pala ako ng icing ng cake na kinakain namin"Akala mo ikaw lang ah!" Sabi ko at kumuha din ng icing at pinahid sa pisngi niya.
Nagkakatuwaan kami ng maka rinig kami ng hagulgol ng babaeng nasa upuan sa likuran ni Keann
Kunot noong tumayo si Keann " teka lang ha" tumango ako bilang sagot
Lumapit naman si Keann sa babeng naka yuko at umiiyak
"Miss" sabi ni Keann at pinoke yung babae
Nagtaas naman ng tingin yung babae at biglang natigilan ng saglit si Keann bago ngumiti at inabot ang panyo niya at binigay sa babae
"Ang magandang babaeng katulad mo ay hindi dapat umiiyak, tahan na" sabi ni Keann
Hayyy ang bait niya talaga!
Dear God, salamat po sa pag bigay sakin ng isang lalaking sobrang mabait at mapag mahal! Nakita niyo po kanina ang ginawa niya? Ang bait niya po no?! Hihi! Malapit na pong matapos ang siyam na simbang gabi. Sana si Keann na po ang para sakin
Nag sign of the cross na ako at tumayo na sa pag kaka luhod
"Tara na?" Tanong ni Ko kay Keann
"Kain muna tayo ng mga pagkaing binebenta sa labas ginutom ako eh!" Napatawa naman ako sa sobrang cute ni Keann.
~ Simbang Gabi~
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi ✔
RastgeleSabi nila kapag nakumpleto mo ang sampung simbang gabi ay matutupad ang panalangin mo. Matutupad ngaba ang panalangin ko?