Pang Siyam na Gabi

1.8K 51 1
                                    

Naka ngiting naka tingin ako ngayon sa sariling repleksyon ko

"Ngayon na" naka ngiti pa ding sabi ko sa sarili

Bumaba na ako at lumabas ng bahay dahil alam ko na nag hihintay na sa labas ang  lalaking mamaya ay magiging buhay ko na

"Hi" nahihiyang bati ko at inayos ang buhok ko

"Uy ganda natin ah" naka ngiting sabi niya

Natuwa naman ako ng marinig ang resulta ng pag papaganda ko.

"Tara na nga nambola ka pa"

Sinadya naming maaga pumunta ngayon sa simbahan dahil alam namin na puno ngayon ang simbahan dahil ngayon na ang pang huling simbang gabi.

"Dyg feeling mo ba matutupad ang hiling mo sa pag simba ng siyam na gabi?" Tanong sakin ni Keann

Napa tingin naman ako sakanya at nakitang naka tingin siya sa harap

"Hmm siguro" naka ngiting sagot ko

"Ikaw?" Tanong ko sakanya

"Hindi ko alam, parang ang hirap niya kasing abutin" sagot niya saakin

Napa buntong hininga naman ako.

Hindi ako malayong abutin Keann abot kamay mo lang ako

"Bakit hindi mo subukan? Malay mo pareho pala kayo ng nararamdaman" pagpapatatag ko sa loob niya

Nilingon niya naman ako at nginitian

"Sana nga"

Napatayo kami ng bigla ng mag simula ang misa.

"Ngayon ay ang panghuling simba niyo ng Simbang Gabi at hinihiling ko sa panginoon na sana ay matupad ang hiling ninyo sakanya, at huwag niyong kalimutan magpa salamat sa lahat ng bagay na binigay niya sa inyo dahil lahat ng bagay na meron kayo ay galing sakanya. " taimtim na nakikinig lamang ako sa pari

Maya maya at natapos na ang misa.

Sabay kaming napa harap ni Keann sa isat isa 

"Tapos na" naka ngiting sabi ko sakanya

"Oo nga" sabi niya at inabot ang likurang bulsa niya at kinuha doon ang isang box, ang box na ang laman ang binili naming Necklace

"Wish me luck Dyg, sana natupad ang wish mo" sabi niya at umalis na sa harap ko. 

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng makitang pumunta si Keann sa harapan at lumapit sa babaeng naka upo .

Kaya ba nung sinabi niya ang wish niya ay naka tingin siya sa harap? Kasi ang babaeng gusto niya ay naka upo  lang sa harap?

Napaiyak ako ng makita ang babaeng kausap niya ngayon,. Siya ang babaeng umiiyak na nakita namin sa pastry shop ang babaeng inabutan ni Keann ng panyo.

Napatingin ako sa taas upang pigilan ang pag daloy ng luha ko pero wala ding silbi kasi ang dami na neto

Napatakbo ako sa gitna ng simbahan at napatingin sa altar

Dear God, ito na po ang pang huling hiling ko, at alam na alam ko pong hindi na matutupad ang hinihiling ko pero sana po bigyan niyo po ako ngayon ng lalaking mag mamahal sakin ng buong buo, ang lalaking hinding hindi ako iiwan kahit gaano man ako kahirap kasama, ang lalaking tatanggapin ako ng buong buo at hindi nahihiyang ipag sigawan sa buong mundo kung gaano niya ako ka mahal

Natigilan ako sa pag iyak ng may tumapik sakin

Hindi na ako nag abalang punasan ang luha ko dahil alam kong wala ding silbi at nilingon ang tumapik sakin

"Dylan?" Gulat na tanong ko ng makita ang lalaking naka tayo ngayon sa harap ko

"Oh" sabi niya at may inabot sakin

Napatingin naman ako dun

"Ano to?" Tanong ko

"Tss, na broken ka lang na bobo ka na, panyo yan"

Kunot noong inabot ko ang panyo

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko

"Try mong punasan ang luha mo" sarcastic na sagot niya saakin

Agad ko nanamang naalala ang nangyari at umiyak nanaman ulit ako

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Dylan ang dalawang pisngi ko at hinalikan ang noo ko .

"Minsan subukan mo ding maki ramdam sa paligid, dahil habang nasasaktan ka ay may isang taong nasasaktan para sayo" sabi niya habang seryosong tinititigan ako sa mata

"Ang mga magaganda mong mata, ay ang bagay na sobrang mahal ko sayo" sabi niya at hinalikan ang dalawa kong mata

"At ayaw na ayaw kong makita iyang lumuluha"  sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit

" Naiinis ako sa ka torpehan ko, pero mas naiinis ako sa ka manhiran mo, pero ngayon wala na akong pake dun kasi simula ngayon akin ka na" rinig kong sabi niya at tiningnan ulit ako 

Maya maya ay lumapit ang mukha niya saakin kaya napapikit ako ng mata. Naramdaman ko nalamang ang malambot niyang labi sa labi ko.

Hinahalika  niya ako ngayon sa gitna ng simbahan. Kung saan maraming tao ang pwedeng maka kita. Pero hindi siya nahihiya , hindi niya ako kinakahiya

Dear God, ang bilis naman pong natupad ng hiling ko.

~ Simbang Gabi ~

✘ R E A D ✘

✘ V O T E ✘

✘ C O M M E N T ✘

✘ F O L L O W M E ✘

Simbang Gabi ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon