Kakalabas ko pa lamang ng cubicle kung nasaan ako ng bigla nalamang may tumulak sakin kaya napasandal ako sa pader
"Hoy babae! Ang landi landi mo talaga ano?!"
" si Keann pa talaga?! "
" mag best friend lang kayo sabi mo pero kung umasta ka parang girlfriend ka niya!"
" gumising ka sa katotohanan na hindi ka niya gusto!"
"Wag kang illusyonada!"
Mga masasakit na salitang sinasabi ng mga babaeng may gusto kay Keann habang sinisipa ako
"T-tama n-na!" Nahihirapang sabi ko at sinusubukang ilagan ang mga sipa nila pero wala akong laban kasi 3 sila kaya tahimik nalamang akong umiyak habang iniinda ang sakit na dulot ng sipa nila
Keann! Nasan ka? Kailangan kita
Natigilan sila sa pag sipa sakin ng biglang bumukas ang pinto
"Anong nangyayari dito?" Hindi ko na nakita kung sino ang pumasok dahil nararamdaman ko na ang paunti unting pag pikit ng mata ko.
█
Nagising ako sa clinic namin at agad na inobserbahan ako ni miss Tin ang nurse namin sa clinic
"Okay ka na Dyg, pwede ka nang umuwi, nag hihintay sa labas ang boyfriend mo"
Maang na napatingin ako sa kay Miss Tin
"Boyfriend ho kamo? Wala ho ako nun!"
Ngumiti naman si Miss Tin sakin
" sus wag ka nang mahiya! Obvious kaya! Alalang alala siya kanina sayo! Nag susumigaw pa nga eh! Obvious na natataranta!" Napailing nalamang ako at nagpaalam na
Pag labas ko ay nakita ko ang lalaking nakatalikod sa dereksyon ko kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap mula sa likod
"Keann salamat sa pag tulong sakin" sabi ko at binaon ang mukha ko sa likod niya
Hmm. Bakit umiba yata ang amoy ni Keann ngayon. Amoy fresh na fresh at lalaking lalaki, mas lalong bumango si Keann ah
"Hindi ako si Keann" agad akong napabitaw ng yakap sa lalaking niyakap ko na ngayon ay nakaharap na
"Dylan?!" Gulat na tanong ko.
"Anong ginagawa mo dito?!" Takang tanong ko
"Ganyan ka ba mag pasalamat sa taong tumulong sayo?" Hindi naman ako naka sagot aa sinabi niya
"Hay ewan! Tara na nga!" Sabi niya at hinila ako
"ARAY!" Daing ko dahil kumirot ang isang paa ko. Hindi ko masyadong nabalanse ang paa ko kaya napaluhod ako sa sakit
Frustrated naman na ginulo ni Dylan ang buhok niya bago bumuntong hininga at tumalikod sakin at nag squat
"Sakay na" simpleng sabi niya
"Seryoso ka?" Nag aalangang sabi ko
"Ang gwapo hindi pinag hihintay, bilis na!" Wala na akong nagawa at sumakay na sa likod niya
Dinala niya ako sa sasakyan niya at kahit na umalma ako ay wala pa din akong nagawa sa kakulitan niya na ihatid ako pauwi
Andito na kami ngayon sa harap ng bahay ko at nag dadalawang isip ako kung bababa na ba ako o mag tethank you muna
"Oh baba na!" Aroganteng sabi ng pangit na katabi ko
"Tse! Bababa talaga ako!" Sabi ko at binuksan na ang pinto pero pinigilan ako ni Dylan
"May sasabihin ako" mahinang sabi niya
"Ano?" Napatingin ako sakanya at seryosong seryoso talaga siya na naka tingin sakin
"Gwapo ako"
-_-
"Hindi kaya! Ang pangit mo nga eh!" Padabog na binitiwan naman ako ni Dylan
"Ge, alis na!" Sabi niya at hindi na ako tinapunan ng tingin
"Uhm, Dylan?"
"Oh?"
Agad akong lumapit sakanya at hinalikan siya sa pisngi " thank you" sabi ko at dali dali na akong bumaba.
Naka pasok na ako sa bahay at dun ko nalamang na realize kung gaano ka nakakahiya ang ginawa ko.
"Dygelyn!" Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin pagka pasok ko ng kwarto ko
"Im sorry hindi kita na puntahan ayaw kasi akong payagan ni coach umalis eh! Okay ka lang ba?" Tanong ni Keann at sinuri ako
"Oo okay lang ako, saka okay lang naiintindihan ko" sabi ko at ngumiti ng malapad
"Oh god, grabe ang kaba ko kanina ng malaman ko ang nangyari!" Sabi ni Keann at niyakap ulit ako
Feeling ko tuloy biglang nawala lahat ng sakit sa katawan ko ng dahil sa yakap ni Keann
Nang gabing yun ay dun na natulog si Keann sa guest room namin, okay lang naman kay mama kasi close na sila.
Todo alalay naman sakin si Keann habang nasa daan kami papunta sa simbahan para mag simbang gabi
Dear God, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako na nangyari sakin to,dahil mas naging sweet at caring sakin si Keann, ang bait niya po talaga. God pang 4 na po. At sa ika apat na pagkakataon hihilingin ko na sana siya na po talaga.
▨ ▨
~Simbang Gabi~
✘ R E A D ✘
✘ V O T E ✘
✘ C O M M E N T ✘
✘ F O L L O W M E ✘
BINABASA MO ANG
Simbang Gabi ✔
AléatoireSabi nila kapag nakumpleto mo ang sampung simbang gabi ay matutupad ang panalangin mo. Matutupad ngaba ang panalangin ko?