Napanaginipan ko na naman ang anim na aninong nakapalibot saakin. Ang kanilang daing ng sakit habang ako'y nakatayo sa gitna nila at walang nararamdaman. Hindi kaya posibleng mangyari ito ngayong paakyat na ako? Sino ang anim na aninong 'yon? Bakit pakiramdam ko'y nasa paligid lang sila?
A cold splash of water. The chill rolled over my body. I was soaking wet and I almost froze at the sensation.
Binuhusan ako ng malamig na tubig. Nagising ako at halos mapalundag sa sobrang pagkagulat. Buhay pa pala ako!
We were recruited. Maybe we showed a great impression.
We are safe. For now.
"Bumangon ka na diyan! Bawal ang kilos pagong dito!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa aking harapan. Marahil ay siya rin ang bumuhos saakin ng malamig na tubig.
Mabilis kong minulat ang aking mga mata at agad na hinanap ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Hindi naman ako nabigo dahil bumungad sa mga mata ko ang nakangising balbas saradong lalaki na nakapameywang pa ang kanang kamay habang hawak ng kaliwa nito ang timbang pinaglagyan ng tubig.
Hindi ko na pinatulan ang kayabangan nito at agad na inilibot ang aking paningin. Nasaan si Pea? Oh shit!
Marahil ay nabasa ng lalaki ang naging reaksyon ko nang mataranta ako at hindi mahanap ang babae kaya nagboluntaryo na itong sabihin kung nasaan ang kaibigan ko. May silbi din ang kadaldalan nito kahit papano. "Yo'ng maarte mong kaibigan? Nasa bulwagan. Gumagawa ng eskandalo," walang interes sa boses nito at tipong normal nang may mga katulad naming baguhang nagwawala sa bulwagan nila.
"N-nasaan ang bulwagan?" mabilis kong tanong sa lalaking paalis na sa madilim na silid kung saan ako nakatulog. Napabalikwas na rin ako at halos hindi inindang basa ang aking kasuotan. Pupuntahan ko si Pea.
"Huwag ka nang dumamay pa sa gulo. Saglit lang at babalik din 'yon. Ewan ko lang kung uulit pa sa gagawin nila sa kaibigan mo," anito habang naglalakad palayo ng silid, "bilisan mo na diyan at marami ka pang gagawin. Hindi ka prinsesa dito kaya huwag kang mag-inarte."
Huwag ka nang dumamay pa sa gulo. Saglit lang at babalik din 'yon. ewan ko lang kung uulit pa sa gagawin nila sa kaibigan mo.... Naulit-ulit pa ang mga salitang binitiwan ng lalaki. May pakahulugan ang mga iyon at alam ko kung ano ang tinutukoy ng mga ito. Halos magpanting ang mga tainga ko sa narinig. Mabilis akong tumakbo palabas ng silid at sinundan ng palabas nang lalaki. Nasa panganib si Pea!
Mabilis ang naging tugon ng aking katawan. Tila mga lubid na may sariling buhay na gumapang ang aking detecting chains. Kumalat ang mga ito sa buong paligid na parang geo scanner at mabilis na hinagilap ang pamilyar na heartbeat ni Pea. Kabisado ko na ang heartbet niya.
Pagkatapos...
PEA! Halos mawasak ang utak ko dahil sa lakas ng rehistro ng heartbeat ng babae -malakas, mabilis at halatang takot. Nasa panganib si Pea. Halatang nakikipaglaban ito at pinahihirapan ng kalaban.
Tumakbo ako at nilagpasan ang lalaking nakahawak parin ng timba. Narinig ko pang tinawag ako nito ng 'hoy' na may kasamang magkakambal na mura. Hindi ko na ito pinansin. Mula sa pasilyong palabas ng kwartong pinanggalingan ko lumiko ako at mabilis na bumaba sa isa pang baitang ng hagdan. Nakalabas na ako ng gusali. Hinabol pa ako ng dalawang kawal pero hindi rin ako inabutan dahil nakabitan ko na sila ng control chain ko ilang segundo lang pagkatapos ko silang lagpasan. Mula sa gusali ay dineretso ko ang isang malaking garden. Nasa kabilang dako ng garden na 'yon ang bulwagan kung saan nakikipagbakbakan si Pea. Malaki ang hardin kaya inabot ako ng ilang minuto bago makarating sa bulwagan.
Nakabukas ang dalawang malalaking pintuan ng isang napakalaking hall kaya mabilis akong nakapasok. Maluwang sa loob ng gusali at tila hindi gwardiado dahil mabilis akong nakapasok at wala akong napansing bantay nito. Medyo madilim ang bungad ng bulwagan, sa dulo nito kung saan tantiya ko'y nandoon si Pea ay maliwanag at halatang may tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/35758287-288-k537681.jpg)
BINABASA MO ANG
Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]
Science FictionA girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destruction. His being is her weakest link. When the nightmare becomes a reality What are her defenses...