25. Transformed

25.2K 1.1K 110
                                    

How could something so impossible become so believable and almost real?

Napaluhod ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Hindi ako maaaring magkamali sa nakita ko sa utak ni Bue. May bahagi no'n na konektado sa mga panaginip ko! Sa anim na aninong pakiramdam ko'y bahagi ng pagkatao ko! Papaanong nagyari ang lahat? Papaanong nabuo ang Delta? Kailangan kong makuha ang libro! Kailangan kong malaman kung sino ang mga aninong iyon! 'Yon ang susi, ang tanging susi sa lahat ng kaguluhang iyo.

"Alison! Huwag kang magpapadala sa kanila! Nililinlang ka ni Bue!" sambit ni Sheryl habang hinahabol ang paghinga at parang sinasakal.

Narinig ko si Sheryl pero parang nakasabit parin ang mga paa ko sa pagkakalugmot sa mga eksenang pinakita ng lalaki. Nilalamon na ako ng mga tanong sa utak ko. Sumisiksik na ang lahat ng pangamba at pagdududa sa puso ko dahilan para hindi ako makagalaw.

"Ali! Alora is creating an illusion on Bue's head! Huwag kang magpapadala! Huwag kang mahuhulog sa bitag nila!" malakas ang boses ni Reid sa aking likuran. Tila ito rin ay nasasakal parin ng isang matigas na bagay at hindi makagalaw. "Fight that illusion or we'll all be dead Alison!"

Sumunod na narinig ko ang malakas na pagtawa ni Bue. Natigil lang 'yon nang muli kong higpitan ang pagkakatali ng kadena sa puso niya pero nagawa parin niyang magsalita. "Anong dahilan para gumawa ako ng ganyang eksena sa utak ko Alison? Alam kong papatayin mo parin ako kahit na katotohanan o kasinungalingan ang ipakita ko! 'Yan ang totoo! Yan ang nakita ko noong panahong pinaniwala ako ng pamahalaan ng Alpha na kasapi nila ako. Pero ang totoo, alam nilang darating ang pagkakataon ito, alam nilang makikita mo ang lahat ng nakita ko dahil sa kakayahan mo at gagawa ka ng paraan para mahanap ang mga napunit na pahina sa libro ni amang Lucas! Hindi m-"

"Shut the fuck up Bue!" nanginginig kong usal. Halos marinig ko ang paggalaw ng mga kadena ko sa paligid nang sabay-sabay ko silang hilain. Nalilito na ako at hindi ko kailangan ang madaming satsat ni Bue. Natatakot akong baka nga totoo ang sinasabi ng lalaki at kakailanganin ko siya para sa mga susunod na araw pero natatakot din akong baka pakana lang niya ang lahat para maisahan ako. Baka ikapahamak pa ito nina Sheryl.

"Kill me or you'll lose all the clues Alison. The people who sent you here, they are testing your judgement, whether you will believe me or kill me if you don't. They were confident that you won't believe me kaya tayo pinagharap. They are preparing you and the rest of us into something!" Huminga pa ito ng malalim saka nagpatuloy. "Dahil nga, papatayin mo 'rin ako, mas mabuti pang malaman mo ang sikreto ng buong Alpha! Sa ganitong paraan, sa paghihiganti mo, parang nakaganti na rin ako sa kanila!"

"Alison!" halos magkasabay na sigaw nina Sheryl at Reid.

Parang nangungumbinsi ang boses ni Bue. Lumuwag ang pagkakapulupot ng mga kadena ko sa kanya at sa mga kasama nito. Nang tapunan ko ng tingin ang dati kong kakampi, napansin ko ang pagkislap ng hawak nitong patalim sa kanyang likod kasunod ng ngising traydor niya. Naloko na!

"Ang kahinaan mo ang papatay sa'yo Alison!" sigaw nito sabay tumalon ng mataas dahilan para makawala ito sa gapos ko.

Gagawin uli niya ang pag-atake na ginawa niya kanina. Ihahampas niya pabalik ang enerhiya mula sa hawak niyang patalim at tatakbo ito sa aking mga kadena patungo sa utak at puso ko. Alam na alam na niya ang kahinaan ko. Kung paano lalabanan ang aking kakayahan. Napansin ko rin ang pagdilim ng paligid na marahil ay ginawa ni Alora. Nakawala ang mga ito. Nang halughugin sila ng mga nagkalat kong chains ay wala na akong mahagilap. Naharangan na ako ng kakayahan ng force field wielder.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon