Watch the video/teaser on the media link.
*******
Bilisan mo Alison! Take all the energy and escape! Sigaw ng isang boses babae sa aking panaginip. Dinalaw na naman ako ng bangungot na hindi na ako tinantanan simula pagkabata. Malapit na naman akong managutan ng hininga. Kailangan ko nang makatakas sa panaginip na ito! Bagay na halos sanay ko nang gawin.
Malakas ang sipol ng hangin sa labas ng silid kung saan ako nagkaroon ng ulirat. Humahalik ang malamig at basang sahig sa aking pisngi at nalanghap ko ang amoy ng bakal at goma.
Nasaan ako? Anong nangyari sa mga kasama ko? Totoo bang si Levi ang nakita ko bago ako nawalan ng malay? Magkakarugtong at halos nagbuhol-buhol ang mga tanong sa utak ko.
Hindi ako kaagad bumangon. Tiniis ko ang masangsang na amoy ng silid. Kailangan kong makita kung ano ang nasa paligid bago ako kumilos. Hindi ako nagsayang ng segundo. Mabilis kong ikinalat ang aking mga chains palibot sa lugar na kinalalagyan ko. Laking gulat ko nang hindi magawang lumusot ng mga kadena ko sa mga rehas na nakapalibot saakin. Shit! Nakakulong ako!
Paulit-ulit kong ipinilig ang aking ulo. Namamalik mata lang ako. Kung totoo mang si Levi ang nakita ko kanina, hindi siya papayag na ikulong ako sa mga rehas na 'to. Hindi ako hahayaang maghirap ng lalaki. I don't have to doubt Levi. Pero parang hindi sumasang-ayon ang isang bahagi ng utak ko. Nalilito ako. Gusto kong sundin ang nilalaman ng puso ko pero mas nangingibabaw ang pagdududa ng isip ko. I no longer know what to think or what to feel.
Napagtanto ko ngang nasa kaharian ako ng Bartsville nang matanaw ko ang mga uniporme ng armadong lalaki na nasa labas ng piitan. Pinilit kong kumbinsihin ang sarili ko na may dahilan siya kung bakit niya hahayaang malagay ko sa ganitong sitwasyon. Pero parang hinihila ng utak ko pailalim ang paniniwalang siya parin ang lalaking minahal ko at hinintay. Na handa akong ipaglaban at alagaan sa oras na kailanganin ko.
Levi... mahinang tawag ko habang nililibot ang apat na sulok ng kulungan.
"Miss!" tawag saakin ng isang armadong lalaki. Nakaitim na uniporme itong pinapalibutan ng baluting gawa sa bakal. May dalawa pa itong kasama na unipormado din. Sa suot nila'y mukhang hindi lang sila pangkaraniwang kawal.
Sa itsura ng mga ito'y naglalaro sa tatlumpo pataas ang kanilang edad. Pinagmasdan ako ng lalaking may pilat sa kaliwang pisngi mula ulo hanggang paa. Tila kinakalkulo nito ang sukat ko at kung gaano kalakas ang hampas at tadyak na maaari kong pakawalan sa oras na makatiempo ako.
Nagpigil ako at huminga ng malalim. Kailangan kong kontrolin ang emosyon ko dahil nasa teritoryo ako ng kalaban. Hangga't wala ako sa bingit ng kamatayan, hinding-hindi ako gagawa ng bagay na maaaring ikapahamak ko at ng iba ko pang mga kasama. Kailangang malaman ko ang binabalak ni Levi at ang lahat ng dahilan nito kung bakit hinayaan niyang humantong kami sa teritoryo ng Bartsville. Kailangang makuha ko ang lahat ng kasagutan bago ako magdesisyong manlaban at tumakas.
Lumapit saakin ang kawal na kanina pa ako tinititigan. Hindi ako gumalaw at parang hindi naman siya natakot na lapitan ako. Hinubad nito ang suot na makapal na gwantes sa kanang kamay. Napansin ko ang biglang pagliwanag ng mga iyon nang ilahad niya ito saakin para hawakan ako sa braso.
Wala akong ginawa. Hindi ako tumutol sa kagustuhan niya. Hindi pa ito ang tamang panahon para magmatapang. Courage is doing the right thing at the right time no matter how difficult, no matter how uncomfortable, no matter how painful. 'Yan ang naalala kong sinabi noon ni Levi noong nasa Lotus Island pa kami. Hindi ko iyon nakalimutan. Hanggang ngayon, dala-dala ko lahat ng pangaral niya... lahat ng alaala namin. Siya kaya? Naalala parin niya ang mga pangako niyang poprotektahan ako sa oras na nasa panganib ako?
BINABASA MO ANG
Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]
Science FictionA girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destruction. His being is her weakest link. When the nightmare becomes a reality What are her defenses...