He walked closely to me but I can feel the tension almost rising to the zenith. He's angry. I can feel it. Kilala ko na siya. Nag-iba kami ng ruta pero ang direksyong iyon ay patungo pa rin sa Claremur. Gulong-gulo pa rin ang isip ko sa mga sinabi nito. I will die pushing the plan on that journal. Mahirap ding isipin na kasama ang mga channels sa kamatayang kinakaharap ko. That made me feel guilty. If I don't do it, the people I love will die.
Ilang metro ang nalakad ko sa gitna ng walang katapusang kakahuyan bago ako nakapagsalita. "If it kills me, I'd still do it."
"I won't let you do it!" Giit nito. Napalakas na ang boses niya at halatang nagsisimula na itong magalit sa pamimilit ko.
"I have the answers to everything Levi," tumigil ako at muli siyang hinarap. His raven eyes melting me. "It is the only way I could destroy Delta. This is what you father has been fighting for!"
"Yes he did! But it is not what I want! Everything has changed. I don't want you dead!" He hissed and continued walking expecting me to trail his footsteps. Tumigil ito saka tumigil para muli akong harapin. My eyes met his watery eyes. Tinitigan ako nito saka umawang ang nanginginig niyang mga labi. "Can't you see it Ali? The annihilation, you and your channels would kill you! Para saan pa ang lahat ng sakripisyo ko kung mamamatay ka lang? Para saan pa ang pagsuko ko sa gobyerno ng Alpha at pagsama ko dito para protektahan ka kung mauuwi din lahat sa kamatayan mo? Your death means my death. It's doubled. It's twice the agony. Twice the pain! Araw-araw akong mamamatay kapag iisipin kong ang babaeng pinaglaban ko buong buhay ko ay namatay dahil wala akong ginawa para pigilan siya!"
I was speechless hearing him say those words. I know how much I mean to him. Pero hindi maaaring balewalain ko ang sakripisyo din ng mga sinaunang alius na nakipaglaban at namatay para sa annihilation. If it kills me, tatanggapin ko kahit masakit. Walang nabuong salita sa bibig ko. Alam ko kasing sa oras na ipagpilitan ko ang gusto ko ay mas lalong sasabog sa galit si Levi.
"You would kill all the non-alius in this island Ali." He revealed. "Lahat ng mga ineksperimentong non-alius na nasa islang ito, mawawala sa oras na magsanib pwersa kayo ng mga channels mo. You and your channels are genetically programmed to destroy them and this whole land. I have read that journal, page by page including the torn pages."
"Bakit mo sinasabi 'to Levi?" Naguguluhan kong tanong habang nakatingin sa lalaki. Wala ni isa saamin ang nagpatuloy sa paglalakad.
Sinakop ng mga huni ng kulisap ang katahimikang namagitan saamin. Levi pulled his guts together silently. He gasped for a mouthful of air and blew it away to get rid of the lump on his throat. Maluha-luha pa rin ang mga mata ng lalaki. "I don't know why are you so stubborn. Hindi ko rin alam kung bakit napakadali sa'yong sabihin na tatanggapin mo ang kamatayan mo. It's killing me! Ano bang gusto mong sabihin ko para huwag mo nang ituloy 'yan?"
Umiling ako. Even I isn't sure what's the right thing to think anymore. Sobrang hirap. Gusto kong mabuhay dahil marami pa akong gustong gawin sa buhay pero kalahati ng puso ko'y gustong ipagpatuloy ang nasimulan ni amang Lucas. Ayokong sayangin ang lahat ng buhay na naisakripisyo para sa planong ilang dekada nang nabigo. "I don't know Levi, hindi ko na alam kung ano ang una kong iisipin."
"Would you rather have me tell you what's on that journal or hahayaan kong magsayang ka ng oras na basahin 'yan and in the end masaktan ka lang sa malalaman mo?"
Napabuntong hininga ako ng malalim. Pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng katinuan kapag nagpatuloy pa akong basahin ang mga pahina no'n.
"Take that journal out and let me show you something," kalmadong utos ng lalaki. Ramdam ko ang buong-buong kalungkutan ng lalaki.
Inilabas ko ang talaarawan ni amang Lucas. Nanginginig ang kamay kong iniabot 'yon kay Levi. Binuklat nito ng mabilisan ang journal hanggang sa matagpuan niya ang bahaging may punit. Isiningit nito ang hinlalaki sa bahaging 'yon saka muling nagbuklat hanggang sa makita niya ang mga nakatuping pahina sa likuran. He opened the torn pages.
Lumapit ito sa harapan ko para mapagmasdan ko ng maigi ang ginagawa nito. Isa-isa niyang itinapat ang mga napunit na pahina. Nanlaki ang mga mata ko nang tila gumapang ang mga hibla ng kuryente sa napunit na bahagi at kusang bumalik sa dating anyo ang journal. Gumapang ang mga kuryente sa buong journal. Nang muling buklatin ni Levi ang napunit na bahagi ay tumambad saakin ang listahan ng mga real alius. Talaan 'yon ni amang Lucas na mukhang itinago niya upang hindi matunton ng Alpha ang mga tunay na alius. Nakita ko isa-isa ang mga pangalan nina Allen, Sheryl, ang mga bata at iba pa. Ang ilan doon ay hindi ko pa nakakaenkwentro at marahil ay patay na. Atleast I got to save them, bulong ko.
I noticed one revelation from the list. Someone's missing. It bothered me.
"Bukod sa mga channels mo na sinadyang huwag itala diyan sa journal na 'yan upang hindi sila matunton ng mga kalaban, 'wala nang ibang makakaligtas sa annihilation. That means, the rest of the non-alius will die. Including Alec."
Levi's last statement shattered me. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig sa buong katawan. Pakiramdam ko'y hinampas ako ng tone-toneladang bakal. Naramdaman ko nang parang may nawawala sa journal ni amang Lucas. I just needed the confirmation and I was expecting I won't bear it. I was right. Isang non-alius si Alec? Ang hirap paniwalaan! Hindi 'to maaari! Ibig sabihin, kasama siya sa mga mamamatay kapaga nangyari ang annihilation!
Halos mahulog ako sa aking mga paa. Levi was quick to catch me. Nayakap ako nito nang magsimula na akong humagulgol. Hindi ko pwedeng gawin ang annihilation. May mga inosenteng maisasakripisyo kapag nagkataon.
Bumubulong si Levi habang nakayakap saakin at nakahalik sa aking bumbunan. "I'm sorry Allison. I didn't want you to discover this but I have no choice to stop you. If Alec is one strong reason for you to want to live, tatanggapin ko huwag ka lang mawala"
Ano nang gagawin ko? Ipagpapatuloy ko pa ba ang nasimulan ni amang Lucas? Humagulgol ako. Hindi ko napigilan. Halos isumpa ko na ang dugo ko dahil sa kapalarang mayroon ako. Ilang minuto ang tinagal no'n. Walang nagawa si Levi kundi yakapin ako habang binubuksan niya ang portal paalis sa lugar na 'yon.
I was crying intensely na halos isiksik ko na ang mukha ko sa dibdib ni Levi.
Hanggang sa maramdaman kong dinala kami ng portal nito sa isang pamilyar na lugar -ang Claremur.
Nasa ganoon kaming posisyon nang tinawag ako mula sa likuran ng isang boses na ilang araw ko ring hinahanap-hanap.
"Allison..." It was Alec. The reason why I want to live.
###
BINABASA MO ANG
Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]
Ciencia FicciónA girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destruction. His being is her weakest link. When the nightmare becomes a reality What are her defenses...