The nightmare visited me again. Parehong detalye, lugar, at eksena. Wala paring mukha ang anim na taong nakapaligid saakin -dumadaing sa sakin habang ako di'y namimilipit sa kirot. Ilang ulit na ang panaginip na ito saakin pero ganoon parin ang takot na nararamdaman ko. I needed to escape just like what I usually do when the nighmare is almost killing me. Choking me to death.
I gasped for an enormous air. Parang sa ilang sandali ay mauubusan ako ng hangin. Nakaramdam ako ng kirot sa kaliwa kong braso bukod sa mga mumunting kirot sa buo kong katawan. Kung ikukumpara'y mas matindi na ang sakit sa braso ko. Ilang oras ba ako nakatulog? O ilang araw? Bakit parang may matigas na bagay na nakabaon sa kaliwang pulso ko?
Sinubukan kong bumangon at nagawa ko yun ng di na nahihirapan. The pain was tolerable. Wala na ako sa higaang matigas na bakal at hindi na ako nakagapos. Nasa isang malambot na akong kutson at hindi na gaanong madilim ang paligid. Wala na rin ang benda sa aking ulo kaya naimumulat ko na ang aking mga mata. Nasa loob ako ng isang kulungan. Isang maayos na kulungang may maliit na bintana sampung talampakan ang taas kung saan sumisilip ang sinag ng araw, may maliit ding lamesa katapat ng hinihigaan kong kama kung saan nakalagay ang isang puting papel. Naintriga ako sa papel na yun kaya sinikap kong tumayo para abutin ito. Tatlong hakbang ang layo nito mula sa kinahihigaan ko. Bahagya pang sumakit ang ulo ako nang makaisang hakbang na ako.
Hindi ako nahirapang maglakad. Mukhang bumabalik na sa dati ang aking lakas. Nakatatlong hakbang ako nang naramdaman ko na naman ang sakit sa aking tagiliran at mga binti kasama na ang kaliwa kong pulso. Para akong sinasaksak ng mga kutsilyo ng paulit-ulit. Ininda ko iyon. Hindi kailangang maging mahina sa mga panahong gaya nito.
Naabot ko ang papel. Sumandal ako sa pader at naupo sa tabi ng maliit na mesa. I had blurred visions but I tried to read them without any blink.
Binasa ko ang nilalaman ng sulat:
Ali,
Try to protect your left wrist as much as you could because that holds your life now. We have infused the nostrum collector and that's the only key to survival when you reached Delta.
Your only way to survive is to kill and avoid getting killed.
As the government aims to keep the lowlands safe and peaceful, they shall deport you to the floating city of Delta where you will be held prison for the rest of your life.
P.S, get back if you can and rebuild the future.
Good luck!
-Gen. Carlisle Gramaj
Idedeport nga ako sa Delta; at ang matigas na bagay sa aking pulso ay ang nostrum collector o ang elixir storage. P-pero para saan ang infused device na 'to at bakit ito tinawag na only key to survival? Why is he telling me to get back and build the future? Naguluhan ako. Alam ko na na ipapadala ako sa floating island of death noong oras palang na nasa Lotus Island ako at kaharap ang mga kawal ng Alpha. Pero bakit kailangan nila akong lagyan ng nostrum collector gayong mamamatay din naman ako sa siyudad ng Delta? Anong gamit nito para mailigtas ang buhay ko sa napakadelikadong lugar na 'yon?
Gumapang ako pabalik sa kama. Kumikirot na naman ang mga sugat ko sa katawan ay kailangan kong humiga dahil bahagya akong nahilo. Ibinagsak ko ang nanlalambot kong katawan sa kama at isinubsob ko ang aking mukha sa malambot na unan. Ilang taon ding hindi ko naranasang humiga sa malambot na kutson. Kahit papano'y may konsensya rin ang gobyerno ng Alpha at pinapadanas nila ang ilang oras na komportableng pagtulog bago ako ipatapon sa isla ng kamatayan. One insulting treat to a dying girl.
Sinubsob ko uli ang aking mukha sa kama. Naramdaman ng kanan kong pisngi ang isang matigas na bagay sa ilalim ng aking unan. Kinapa ko 'yon. Nahawakan ko ang librong nakuha ko sa mga gamit ni amang Lucas. Napaisip ako ng ilang segundo bago napagpasyahang buklatin 'yon at basahin. It's a diary with 'Alison Irina' mark on it. There, I found out how Lucas found me and trained me. Nakakailang pahina na ako nang mapansin kong may tatlong pahina ang napigtas mula sa libro. Nagtaka ako. Napabalikwas ako ng bangon at itinapat ang napunit na pahina sa sinag ng araw. Bakas dun ang kakapunit lang na tatlong pahina. Pagkatapos no'n ay pawang mga letra at numerong hindi ko na mabasa ang nakasulat. Mga simbilo na wala akong idea kung ano ang ibig sabihin. Naisip kong marahil ay ang mga dumakip saakin ang kumuha ng mga nawawalang pahina at tila isang mahalagang impormasyon ang nakasulat doon. Shit! Anong nilalaman ng mga pahinang 'yon at ng mga simbolung ito? Bakit kailangang pigtasin nila? Is it something I needed to know or something that must be kept hidden from me for the rest of my life?
![](https://img.wattpad.com/cover/35758287-288-k537681.jpg)
BINABASA MO ANG
Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]
Ciencia FicciónA girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destruction. His being is her weakest link. When the nightmare becomes a reality What are her defenses...