5. Captives

39.2K 1.6K 101
                                    

I received punches from left to right. They strangled me, pulled my hair that almost scalped my head. Wala akong nagawa kundi sumigaw at pumalag. Nakailang sampal at suntok ang natamo ko bago ako dinala sa isang sealed and highly guarded function hall. Halos ibalibag ako ng tatlong armadong lalaking nasa higit da anim na talampakan ang taas at may maskuladong pangangatawan. Naunang bumagsak ang kanang balikat ko at naramdaman ko ang kirot na umabot hanggang sa buto. Kailan ba titigil sa pagtanggap ng sugat at sakit ang katawan ko? Halos hindi ako makahingang napasandal sa dingding.

Napansin kong may iba pang bihag ang nandoon na halos lahat ay nakatingin na saakin dahil sa eksenang ginawa ko kanina. I started to fear the environment lalo na't mga mukhang hindi gagawa ng mabuti ang mga ito.

"Aray!" Kusang lumabas sa aking bibig ang daing ng kirot na naipon kanina pa. Hinahabol ko ang paghinga ko nang magsimulang pagpawisan ang buo kong katawan. Malamig na pawis.

I was in deep pain nang lapitan ako ng isang babaeng halos kaedad ko lang. Nasa limang talampakan apat na pulgada ang taas nito at itsurang anak mayaman ito dahil sa makinis nitong kutis at sa pabangong suot nito. She has long wavy mahogany hair with a pair of dark brown eyes underneath her bangs. She's like my younger sister kung nagkataong may kapatid ako.

Her tiny innocent lips smiled at umabot 'yon hanggang sa mga mata niya. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.

"My body is aching, e-evrywhere." Nanghihina kong sabi. I was shaking in pain and hunger.

Bigla itong naglabas ng isang bote ng tubig mula sa body bag nitong halatang puno ng laman. "Drink." Matipid nitong sabi kasabay ng paglahad ngs isang pulang round capsule ng kaliwa niyang palad. Saka siya bumulong. "Pakibilisan kasi bawal dalhin 'tong gamot na 'to sa Delta. That's the xalium, isang regenerative medicine na secret product ng pharmaceutical company ng papa ko. That is intended to bring instant tissue repair to the badly injured. Safe yan sa tiyan kahit di ka pa kumakain."

Mukhang mapagkakatiwalaan naman ang babae kaya agad kong kinuha ang kapsula at nilagok ang tubig.

"In a minute ay maghihilom na 'yang sugat mo." Palingon-lingon pa ito sa mga nakamasid at mukhang sinisigsurado kung may nakakita sa pag-abot niya ng xalium. "Would you like some help with the pain? Wala akong dalang pain killer. Hindi uso saakin."

Hindi ako agad nakasagot. Nalito pa ako sa gusto nitong sabihin. "What do you 'mean help with the pain'?"

Then without hesitation and without waiting for a 'yes' from me, she pointed her index finger to my forehead. I felt her finger tounched my aching forehead and that was the last sensation I felt. Namanhid ang buo kong katawan. Nawala ang kirot na kanina ko pa nilalabanan at para akong nakalutang.

Hindi ako nakapagsalita agad. This girl is an alius!

"I am." Kumpirmasyon nito nang mabasa ang ekspresyon sa aking mukha. "Mahabang kwento. Don't worry, you'll feel nothing until gumana na ang xalium in the next two hours. I deactivated your nerve endings and all nerves attached to your injured tissues para wala kang maramdaman. Since halos buong katawan mo ay damaged, it seems like your whole body will feel numb. Enjoy mo na lang yang floating sensation while it lasts." Sinundan niya 'yon ng genuine smile.

Nakasandal parin ako sa metallic wall ng silid na 'yon kung saan nakamasid ang iba pang mga bihag na hindi ngayon ko lang nakita. Sinubukan kong magsalita para magpasalamat. "Allison. It's Allison but they call me Ali. Thank you."

"No problem Ali. I'm Pea, short and sweeter term for Peatrice." Inilahad nito ang kamay at inabot ko 'yon pero wala akong maramdaman. I just saw that we shake hands at naramdaman kong magkakasundo kami ni Pea.

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon