31. The Channel

23.4K 1K 67
                                    

Ramdam ko ang lakas ng presensya ng enerhiya mula sa katawan ng taong 'yon. Parang tantiya din niya ang lakas na nananalaytay sa mga ugat ko. May kung anong koneksyon ang nagdurugtong saamin. Panganib ang ibinubulong ng utak ko pero bulong ng puso ko'y may mas malalim na pakahulugan ang damdaming nanalaytay ngayon saakin. Lalapitan ko ba siya o lalayuan? Panganib ba ang dulot niya o maaaring kasagutan sa lahat ng katanungang sumisiksik sa isipan ko?

Nagdesisyon kaming sumaglit sa isang liblib na kweba na nasa bandang kanluran ng Waguner. Ilang kilometro na lang ay nasa kabilang kaharian na kami. Nagkumpulan sina Reid, Souk at Pea sa isang sulok habang nasa tabi ko si Sheryl na kasalukuyang gumagawa ng ilusyon para maitago kami sa mga pinaghihinalaang kalaban. Nasa magkabilang gilid ng bungad ng kweba sina Alec at Levi na pawang walang balak mag-usap. Nagpapakiramdaman. Nagtatantiyahan.

"Keep your chains Alison. You can't use it for now since may alius na kayang i-trace ang mga kadena mo sa katawan," Levi warned without looking at me but with his tone, I knew it's a hard warning.

Nilingon naman ako ni Alec. His eyes were weary showing all his strength had worn out. Tumango ito na tila sumasang-ayon sa sinabi ni Levi. Sa puntong iyon ay bigla akong kinutuban. Mukhang may nararamdaman si Alec na ayaw niyang ipahalata.

Nang tangkain kong lapitan si Alec ay nagtama ang paningin namin ni Levi. Tila napansin nito ang bigla kong pagkabahala para kay Alec. Nagtiim ang mga bagang nito at napansin ko ang pagkuyom ng mga palad. Tumigil sa paghakbang ang aking mga paa. It's as if two magnets keep pulling me and pushing me away at the same time. Any attempt to go near on either of the opposing poles could kill one or the other.

Ang hirap maipit sa sitwasyong hindi mo alam kung sino ang pipiliin. Kung sino ang mas makabubuti sa'yo. Kung sino ang kailangan mo at sino ang makakapagpasaya sa'yo.

"Alison, t-they found us!" biglang usal ni Sheryl habang abala sa kanyang visual projection. Nanginig ang mga bisig nito.

Naalerto ang mga nakaupong sina Pea, Reid at Souk. Mabilis kong inihanda ang connecting chains sa bungad ng kweba. Sa oras na may sumugod ay aatakihin ko ang kung sinumang magtangkang manakit saamin. Mabilis ding nag-iba ng anyo si Souk na handa nang sanggain ang kahit ano mang atake mula sa labas. Inilabas ni Pea ang mga matutulis nitong karayom mula sa kanyang body bag. Tumango pa ito nang lingunin ko. Reid was ready to take the kill as well. His hands were on a fighting position and almost willing to transform any object into explosives.

Sumenyas si Levi na huwag gumalaw. Nakaharang ang kaliwang bisig nito sa daraanan namin. His gaze was serious enough for us to obey. Nang masiguro nitong tumigil na kami sa paghakbang ay inilapat nito ang hintuturo sa kanyang bibig para senyasan kaming huwag gumawa ng anumang ingay.

Tanging kabog ng dibdib ko ang narinig. Pinagpawisan ako at halos pigil ang bawat paghinga. Tumagal iyon ng segundo bago bumulusok ang isang malakas na pagsabog sa bungad ng kweba. Malakas. Hindi kaagad nabasag ang visual projection na ginawa ni Sheryl. Nakatatlong sabog pa sa harang ang nasa labas ng kweba bago tuluyang bumigay ang kakayahan ng babae.

"Alison, masyadong malakas ang ginamit nilang enerhiya. Alam nilang may tao sa kweba! Teritoryo nila 'to!" sigaw ni Sheryl na tinangkang gumawa uli ng visual projection.

Bago pa man iyon mabuo ng dalaga ay mabilis nang kumilos si Reid paharap. Iniikot-ikot nito ang dalawang palad. Gumalaw paikot ang mga usok na dulot ng pagsabog kanina. "Guys! Sa likod ni Souk!" sigaw nito.

Mabilis kaming nagtago sa likuran ng higanteng si Souk. Nasa harap nito ang abalang si Reid na handa nang pakawalan ang mga nabuong bomba gamit ang kanyang kakayahan. Wala pang isang minuto nang sumunod ang malakas na pagsabog sa labas ng kweba. Tatlong sunod-sunod na eksplosyon ang narinig na halos ikayanig ng lupa.

Nabalot ng usok ang bungad ng kweba at wala na kaming maaninag sa labasan. May mga nahulog pang tipak ng bato sa paligid pero nagawa iyong itaboy ni Souk. Ang akala nami'y naitaboy na namin ang kalaban pero laking gulat ko nang tila isang makina ang mabilis na humigop sa lahat ng usok na nakabalot sa paligid. May komontrol sa mga usok na naroon!

Mabilis kong pinagapang palabas ang aking mga connecting chains. Ilang metro na lang ang distansya ng mga kadena ko nang pinigilan ako ni Levi. Umiling-iling ito na tila isang kapahamakan ang dulot ng paggamit ko ng aking kalayahan.

"Doesn't mean you could, you should. Take controll Ali." Anito.

My chains voluntarily pushed back through my veins. Napasinghap ako at hinintay ang susunod na sasabihin ni Levi pero naunahan iyon ng malakas na tawa ng isang lalaki. Napakapit sa bisig ko soli Sheryl. Takot parin ang dalaga sa mga ganoong boses at ganoong halakhak ng lalaki dulot ng malupit na dinanas nito kay Dark Rose.

"Lumabas na kayo diyan!" isang manipis na boses lalaki ang nagsalita. Siya ang kanina'y tumatawa ng malutong. "Lalabas ba kayo o tatabunan na lang namin kayo ng mga bato?"

Nagkatinginan kami nina Alec at Levi. Reid wanted to fight back. Nakuyom nito ang mga palad sa sobrang gigil.

"Alison, b-baka alam nilang nandito ang core. We have to hide you! They will kill you!" nag-aalalang pahayag ni Pea. Naramdaman ko ang sinseridad sa boses nito. Kahit na minsa'y nagtaksil ito saakin ay hindi ko parin maiwasang maramdamang pinapahalagahan parin ako nito bilang isang kaibigan.

"Alison stays with us!" matigas na untag ni Alec. Napahawak ito sa kamay ko dahilan para mapatingin si Levi. Kaagad ding umiwas ng tingin ang huli at itinuon ang pansin sa kalaban.

Binawi ko ang kamay ko kay Alec. May kakaiba akong nararamdaman sa boses na 'yon. Parang gusto siyang kilalanin ng pagkatao ko. Parang hindi siya isang panganib. Humakbang ako paharap. Tinangka pa akong pigilan muli ni Levi pero mabilis akong nagpumiglas. "I need to do this!" sambit ko habang pinapalabas ang mga nanggigigil na kadena sa aking katawan.

Mabilis na gumapang ang mga kadena palabas. Biochemical colorings appeared yellow with reds as their nervous system. Tatlong alius na pawang malalakas ang kapangyarihan at isang... Oh no what is this? Natigilan sa paggapang ang chains ko palapit sa isang alius na may puting pigmentation. Siya kanina ang bumulong sa utak ko habang nakadikit sa kanya ang connecting chains ko! Unang beses sa buong buhay kong makakita ako ng biochemical coloring na kulay puti. Sino ang nilalang na 'to?

Iniwas ko ang mga kadena ko sa kanya pero isang malakas na pwersa ang humila sa mga ito papasok sa kanyang sistema. Hindi ako nakapagpumiglas. Malakas ang tila isang chemical magnet na bumabalot sa katawan ng alius na may white pigmentation! Nagitla ako at halos manginig sa maramdaman. Nanlamig ang buo kong katawan at tila naging isang manipis na tela ang bawat kalamnan ko.

That guy just did something weird to my system. Parang kaya niyang manipulahin ang bawat kadenang nakakabit sa katawan ko! It scared me knowing that someone can controll the power I have. Sino siya? Is he my kind? Do we have the same ability?

Narinig nito marahil ang mga tinatanong ng utak ko. Tumawa ito at saka nagsalita gamit ang kanyang isipan, "Hello there sixth generation of core! I have been waiting for you! We have been waiting for you. The six of us have been waiting for you."

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Bigla akong naguluhan sa mga binanggit nito. Sinong six ang naghihintay saakin at bakit nila ako hinihintay? Kailangan ko bang pagkatiwalaan ang mga sinasabi nito?was he trying to deceive me or was he telling the truth?

"I am not an enemy Alison. A channel is never a foe to the core," muli nitong bulong sa utak ko. "Now come out of the cave and let's find the others."

Nagdalawang isip ako sa alok nito. Parang lahat ng salitang sinabi nito ay isang malaking alimpuyo na hinihila ako palapit. Natakot ako para sa sarili ko dahil gusto kong lumabas at sumunod sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang ibig niyang ipahiwatig nang sabihin niyang naghihintay siya at ang anim na channels na kagaya niya.

###

Deathbound [Published Under Cloak Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon