Claye's POV
Nagising ulit ako na nasa kwarto ko si Tyler.
Tyler: Kain tayo?
This time, dala na niya yung pagkain niya sa kwarto.
Claye: Naalala ko kung bakit kita minahal.
Pagmamatigas na sabi ko. Masama ang gising ko eh. Napanaginipan ko ulit yung break up namin. Claye! Pwede bang mag move on ka diba?!
Claye: Then I realized kung bakit ko mahal ko si Sean. Mahal ko siya dahil ginagawa niya yung mga bagay na hindi mo nagawa sakin dati. At alam na alam ko ang isang bagay na hinding hindi niya gagawin, yun ay yung iwan ako.
Hindi ako nakapagpigil at nasumbatan ko siya sa unang pagkakataon pagkatapos ng break up namin. Pero nang ma realized ko ang mga sinabi ko nag sorry naman ako.
Claye: I'm sorry Tyler. Masama lang yung gising ko.
Tyler: Okay lang yun.
Pero naramdaman kong humigpit yung hawak niya sa kubyertos niya.
Tyler: Kumain ka na.
Nagulat na lang ako nang ngumiti siya. Tahimik lang siya habang kumakain. Nakaka-guilty tuloy.
Claye: Pasensya ka na talaga sa mga nasabi ko.
Tyler: Okay lang yun. Normal lang na maramdaman mo yun.
At umalis na siya. I realized, hindi normal ang reaction ko na yun sa taong naka move on na. Hindi ako nakatiis at lumabas ako ng kwarto. Bumaba ako sa kitchen at nakitang naghuhugas ng pinggan si Tyler.
Claye: Tyler, ako na diyan.
Tyler: Hindi na... Ako na.
Nakita kong nakataas hanggang elbow yung long sleeves ni Tyler. Na-surprised ako nung nakakita ako ng pasa.
Claye: Anong nangyari diyan sa braso mo?
Bigla naman siyang tumigil sa paghuhugas ng pinggan at ibinaba yung sleeves niya.
Tyler: Ah.. Wala.Nabangga lang. Diba gusto mong maghugas ng pinggan? Sige, ikaw na lang.
And he gave me the work. Aish!!! Hindi talaga gentleman! Umupo siya gilid at tinitingnan lang ako habang naghuhugas ng pinggan. Nakaka-guilty yung mga sinabi ko kanina.
BINABASA MO ANG
100 Days With My Ex (KRISJOY)
ФанфикHe left you with no reason. But what if, one day he came back and begged for you to stay with him for 100 days? Is it a deal or no deal?