Tyler's POV
Nagising ako na wala si Claye sa tabi ko. Walang tao sa kwarto ko maliban sakin. Pinilit kong tumayo para hanapin si Claye. Pero wala siya. Wala man lang siyang note na naiwan kung umalis ba siya o ano.
I tried calling her, pero naiwan pala niya ang phone niya dito sa room ko. Hai.. Ibang klase ka talaga Claye. Pag may nangyaring masama sayo, ewan ko na lang. Sisisihin ko talaga sarili ko.
Bigla ko na lang naramdaman na may yumakap sakin mula sa likod. I know it's not Claye.
Tyler: A-ate??
I know it's my Ate Ellaine. I can feel her crying. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.
Tyler: Ate...
Pinipigilan niya na marinig ko ang mga hikbi niya. But I can hear her sniffing. I can't even face her. Nakaramdam tuloy ako ng pagkalungkot.
Sampung taon ang gap namin ni Ate. Kaya hindi kami masyadong nagkasama. Nang makatapos siya ng pag-aaral, agad naman siyang nag abroad. I was so young when I last saw her. Kahit nung nakaraang taon, nung nalaman na may leukemia ako, hindi siya nakauwi. Ngayon lang.
Ellaine: I'm sorry bunso. I'm sorry ngayon lang si Ate.
Malamyang napangiti ako. Namiss ko 'to.
Humiwalay ng yakap sakin si Ate nang bumukas ang pinto. Agad niyang pinunasan ang luha niya. Nakita ko namang papasok si Mama at Claye.Ang dami nilang dalang pagkain.
Tyler's Mom: Tyler! Son! Gising ka na pala. Bakit nakatayo ka na agad? Pwede ba mahiga ka na muna.
Agad ko namang nilapitan si Claye na halatang nabibigatan sa dala niya.
TYler: Let me help you babe.
Nanlaki naman mga mata ni Claye. Hindi kasi siya sanay na nilalambing ko siya sa harap ng family ko. Well, hindi naman kasi ako malambing dati.
Claye: No.. Mahiga ka na nga. Isipin pa ng mama mo pinababayaan kita.
Ellaine: Ang sweet mo ngang girlfriend Claye eh. Talagang inasikaso mo yung pag-uwi namin.
BINABASA MO ANG
100 Days With My Ex (KRISJOY)
FanficHe left you with no reason. But what if, one day he came back and begged for you to stay with him for 100 days? Is it a deal or no deal?