Claye's POV
Claye: Ai baklang butiki!!!
Hindi ko sinasadyang mahulog yung mga gamit ko nang mahuli ako ni Zeke na tumitingin sa kaniya. Glass lang kasi yung wall at door ng office niya kaya kitang kita ko siya. Oo, may sarili siyang office kasi mas mataas yung position niya kesa sakin.
Ang awkward kasi eh! Medyo nabagabag ako sa sinabi niya. Sabihin na nating affected ako. Para kasing totoo eh.
Zeke: Claye...
Claye: H-h-ha???
Nasa harap ko na pala siya. Bakit hindi ko man lang namalayan na lumapit siya?
Zeke: Focus...
Claye: A-ano??
Zeke: Magfocus ka nga!
Sinampal sampal ko ng mahina ang pisngi ko.
Hindi ako 'to! Hindi si Claye 'to! Si Claye, hindi nagpapaapekto yun. Professional yun when it comes to work.
Zeke: What's bothering you?
Claye: H-huh?
Zeke: Tungkol ba yan sa sinabi ko?
Bakit ang seryoso pa rin nito?
Zeke: Joke nga lang yun. At tsaka, hindi ikaw ang tipo ko.
Hindi pa rin siya ngumingiti? Oo, alam kong joke. Pero hindi nakakatawa talaga.
Zeke: Huwag mo na isipin yun. T-tsaka, huwag mo nga akong tingnan kapag nagtatrabaho. Nadi-distract ako.
Claye: S-sorry Zeke....
Nagsimula ulit akong magtrabaho. Nawala na yung sinabi ni Zeke sa isip ko. Nakalimutan ko na sana eh... Kaso nahuli kong nakatingin sakin si Zeke mula sa office niya. Kinabahan tuloy ako. Agad naman niyang iniwas ang tingin niya nang mahuli ko siya.
Professionalism Claye... Pairalin mo ang professionalism... Hindi ko na lang pinansin yun. Joke nga lang yun Claye.
Claye: Done...
BINABASA MO ANG
100 Days With My Ex (KRISJOY)
FanficHe left you with no reason. But what if, one day he came back and begged for you to stay with him for 100 days? Is it a deal or no deal?