Naglalakad kami ni Clara sa corridor ngayon. Lunch break na kasi namin. Papunta na kami sa canteen para kumain.
"Best, malapit na tayong grumaduate ah? San ka magkacollege?" Tanong ni Clara sakin habang nilalaro niya ang kamay ko, magkaholding hands kasi kami.
"Ewan! Malayo pa naman yun diba? Ikaw ba?" Tanong ko naman kay Clara.
"Sa Asian's University daw sabi ni Mommy." Sagot niya.
"Ehh! Ang mahal naman dun!" Reklamo ko. Di naman kasi kaya ng pamilya ko ang mga mamahaling eskwelahan. Mahirap lang kami samantalang sila Clara, mayaman.
"Oo nga eh! Sabi ko naman kay Mommy na dun nalang ako sa mga di masyadong kamahalan. Pero don't worry Best, kung san ka mag-aaral, dun rin naman ako. Pipilitin ko si Mommy na wag tayong paghiwalayin kasi sino nalang magtuturo sayo sa Math diba?" Natatawang sabi niya.
"Ganun na ba talaga ako kabobo, Best?" Nakapout na tanong ko. Ginulo niya ang buhok ko gamit ang kaliwa niyang kamay.
"Haha! Joke lang! Basta, walang makakapaghiwalaya satin! Tara na nga, gutom na ako!" Sabi niya tapos hinila na niya ako patakbo.
Yan si Clara Cruz. Masayahin, mapagmahal, mapag-aruga, hindi ako iniiwan. Lahat na siguro ng mga mabuting katangian, nasa sa kanya na lahat. Napakaswerte ko nga at naging magkaibigan kami.
*Kriiiing! Kriiiiiing!*
Tumunog na ang bell, hudyat yun na uwian na.
"Tara na Best!" Sabi ni Clara na hindi ko namalayan na nakalapit na pala kung san ako nakaupo.
"Teka lang, aayusin ko muna to." Sabi ko habang inaayos ang napakarami kong libro. Pinapasok ko sa bag yun pero parang ayaw magkasya.
"Ako na nga!" pagpipresinta ni Clara at inagaw na niya sakin ang mga libro pati ang bag ko. Aagawin ko pa sana yun sa kanya pero inilayo niya yun sakin pagkatapos ay pinandilatan ako.
"Ayusin mo muna kasi yung mga nasa loob ng bag mo bago mo pinagpapasok tong mga libro mo! Oh! ayan!" Nakangiti niyang abot sa bag ko. Kinuha ko yun at inilagay na sa likod.
"Hehe! Salamat!" Sabi ko.
Pagkatapos na kunin ni Clara ang bag niya sa upuan niya ay naglakad na kami palabas ng campus.
"Mauna na ako Best ha?" Paalam ko habang binibitawan na ang kamay niya. Nabigla naman ako nung bigla niya itong hinigpitan ng hawak.
"Oh? Bakit?" Tanong ko.
"Sabay na tayo, Best. Tinawagan ko si Manong kanina na wag na akong sunduin para naman makapag-usap pa tayo ng matagal." Sagot ni Clara na ikinakunot ng noo ko.
"Okay." Pagsang-ayon ko nalang at sabay na kaming naglakad pauwi. Malapit lang kasi ang subdivision nila Clara sa amin. Dalawang kanto lang ang layo.
Habang naglalakad kami, panay ang galaw ko sa mga balikat ko. Mabigat kasi ang bag ko. Pinadala na kasi ng mga teachers ang mga libro namin dahil malapit na ang pagtatapos ng pasukan tsaka gagraduate narin kami.
Maya maya pa ay bigla nalang huminto si Clara sa paglalakad at kinuha ang bag na nakalagay sa likod ko. Inilagay niya iyon sa likod niya pagkatapos ay nginitian ako.
BINABASA MO ANG
Bestfriend [COMPLETED]
HorrorAng kaibigan mong siyang kaagapay mo sa araw araw. Ginagawa ang lahat sayo, lahat lahat. Pero nung kailangan ka niya, natulungan mo ba? Sa oras ng paniningil niya, may maibibigay ka ba?