Naalimpungatan ako sa mahihinang bulong na nasa paligid ko kaya agad akong napabalikwas ng bangon.
"Gising na si Jane!" Ang tanging narinig ko. Hindi ko pa iminulat ang mata ko dahil napakasakit ng ulo ko.
"Jane, okay ka na?" Sa pagkakataong yun ay ibinuka ko na ang mata ko at sinulyapan ang kumausap sakin pero si Clara ang nakita ko kaya agad kong ipinilig ang ulo ko at muling sinulyapan ang taong nasa harap ko. Si Miss Sanchez pala, adviser ko.
"O-okay na ho ako Ma'am." Sagot ko pero ang totoo, nanlalamig na naman ako. Alam kong nasa paligid lang si Clara.
"Bakit ka hinimatay Jane?" Tanong ulit ni Miss Sanchez.
Hindi ako nakasagot. Sasabihin ko ba na nagpapakita si Clara? Sasabihin ko ba na ako ang sinisisi niya? Na galit na galit ang kaluluwa niya sakin? Sasabihin ko ba?
"Nagpakita ba sayo si Clara, Jane?" Tanong ni Anna na di ko napansin na nasa kabilang side pala ng kamang hinihigaan ko.
"H-hindi. H-hindi ko nakita—"
"Wag ka ng magsinungaling Jane. Alam kong nagpapakita si Clara sayo. Nung gabing dumalo ka sa burol niya, nagpakita rin si Clara sayo nun diba?" Anna
Imbis na sagutin ko ang mga tanong ni Rose ay nagsimula akong humagulgol.
"Jane, bakit ka ginagambala ni Clara?" Anna
Hindi ako sumagot. Umiling iling lang ako habang patuloy na humahagulgol.
"Yung sinabi ng Mommy ni Clara. Totoo ba yun? Na di mo natulungan si Clara?" Agad na dugtong ni Anna na hindi man lang nakinig sa dapat ay isasagot ko.
Mas lalo akong napahagulgol sa tanong niya.
"Anna tama na!" Si Miss Sanchez na agad akong dinaluhan at niyakap.
"Lumabas muna kayo Anna." Maya maya ay utos ni Miss Sanchez kay Anna at sa iba pang kaklaseng nasa loob ng clinic. Agad naman silang nagsilabasan sa kwarto. Pagkalabas na pagkalabas nila ay niyakap ulit ako ni Miss Sanchez. Nakaganun lang kami nung mapag-isip isip ko na kailangan ko ng mapagsasabihan ng mga nangyayari sakin.
"M-ma'am."
Agad na kumalas si Miss Sanchez sa pagkakayakap sakin at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa mukha ko.
"Ano yun Jane?"
"M-may sasabihin ho ako sa inyo. P-pero sana ho, m-manatiling lihim ito sa pagitan nating d-dalawa."
Marahan lang na tumango si Miss Sanchez tanda na maaasahan ko siya.
Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.
"Nung araw na pinatay si Clara. Inaamin ko ho na ang laki ng kasalanan ko sa kanya nun." Simula ko.
"K-kung di dahil sa takot k-ko, edi sana, b-buhay pa si Clara ngayon."
"Anong ibig mong sabihin Jane?" Miss Sanchez
"N-nakawala ho si Clara sa m-mga dumukot sa k-kanya nun. T-tumakbo siya agad s-sa bahay namin at kinalampag ang gate namin h-habang sumisigaw na pagbuksan k-ko siya. G-gusto ko ho s-siyang pagbuksan Ma'am p-pero n-natakot ako. N-natakot ako na b-baka madamay a-ako. N-natakot ako na b-baka barilin din a-ako. N-natakot ako n-na baka madamay sila Mama kaya h-hindi ko siya p-pinagbuksan. N-namatay siya dahil sa akin. N-namatay siya dahil h-hindi ko siya tinulungang makapasok at m-makapagtago sa bahay. N-namatay siya k-kasi naging duwag ako. N-namatay siya a-at kasalanan ko yun!" Pagkatapos kong sabihin kay Miss Sanchez ang lahat ay humagulgol ako. Ilang minuto din akong humagulgol nang mapansin kong hindi umiimik o gumagalaw man lang si Miss Sanchez kaya dahan dahan ko siyang tiningnan pero nanlaki ang mga mata ko. Hindi na si Miss Sanchez ang kaharap ko kundi si Clara.
BINABASA MO ANG
Bestfriend [COMPLETED]
Kinh dịAng kaibigan mong siyang kaagapay mo sa araw araw. Ginagawa ang lahat sayo, lahat lahat. Pero nung kailangan ka niya, natulungan mo ba? Sa oras ng paniningil niya, may maibibigay ka ba?