Matapos ang libing ni Clara ay balik ulit sa normal ang buhay ko. Isang buwan na din kasi ang nakakalipas mula nung mailibing siya at sa awa naman ng Diyos ay hindi na muli pang nagpakita ni nagparamdam sa akin si Clara. Kaya naman kahit papaano ay nakakapasok na din ako sa school. Nakakangiti at nakakasabay na din ako sa mga kalokohan ng mga kaklase ko. Pero hindi ko pa din maiwasang hindi mangamba sa tuwing naaalala ko ang huling banta sa akin ni Clara. Na babalikan niya ako at papatayin. Pero ipinagpalagay ko nalang na baka imahinasyon ko lang yun. Na baka resulta lang iyon ng pagod at paninisi ko sa sarili ko. O baka naman kaya hindi na muli pang nagpakita sa akin si Clara ay dahil natanggap na niya ang nangyari sa kanya.
"Clara, birthday ni Jessy bukas and at the same time e despedida party niya para sa pagpunta nya sa States next month. Kaya naman iniimbitahan niya tayong mga kaibigan niya na doon magdinner sa bahay nila bukas." Mayamaya pa ay narinig kong sabi ni Rose na siyang bago kong katabi sa pandalawahang desk ngayon.
"Sige, susubukan ko." Sagot ko.
"Anong susubukan? Uy Jane, huling birthday party ko na 'to na ma-i-invite ko kayo kasi you know na, sa States na ako mag-aaral pagkatapos nating grumaduate tapos hindi ka pa sure na pupunta ka bukas ng gabi?" Si Jessy na hindi namin napansin ni Rose na nasa likuran na pala namin. Todo ang pagnguso nito na halatang nagtatampo kaya napangiti na din ako. Kahit papaano ay may mga bago na akong kaibigang maituturing at sila iyon.
"Oo nga Jane. Tsaka isa pa, alam naman naming hindi ka pa din nakakapagmove on sa pagkamatay ni Clara kaya baka makatulong ang pagsasaya sa'yo para tuluyan ka nang makapagmove on." Dugtong naman ni Rose kay Jessy na agad na nakapagbura ng ngiti ko. Naramdaman ko na uminit ang mga mata ko dahil sa mga nagbabadyang luha kaya napayuko nalang ako.
"Naku Jane, sorry! Sorry. Sorry." Agad naman na hinging paumanhin ni Rose pagkatapos ay niyakap ako. Hindi ko na napigilang mapahikbi sa balikat niya.
Kahit pala pilitin ko ang sarili kong maging masaya, wala pa din. Babalik at babalik pa din pala ang sakit na dulot ng pagkamatay ng bestfriend ko. At babalik at babalik pa din pala ang konsensyang dala ko dahil sa ako ang dahilan ng pagkawala niya. Babalik at babalik din pala.
Ilang minuto din akong inalo ni Jessy at Rose bago ako tumigil sa pag-iyak. Nung tuluyan na akong mahimasmasan ay nginitian ko silang dalawa ng pilit.
"Pupunta ako sa birthday at despedida mo bukas, Jessy. Siguro tama si Rose. Kailangan ko ding magsaya para makalimutan ang lahat. Tsaka isa pa, gagraduate na din tayo next week kaya sulitin na natin ang mga natitirang araw na magkasama tayo." Mahinang sabi ko. Napangiti nalang si Jessy pagkatapos ay niyakap ako. Yumakap na din si Rose sa aming dalawa ni Jessy.
"Huwag kang mag-alala Jane. Makakapagmove on ka din. Tutulungan ka namin." Rose
---
Kinabukasan
Alas syete ng gabi. Habang nag-aayos ako sa kwarto ko ay panay na ang tawag ni Mama sa akin sa labas.
![](https://img.wattpad.com/cover/3044864-288-k990556.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriend [COMPLETED]
HorrorAng kaibigan mong siyang kaagapay mo sa araw araw. Ginagawa ang lahat sayo, lahat lahat. Pero nung kailangan ka niya, natulungan mo ba? Sa oras ng paniningil niya, may maibibigay ka ba?