"Anak?" Tawag ni Mama sakin na kakabukas pa lang ng pintuan ko sa kwarto.
"Oh? San ang punta mo?" Agad na tanong niya nung makita akong nagbibihis.
"At bakit nakaitim ka?"
"Libing ho ni Clara ngayon Ma." Halos pabulong kong sagot.
"Pupunta ka?"
Tumango lang ako bilang sagot sa tanong niya.
"Sigurado ka ba anak? Baka...baka magpakita na naman si—"
"Okay lang ho Ma. Nararapat lang ho din iyon sa akin. Ako ang may kasalanan kung bak—"
"Hindi. Wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya. Hindi ikaw." Putol ni Mama sakin.
Agad na nagsilaglagan ang mga luha ko. Oo, hindi nga ako pero may kasalanan din ako. Naging duwag ako eh! Di ko siya nagawang tulungan.
Maya maya pa ay naramdaman ko ang yakap ni Mama kaya napahikbi na ako.
"Mabait na bata si Clara, Jane. Maiintindihan ka din nun balang araw. Siguro hindi lang niya matanggap ang nangyari sa kanya kaya nagkakaganun siya pero kahit na ganun, patuloy lang nating ipagdasal ang kaluluwa niya at makakamtan niya din ang kapayapaan."
Napapikit ako pagkatapos na sabihin yun ni Mama.
"Sana nga Ma. Sana nga."
---
Nakaupo ako ngayon sa pinakalikurang bahagi ng simbahan. Andito lang ako dahil hindi ako makalapit sa mga kamag-anak at lalo na sa Mommy ni Clara. Masama pa din kasi ang loob nito sakin.
Malapit nang matapos ang misa para kay Clara at sa awa ng Diyos ay hindi niya naman ako ginambala.
Maya maya pa nga ay natapos na ang misa. Inilabas ulit ang labi ni Clara at isinakay na sa isang van. May mga upuan sa loob ng van kaya isa ako sa mga sumakay doon. Kasama ko ang mga pinsan ni Clara.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa isang pribadong sementeryo kung saan ilalagak ang labi ni Clara ay tahimik lang kami sa loob ng van. Walang gustong basagin ang katahimikan. Ang lahat ay nagluluksa. Ang mata ng bawat isa ay lumuluha.
Maya maya pa ay napatingin ako sa hawak hawak kong kwadro. Kwadro iyon ni Clara. Napangiti ako at maya maya pa, nagsimulang magsilaglagan ang mga luha ko. Hindi ko maiwasang sisihin ulit ang sarili ko. Bakit ba kasi ako naging duwag? Bakit nabahag ang buntot ko? Kung naging matapang lang sana ako edi sana buhay pa ngayon si Clara. Buhay pa sana ang bestfriend ko.
Mas lalong nagsilaglagan ang mga luha ko. Ang iba ay nahulog sa kwadro ni Clara. Pero maya maya pa ay nagulat ako. Hindi na luha ang pumapatak sa kwadro ni Clara kundi dugo.
"Jane."
Nagulat ako dahil sa biglang paghawak sa balikat ko at pagtawag sa pangalan ko. Pagtingin ko ay isa pala sa mga pinsan ni Clara.
"Jane, bakit?" Nag-aalala niyang tanong.
"W-wala." Tanging nasagot ko nalang. Napansin niya siguro ang panlalaki ng mata ko at pagiging balisa ko.
Maya maya pa ay bumukas na ang pintuan ng van.
"Bumaba na tayo?"
"Susunod nalang ako." Sagot ko. Bumaba na nga ang mga pinsan ni Clara at maya maya pa, kinuha na ang kabaong niya na kaharap ko lang. Napagpasyahan ko naring bumaba at bago bumaba, napasulyap ako sa hawak kong kwadro. Wala na ang dugo dun.
---
Tapos na ang pabaong dasal para kay Clara. Isa isa nang nagsilapitan ang mga kamag-anak niya pati na ang mga kaklase namin para maghulog ng puting rosas. Nang ako na ang maghuhulog ng rosas ay biglang umalog ang kabaong ni Clara. Kung kanina ay pababa na ito sa hukay, ngayon naman ay tumataas ito.
"A-anong nangyayari?! B-BAKIT UMAALOG ANG KABAONG NIYA?! BAKIT?!" Ang naghihisterikal na tanong ko pero ganun nalang ang takot ko nang paglingon ko ay wala nang tao sa paligid.
"Jane."
Agad na napadako ang tingin ko sa kabaong ni Clara na nasa harapan ko na ngayon. Maya maya pa ay umalog ito ng pagkalakas lakas na parang may gustong lumabas doon.
Nanginginig na napaurong ako.
Gusto kong tumakbo at magsisisigaw nang mga oras na yun pero hindi ko magawa. Naninigas ang binti ko at parang may kung anong nakaatang sa lalamunan ko.
Patuloy pa din sa pag-alog ang kabaong at maya maya pa, bigla itong tumigil. Pero mas nanlaki ang mga ko sa sumunod na nangyari. Biglang may lumabas na napakaraming dugo sa kabaong ni Clara. Para iyong balde na may umaapaw na tubig. Mabilis ang pag-apaw ng dugo kaya agad na umabot iyon sa paa ko.
Habol habol ko na ang hininga ko pero mas sumikip pa yun nang dahan dahang bumukas ang kabaong ni Clara at lumabas siya doon.
"Jane, samahan mo naman ako oh!" Ang nakangiti ng nakakalokong paanyaya ni Clara sakin. Sunod sunod akong umiling. At dahil doon ay agad na gumuhit ang galit sa mukha niya.
"Bakit Jane? Diba sabi ko, walang makakapaghiwalay satin? Kahit kamatayan Jane! Kahit kamatayan!"
"C-Clara, manahimik k-ka na!"
"MANAHIMIK?! KUNG TINULUNGAN MO LANG SANA AKO JANE! KUNG PINAGBUKSAN MO LANG SANA AKO NG GATE! KUNG HINDI KA LANG NAGPAKADUWAG!" Galit na galit na sigaw ni Clara sakin.
Mabilis ang mga pangyayari. Sa isang kurap ko lang ay nasa harap ko na si Clara. Agad niya akong dinaganan kaya gimbal akong natumba. Agad niya akong sinakal. Pahigpit ng pahigpit.
"PAPATAYIN KITA JANE! PAPATAYIN KITA!" Galit na galit ulit na sigaw ni Clara sakin. Nagsitalsikan ang mga dugo na nasa bibig at noo niya.
Mas hinigpitan pa ni Clara ang pagsakal sakin hanggang sa...
"Jane? Anong problema?" Agad akong napa-igtad at napamulat dahil sa tanong na iyon. Pagtingin ko ay si Miss Sanchez pala iyon. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Okay ka lang?" Ang tanong ulet ni Miss Sanchez habang hinihimas ang likod ko. Sunod sunod nalang akong tumango para hindi na ito mag-alala pa.
"Okay, sige, ihulog mo na iyang rosas mo dahil tatabunan na nila ng lupa ang hukay na Clara." Dugtong ni Miss Sanchez kaya tumango nalang ako at humakbang na sa hukay ni Clara.
Bago ko ihulog ang rosas ay sinilip ko muna ang kabaong niya pero napaatras nalang ako sa nakita ko, nakabukas yun at si Clara...
Nakangiti siya sakin at parang may ibinubulong siya. Binasa ko ang mga labi niya at mas lalo akong napaatras nung maintindihan ko iyon.
'Babalikan kita Jane at papatayin kita.' Yan ang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend [COMPLETED]
TerrorAng kaibigan mong siyang kaagapay mo sa araw araw. Ginagawa ang lahat sayo, lahat lahat. Pero nung kailangan ka niya, natulungan mo ba? Sa oras ng paniningil niya, may maibibigay ka ba?