Nasa harap ko ang patay na katawan ni Clara. Nakadapa siya habang ang ulo niya ay nakatagilid. At ang mga mata niya, nakapikit ang mga iyon.
“CLARA! CLARA!” Dali dali akong lumuhod at itinihaya siya.
“C-Clara, lumaban k—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung biglang bumuka ang mga mata ni Clara at kasunod nun ang pagsakal niya sakin.
“C-Clara...B-bitawan mo a-ako!”
“BITAWAN?! BITAWAN?! DAPAT KANG MAMATAY JANE! DAPAT KANG MAMATAY!”
“CLARA!” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa masamang panaginip na yun. Habol habol ko ang hininga ko habang nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. Humagulgol ako.
“Anak!” Sigaw ni Mama na kabubukas lang sa pintuan ng kwarto ko. Agad niya akong dinaluhan nung makita niyang umiiyak ako.
“M-mama...S-si Clara.” Tanging nasambit ko nalang nung niyakap ako ni Mama.
“Anak, alam kong masakit p-pero kailangan mong tanggapin na wala na ang bestfriend mo.”
“Hindi Ma! Hindi siya mawawala kung tinulungan ko lang siya!” Sagot ko habang patuloy na humahagulgol.
“Wag mong sisihin ang sarili mo, Anak. Hindi mo kasalanan ang nangyari.”
“Ako ang may kasalanan Ma! At si Clara, sinisisi niya ako!” Mas lalo akong napahagulgol. Niyakap ako ng mahigpit ni Mama.
“Hindi yun magagawa ng bestfriend mo sayo. Hindi ka niya sisisihi—“
“Hindi Ma. Kagabi sa burol niya. Nakita ko siya sa kwarto niya. Galit na galit siya sakin! Ako ang sinisisi niya Ma! AKO! Hinayaan ko siyang patayin ng mga lalakeng yun! Nagmakaawa siyang papasukin ko siya para makaligtas pero hindi ko siya pinagbuksan Ma dahil nagpakaduwag ako! DUWAG AKO! AT DAHIL SA PAGKADUWAG KO, NAMATAY SIYA!”
“Anak tama na! Tama na! Maawa ka sa sarili mo. Tama na.” Umiiyak na pakiusap ni Mama habang yakap yakap ako ng mahigpit. Tanging hagulgol nalang ang naisagot ko.
---
Nasa kwarto lang ako. Nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana nang biglang bumukas ang kwarto ko.
“Jane.”
Agad kong pinahid ang mga luha ko at nginitian ang dalawa kong kaklase ng mapait.
BINABASA MO ANG
Bestfriend [COMPLETED]
TerrorAng kaibigan mong siyang kaagapay mo sa araw araw. Ginagawa ang lahat sayo, lahat lahat. Pero nung kailangan ka niya, natulungan mo ba? Sa oras ng paniningil niya, may maibibigay ka ba?